Mil's P.O.V.
"Chila,may sasabihin ako sa iyo ,importante.."
"Ano yon? "
"Promise mo muna na hindi ka magagalit sa akin."
"Eh? ano ba kasi yun?" I leaned my face closer to her and take a long breath.
"Matagal ko nang gusto sabihin to noon pa ,pero natatakot ako. Natatakot ako na baka magalit ka sa akin "
"Teka hindi kita naiintindihan..."
" Maybe it's wrong to say this, but Chila I love you. . " Diretso kong sabi sa kanya without realizing kung ano ang magiging kahinatnan at magiging bunga nito. Wala na akong pakialam, ang importante sa akin ngayon ay maipahiwatig ang nararamdaman ko para sa kanya.
"Mil,don't say sorry. It's not wrong. There's nothing wrong with that..." she touched my face and looked at me directly.. I can see it in her eyes that she's sincere with her words , but I'm not sure if my thoughts are correct. I guess, I need to ask her for confirmation.
"What do you mean?"
"I also love you Mil, I love you more than you think.."sabi niya at bigla akong hinalikan.
Is it for real? Or I'm just dreaming ?
Hindi ako makapaniwala,kung panaginip man ito,ayaw ko ng magising pa..
Pumikit ako habang naghahalikan kami.Damang dama ko na totoong mahal niya ako dahil sa mga halik niya.
Ibinuka ko ulit mga mata ko para tingnan siya,pero laking gulat ko dahil wala na siya. Parang siyang bula na naglaho bigla...
-
-"Hmmmf. " nagising ako sa sinag ng araw.Panaginip lang pala,mabuti naman.Akala ko totoo na. Tumingin ako sa gilid at nakita ko ang isang anghel na natutulog ng mahimbig. Ang ganda talaga niya lalo na pagmalapitan. Kahit na nangangalay na ako,ayaw ko padin igalaw ang mga balikat ko.Ayaw ko kasing madisturbo siya sa mahimbing nyang tulog.
Teka,bakit niya ako bigla niyakap ngayon.Ano kaya ang nasa panaginip niya? Napaginipan din kaya niya ako?
Mas hinigpitan pa niya ang mga yakap niya.Di ako makagalaw.Ang init ng mga yakap niya.Mas mainit pa ata sa sinag ng araw.
Mayamaya ay nagising na din siya.
"Are you alright?" pansin ko medyo naluluha ata mga mata niya at namumula siya. Hindi naman ata blush yon. Posible namang kiligin siya.Parang iba na. Parang tumamlay at namutla siya.
"Oo oka-- Achhu!" Sabi ko na nga ba .Ang hina talaga ng resistinsya ng babaeng to. Napakadaling magkasakit,tsk.
"Halika,i-uuwi na kita sa inyo"
"wag na. kaya ko---Achuu!"
"tssk! sakay ka na sa likod ko,huwag na matigas ang ulo." seryosong utos ko sa kanya .Aayaw pa sana siya, kaso binalaan ko siya na kung hindi siya susunod sa gusto ko, hahalikan ko siya.
Effective naman yung pang ba-block mail ko kasi sumunod naman siya.
"Matulog ka muna habang pasan kita. Huwag kang mag alala,hindi kita ihuhulog. Tsaka kung sakaling mahulog ka man, pangako sasaluhin kita para hindi ka masaktan " biro ko sa kanya.Di na siya nagsalita pa at natulog nalang din ulit sa likod ko habang pasan ko siya..
Naglakad lang ako papunta sa kanila habang pasan-lpasan siya sa likoran ko. Wala pa kasing sasakyan ngayon. Masyado pang maaga. After 45 minutes. Nakarating din kami sa kanila.Hays salamat naman. Medyo sumakit din ang likoran ko.Mabigat din pala tong si chila.
YOU ARE READING
Maybe It's Wrong
Teen Fiction"I think they're right. I should not allow my self to fall deeply in love.Maybe it's wrong... " Mali nga ba ang magmahal ? Mali nga bang magtapat ng tunay na nararamdaman? Mali nga ba? o baka wala lang kayo sa tamang TIMING? .-LaChiclumsyme