Chila's P.O.V
"The truth is,we really don't need a shooting star to make a wish becasue we can simply close our eyes and tell our heavenly father about our needs and---"
"Hey stop! " I covered his mouth with my palm while killing him inside my precious head. This guy is really getting on my nerves! Kanina pa siya nakikipagtalo sa akin na wala daw'ng kabuluhan ang mga shooting stars at isa lang yung malaking parte ng asignaturang "science". Hindi lang yun, pinagtalunan din namin ang tungkol sa reincarnation. According to him kasi,"we only live once,so when we died we will never come back to this earth". Nakaka-stress na talaga tong MIKO na to,ang gulo ng utak, minsan parang pinapanigan niya ang bible,minsan naman ang siyensya/science! Arghh!
"Do you ever just wonder if there's someone who secretky thinks about you and wants to talk with you but doesn't knw how? " he asked out of the blue then stared at me strangely na para bang binabasa niya ang iniisip ko. Parang may nakatagong laman ang tanong niya sa akin, parang ang dami niyang alam.
"BINGO! " he clapped slowly then leave me thinking so deeply about his weird question. Napaisip ako bigla, paano kung meron nga'ng lihim na nagkakagusto sa akin na hindi ko alam? Pero diba dapat si MIKO yun kasi siya daw si secret admirer ko? Eh bakit niya ako tinatanong na para bang hindi sarili niya ang tinutukoy niya? Kainis, napaglihian tuloy ng inis ang bagong taon ko! Makatulog na nga lang.
**************************************************
Third Person's P.O.V.
Maulap,mahangin at malamig ang paligid. Bawat studyanteng pumapasok sa Cupid High ay may mga dalang tamis na ngiti sa kanilang mga labi at mga mata. Karamihan sa kanila ay nagpabago ng gupit at kulay sa buhok.
Sa may lobby ng principal's office,isang binatilyong naka shades at naka hood ng black ang naka-upo. Kanina pa ito hindi mapakali na para bang may hinihintay pero ayaw magpakita sa karamihan. Makalipas ang kalahating oras,matapos ang flag ceremony at school announcements ng Cupid,may isang nagmamadaling babaeng studyante ang tumatakbo paakyat sa hagdanan. Nang masulyapan siya ng mysteryosong lalaki,agad siya nitong sinundan at hinablot papalapit sa kanya.
"AHHH-----" agad tinakpan ng chocolate flavor dunkin donut ng lalaki ang bibig ng babae upang hindi makatuloy sa pagsisigaw at agad binigyan ng mabilisang halik sa pisngi.Pagkatpos nun ay agad itong tumakbo palayo at iniwang nanigas ang babae.
"Chila,okey ka lang? " binalutan ng isang varsity jacket ni Mil si Chila at kinuha ang nanlalamig na kamay at tska inihipan gamit ang kanyang hininga.Pin-Inum din nito ang dalaga ng isang mainit na milk tea upang manumbalik ang dugo sa katawan,namumutla kasi ito.
"Dalhin na kita sa school clinic?" paanyaya nito. Umayaw naman ang dalagang si Chila at nagpasyang magpahatid na lang sa kanyang silid dahil hindi maganda ang kanyang pakiramdam.
Matapos ang klase ay nag-iisang naglalakad si Chila sa daan papunta sa kanilang bahay. Hindi siya mapakali at maiging ppinakikiramdaman ang paligid. Kanina pa kasi niya napapansin ang mga yapak ng paa ng isang tao at ang presensya nito sa hindi kalayuan. Nang hindi na makatiis,kumuha si Chila ng isang maliit na bato malapit sa isang damuhan at inihagis sa kanyang likuran ng napakalakas.
"Array! Are you going to kill me? " pasigaw na tanong ni Miko kay Chila habang hinihimas-himas ang maliit na bukol sa gilid ng kanyang tenga.
"Miko? "gulat na tanong ni Chila.
"Eh sorry, bat mo ba kasi ako sinusundan? "
"To make sure that you will go home safe "
"Safe? Safe ka dyan! F.Y.I,muntikan mo na akong pinatay sa takot! Akala ko kasi may masamang taong nakasunod sa akin,ikaw lang pala."
ESTÁS LEYENDO
Maybe It's Wrong
Novela Juvenil"I think they're right. I should not allow my self to fall deeply in love.Maybe it's wrong... " Mali nga ba ang magmahal ? Mali nga bang magtapat ng tunay na nararamdaman? Mali nga ba? o baka wala lang kayo sa tamang TIMING? .-LaChiclumsyme