Chapter 23: Horror Fund Raisng (PART II)

78 12 0
                                    

"Teka,ba't ka tumigil,sayang ang oras MIL"

"Kahit kailan hindi masasayang ang oras ko basta't ikaw ang kasama ko.. Tsaka hindi ka pa ba napapagod?"

Binaba niya ako mula sa pagsakay sa likuran niya. Umupo siya malapit sa may kabaong kaya sumunod nalang ako.

"Ba't naman ako mapapagod eh binuhat mo ako kani--"

"Kanina ka pa kaya tumatakbo sa isip ko"

BOOM!

Ano yun? Ngumiti na naman siya.. Mil please lang,huwag mong gawing abnormal heart beat ko kasi baka sumabog ito!

"Magpahinga muna tayo,sulitin muna natin ang 20 minutes na natira"

"Huh? pero hindi pa natin nahanap ang ikatlong treasure?"

Napangiti na naman siya tapos may kinuha siya sa bulsa niya at ipinakita niya ito sa akin. Kanina pa pala niya nahanap ang ikatlong treasure habang pasan-pasan niya ako. Hindi ko namalayan yun ah..

Nagkaroon ng katahimikan matapos niyang ipakita sa akin ang ikatlong treasure. Magsasalita na sana ako at sasabihin sa kanya na lumabas na lang kami ng bigla siyang nagtanong sa akin ng out of nowhere.

"Anong oras na?"

"Ah 10 minutes nalang at patapos na ang one hour time limit natin.Bakit?"

"Wala lang,gusto ko lang malaman kung anong oras naging abnormal ulit ang heart beat ko"

"Huh?"

"Wala,sabi ko halika na at baka tangayin ka pa ng iba,mahirap na"

Tumayo na siya at hinablot na naman ang kamay ko.

Ba't ang hilig mang hablot ng kamay ng mga lalaki? Naalala ko tuloy si Zeus.

Kamusta na kaya yun? Sana naman at walang masamang nangyari dun. Si Clarrisee pa naman ang kasama nun.

I have this feeling kasi na may hindi magandang mangyayari kapag nagsama sila. Tsk,anyways,bakit ko ba iniisp yun?

"Chila?"

Nabalik ako sa realidad ng biglang sinambit ni MIL ang pangalan ko.

"Oh?"

"Anong tingin mo kay Zeus?"

"Si Zeus? (bigla akong napangiti,hindi ko alam kung bakit ) "

"Hmmf,makulit pero sweet..Tsaka mukang mabait naman kahit papano. Bakit?"

Naglalakad parin kami hanggang ngayon habang hawak hawak ko ang kamay niya at ang isang treasure na nahanap namin sa kabilang kamay ko.

" Gusto mo ba siya?"

"Huh?"

Napaisip ako sa tanong ni MIL.

Gusto ko nga ba si Zeus?

Eh bakit minsan naiinis ako sa kanya?

Tsaka.. Mas nagiging abnormal ang heartbeat ko pag si MIL ang kasama ko.

Ehhh.. Naguguluhan ako..

Minsan kasi may nararamdaman akong kuryente kapag lumalapit si Zeus kaso dinideadma ko lang.

Ano ba talaga>?

Gusto ko ba si Zeus?

Eh kung OO, anong nararamdaman ko kaY MIL?

Maybe It's Wrong Where stories live. Discover now