Eto lang masasabi ko.
I'm back.
~~~
So, update-update lang tayo dyan mga tohls! Hindi muna ako magpapublish ng new chapter sa story ko. Una, nahihiya ako, dahil baka naguguluhan kayo. Pangalawa, medyo busy pa ako, at pangatlo, inaatake ako ng procastination.
~~
Mahirap atakihin ng procastination, wag niyo ko gayahin. Hahahaha! So glad to be back, pag natapos ko na yung story ko, I will release new set of story, called: Guni-guni.
~
Ooops, I spilled the wrong bottle.
~
Anyway, etong tulang ito ay para sa mga taong mahilig mag-imagine. Mag-imagine ng kung anu-anong masasayang bagay na imposible. Dito lang sila sumasaya, isa na ako dun. Kaya para sa inyo to.
Listen to the song Tonight by FM Static.
---
Imahinasyon
Ni: Denzel SalazarNaririto ako, nanaginip nang gising.
Nangangarap na makamit ang aking mithiin
Taimtim na nagkikimkim, malayang nag-iisip.
Isinasaisip ang mga pangyayaring alam nating imposible.Nakaupo sa silid ng kwadrado,
Akala mo baldado, yun pala'y naka-de kwatro,
Mag-isa lang, at masayang ginagamit ang imahinasyon
Dito na lang kasi tayo sumasaya kahit pansaglitan lang.Sa aking imahinasyon, dito maaaring,
Maaaring ang imposible'y maging posible
Utak natin ang kumokontrol, hindi ibang tao.
Kaya't pwede natin ilayo sa realidad ang istorya,
Mga kwentong barbero'y nauuso dahil sa imahinasyon.Umaasa tayo na isang araw, ang hindi natin inaasahan,
Kusa nalang mangyayari.
Kasi eto lang talaga ang tanging nagpapasaya sa atin,
Kahit ang porsyento'y kalahati.Pagtapos, balik nanaman sa dati.
Malungkot nanaman ang paligid.
Tahimik, at walang sigla.
Walanghiyang buhay to, kung pwede lang gawing makatotohanan ang nangyari sa isip.Eto ang realidad ng buhay. Hindi lahat ng gusto natin nasusunod,
Hindi rin lahat ng nangyayari sa isip, ay mangyayari talaga.
Pero, isa lang ang tanging paraan dyan,Kung gusto mo mangyari ang mga iyon,
Gawan mo ng paraan. Dapat desisdido ka sa layunin mo,
Dahil kagaya nga ng sabi ko,
"Ang Imposible, pwedeng maging POSIBLE."
BINABASA MO ANG
TULA 101
Teen FictionAng librong ito ay may iba't-ibang lebel ng saya, kalungkutan, at iba pa. Bahala na kayo kung anong interpretasyon ninyo sa likhang gawa ko. DISCLAIMER: Huwag mangongopya/magpopost ng tulang hindi orihinal na nangaling sa utak ninyo. Huwag mandurug...