UNKNOWN's P.O.V.
Medyo gay mang pakinggan pero sa tingin ko ay minsan na din akong natamaan ng mga pana ni KUPIDO at hanggang ngayon ata ay epektibo pa rin ito.
Ganito kasi yun. Sa dating pinapasukan kong school,may naging high light sa buhay ko.Noong elementary pa kasi ako,napaka anti-social ko at ang hilig hilig kong maglaro ng mga online games kagaya ng dota,crossfire at marami pang iba.
Masasabi kong iilan lang ang mga naging kaibigan ko dahil minsan lang din kasi ako pumapasok sa classroom namin, ang boring kasi at tsaka kahit di ako mag-aral ay GWAPO pa din naman ako , hindi na iyon magbabago .
Si Olein Arjee Scalar o mas kilala bilang si "JR" ,ang palagi kong kasama sa paglalaro ng online games. Minsan ay nakokonsensya nga ako.Kasi feeling ko nagiging bad influence na ako sa kaibigan ko.
Hindi namankasi siya dating addicted sa mga online games pero nag simula ito noong nag break sila ng girlfriend niyang si "LAR" ay palagi na siyang sumasama sa akin.
Mabuti na nga lang at nagkabalikan sila ngayon kasi bumabalik na siya sa pagiging masayahin at focus sa studies.
Isang araw, nagpasama sa akin si JR sa bahay nila upang kumuha ng mga materials para sa gagawin naming project sa Home Ekonomiks.
Habang naglalakad kami papunta sa kanila,may nakita akong upuan na gawa sa semento sa gilid ng daan,at dahil tinatamad akong maglakad nagpasya na lang ako na magpaiwan at doon na lamang hintayin si JR.Tutal mga ilang lakad na lang din naman daw ang layo papunta sa kanila.
"Sige bro,diyan ka muna. Kung may kailangan ka,wag kang mahiya . Nakikita mo yang malaking bahay ?" tinuro niya yung malaking bahay sa harapan namin. Tumango naman ako,tapos siya ngumisi ng malapad.
"Hindi yan sa amin" aba'y pinagloloko ako nito ah. Alam ko kaya yun.
"Sa Tita ko yan.Mabait yun kaya okay lang na sumaklolo ka"tumango lang ako sa kanya at kinuha ang ipod ko.Sinuot ko ang earphones ko at pina play yung music.
Patayo na sana ako at nagpasyang sumunod na KAY JR dahil naiinip na ako nang biglang may isang babae na may maraming dala na libro ang dumaan sa harapan ko. Parang pagod na pagod siya, but she's still beautiful and cute.
For the first time,naka appreciate ako ng beauty ng isang babae.
Hindi ko alam kong anong meron pero parang tinamaan ata ako ng mga pana ni KUPIDO dahil hindi ko magaawang igalaw ang aking mga paa at kamay.
Parang nanigas ako at patuloy na nakatingin sa kanya. Napansin ata ng babae na kanina pa ako nakatitig sa kanya kaya nilingon niya ako ulit at sa kasamaang palad ay nag snob siya sakin.
AWTS. SAKLAP!
Matapos ang pangyayaring iyon,para na akong naging STUPID DAHIL KAY KUPID .
ALAM NIYO KUNG BAKIT??
Kasi bigla akong nagbago.
Naganahan na akong mag-aral at halos araw-araw sinusulyapan ko yung babaeng nakakuha ng atensyon ko. Lagi ko siyang hinahatid sa tingin. Kung minsan,pag nagkasalubong kami ay para akong sira na bigla bigla na lang baballik o pupunta sa opposite na direksyon. Naging stalker niya ako for 2 years. Sa mga taong iyon,nalaman ko na taga section A pala siya at maraming mga nagkakagusto sa kanya. Hindi ko din alam kung bakit ako natotorpe pag dating sa kanya eh minsan na din naman ako nagka girlfriend for 2 weeks.
Siguro dahil alam ko na masyado siyang mahirap abutin. Para siyang mga bituin na kumikinang sa aking mga mata. Bumabagabag din sa aking isipan na isa lamang akong ordinaryong lalake kumpara sa mga manliligaw niya.
(INSERT ORDINARY SONG HERE)
Siguro napaka pihikan niya talaga pagdating sa mga lalaki kasi balita ko never pa siyang nagka boyfriend at ni isa sa mga manliligaw niya ay wala siyang sinagot kahit total package na ang mga ito.
Araw-araw akong tumatambay sa 5th floor ng school namin na katapat ng classroom nila upang masulyapan lang siya. Minsan habang tinitingnan ko siya na maraming ginagawang school works,gusto ko sanang tulungan siya kaso palagi akong nauunahan ng katorpihan ko.
Kung sana may lakas lang sana ako ng loob. Kung sana kasing gwapo,talino at yaman lang din ako ng mga nanliligaw sa kanya,siguro may chance. Hays. Bat ba ako nag e-emote ng ganito. Hindi ko naman siguro dapat magmadali dba? Kasi sabi nila masyado pa akong bata.. Malay mo,pag laki ko matutupad na ang pangarap ko.
Ang dapat ko na lamag sigurong gawin ngayon ay ang lihim na mahalin siya araw-araw at ihanda ang sarili ko.
NOOng graduation,kinausap ako ni JR ng personal sa rooftop ng school namin. Sa pag-uusap naming iyon,marami akong binilin sa kanya at pinagtapat ko rin na may gusto ako sa pinsan niya.
"Sinasabi ko na nga ba bro ,matagal mo na siyang gusto"
"How did you know? "
"Look bro.Noong pinakilala ko si LAR as a girlfriend,andun ang pinsan ko at pinakilala ko din siya sa iyo .. Kaso nga lang.."
"Kaso ano?"
"Mukang na badtrip pinsan ko sa iyo kasi noong inabot niya kamay niya para makipag shake hands,nakatulala ka lang at walang sinasabi."
"Sigurado ka bro? Ba't ngayon mo lang sinabi sa akin? Kaya pala sa tuwing nagkikita kami ay di niya ako pinapansin..Lagot,wala na talaga akong pag-asa nito"
"May chance kapa.May next school year pa sa high school kaya--"
"Yun na nga problema ko bro eh" sabi ko kay RJ habang may pagkadismaya sa aking mukha.Hindi nagsalita si RJ at tinitingnan lang niya ako. Alam kong hinihintay niya lang na magsalita ako kaya di na ako nagpaligoy-ligoy pa.
"Bro please take care of her. Me and my family will move into another house next day and sa ibang school din ako mag-aaral. Bro,in the right time babalikan ko siya kahit na sabihan pa nila na Mali ang maging tanga."
Tumango na lamang si JR at binigyan ako ng encouraging smile.
Matapos iyon ay bumalik na kami sa baba at nag pictorial.Alam kng imposibleng magustohan niya ako,pero hanggang ngayon ay umaasa pa rin ako na magkikita kaming muli.At pagkikita naming iyon,sisiguraduhin kong mapapansin na niya ako ..
Sana,sa panahong iyon ay panain na din siya ni KUPIDO..Itutuloy...
YOU ARE READING
Maybe It's Wrong
Teen Fiction"I think they're right. I should not allow my self to fall deeply in love.Maybe it's wrong... " Mali nga ba ang magmahal ? Mali nga bang magtapat ng tunay na nararamdaman? Mali nga ba? o baka wala lang kayo sa tamang TIMING? .-LaChiclumsyme