Chila's P.O.V.Kinabukasan,kagaya ng inaasahan ay naka post na ang pagmumukha ko sa bulletin board. Di lang ang pagmumukha ko pati na din yung mukha ng lalaking naka # 26. Tiyak na madami ng galit sa akin ngayon.. Balita ko kasi maraming fans yun.
"Girl,ang landi noong girl na yun talaga"
"YEAH I hate her na!! " Rining na rinig ko ang mga bulung bulungan ng mga girls malapit sa bulletin board. Di ako sure kung ako ba ang tinutukoy nila pero di ko parin sila papansinin.. Dumiretso na lang ako sa paglalakad. Wala akong paki alam kong makilala nila ako pero ang totoo,kinakabaha talaga ako.
Okay na sana eh, kaso may nakabangga akong first year student. Tapos sumigaw siya.
"Guys,siya ata yung nasa bulletin" Nang mapansin kong na alarma silang lahat,tumakbo agad ako kahit hindi naman nila ako hinahabol. Baka kasi mapagtripan nila ako. Diba yun ang kadalasang mga eksena kapag transferee? Binubully. Tsk, ang cliche ng sitwasyon ko.
Mga ilang sandali ,may nakita akong isang pinto na out of order. Tiningnan ko baka pwde ako makapagtago.
Madilim ang paligid,tapos malamig din.Inikot ko ang mga mata ko. May nakita akong pusang itim,nakakatindig balahibo!
Pinikit ko na lang yung mga mata ko para pakalmahin ang sarili. Pinakiramdaman ko yung paligid. May naririnig na din akong mga yapak ng paa,parang palapit sa akin."Bat ka namumutla?" Pagkarinig ko nun, dinilat ko na ang aking mga mata. Bumungad sa akin ang isang lalaking may maamong mukha,siya yung naka jersey 26. Ang bango pala niya.
" Hindi ka multo?" Paninigurado ko. Baka kasi mamamalik mata lang ako,ang dilim pa naman dito. Malay natin isa pa lang doppelganger tong nasa harapan ko.
"Do I look like a ghost?" Sarkastikong sagot niya.
"Waahh ! I thought you're a ghost! Salamat naman at hindi. Kyaaah!" sa sobrang tuwa ko hindi ko namalayan na yakap yakap ko na pala siya.
" nakayakap ka sa akin" nahihiyang sabi niya sa akin. Humiwalay din naman ako kaagad sa kanya at dumistansya ng half a meter, nakakahiya!
"Ba't ka andito? Diba out of order to?"
"Eh kasi--- teka. Ba't ikaw andito rin?" Tinitigan na lang niya ako at di na sinagot pa.He leaned closer to me so I stepped back.
"You should pay me" halos pabulong niyang banggit habang patuloy lang sa paglapit sa akin.
"HUH?"
"pinahiya mo ko kahapon,kaya lagot ka sa mga fans ko kung isusumbong kita" wow,fans talaga?Feeling artista naman tong isang to.
" Bina- BLOCK MAIL MO BA AKO?"
"What do you think?" he said calmly,then he smirked at me.. Creepy guy.
Hihirit pa sana ako kaso nagsalita siya ulit.
"Let's Go.."
"Teka,Saan mo ako dadalhin? "
"Sa lugar na masusulo kita."
****
Hindi ko alam kung bakit bigla nalang napasok sa isipan ng lalaking ito na dalhin ako dito sa rooftop. Minamasdan ko siya ng maigi ngayon habang siya ay di umiimik..
Napaka kalmado lang ng mukha niya habang ako,sa kaloob looban ko ay gusto ko na siyang upak-upakan at hampasin ng maraming plywoods.
♪♪♪ Heart beats fast .Colors and promises.How to be brave.How can I love when I'm afraid to fall.
But watching you stand alone,all of my doubt suddenly goes away somehow ♪♪♪"Ba't mo ba ako dinala dito? " irita kong tanong. Di padin siya umiimik.Tinitingnan niya padin ako.
Bakit biglang nag iba ang aura ng lalaking to? Bat nakatulalang naka tingin sakin? Ganito ba talaga ako ka ganda o baka naman naka drugs to?
Umiwas na lang ako ng tingin sa kanya tapos sinilip ko yung view sa ibaba.Infairness may rooftop din pala tong school na to! Ang romantic tingnan.. Peaceful dito,ang sarap langhapin ng fresh air at makikita mo yung buong school.
Siguro mas sasaya ako pag si Chandy kasama ko dito kaso itong lalaking to ang kasama ko,tsk. Nasisira ang kagandahan ng rooftop.
"Marami kang makikitang stars dito " bigla niyang salita tapos dumungaw na din siya sa may terrace ng rooftop. Patuloy lang siya sa pagsasalita kaya hinayaan ko na,wala din naman akong masabi eh. Marami siyang ikwinento kaso pinalabas ko lang sa isa kong tenga. Ganito talaga ako kapag hindi interesado.
"Alis na ako.Baka hinahanap na ako ni Chandy" sabi ko sabay alis ng bigla niya akong hinablot.
ehhh!! Magkalapit mga katawan namin ngayon!
Hinablot ba nmn ako papunta sa kanya !
"Oy,ano ba. Bitawan mo nga ako!" Nagpupumilit akong kumawala sa kanya kaso hindi ako nagtagumpay.Masyado kasi siyang malakas.
"Akala ko ba gagawin mo ang lahat para di kita isumbong sa mga fans ko?" Namilog mga mata ko sa sinabi niya.Nag iba kasi ang aura niya.
---------------
Mil's P.O.V.
"Teka..wala akong sinabing ganun ahh" nag blush siya.Ang Cute niya slight . May naaalala tuloy ako sa kanya..
"Akin na" bigla ko siyang binitawan at inabot ko yung kamay ko na parang may hinihingi..
"Akin na ? A-k-in na ang A- alin?"
"Hand me your phone"
________________________Chila's P.O.V.
"Huh? pero bago palang tong bigay ni papa sakin" grabeh kung alam ko lang na magnanakaw siya sana hindi na ako sumama..
Sabi na nga ba eh, may masama siyang balak. Iba na talaga ang panahon ngayon, magaganda't gwapo na ang magnanakaw.. Kagaya na lang nung balita na may shop lifter daw na maganda sa Cebu..
Niiyak na tuloy ako..
"Teka,why are you crying?"
"Eh kasi hino-hold-up mo ko eh! Kukunin mo yung phone ko .."
*Sniff * SOBS*
AYAN NA!! NAIYAK NA AKO!!!
"AHAHAHAHAHHA! " bigla akong napatigil dahil tumawa siya. Ano naman ang nakakatawa? Wala talaga siyang puso!
"Akin na nga yang phone mo.." bigla niyang kinuha phone ko, hindi na lang ako pumalag kasi baka ano pang gawin niya..
Ang sabi ni Mama sa akin pag napasok daw ako sa ganitong sitwasyon,dapat hindi na lang ako maging matigas.. Mapapalitan naman daw kasi ang mga kagamitan kumpara sa buhay ng tao na once lang.
"Kukunin ko lang naman number mo . Huwag ka na umiyak,di bagay sa'yo." sabi niya sabay punas sa mga luha ko.
Walang hiya ! Gusto lng pala makuha number ko eh tinakot pa ako,pwde namang maging gentle diba?Humanda ka sa akin!!!!
BOOGSSHH!
"Ang sadista mo " sumbat niya.. Inupakan ko kasi siya ,naka kainis eh.
"Buti nga sayo! Akin na nga yang phone ko! Kainis! " sabi ko sabay hablot sa phone ko at tumakbo ng mabilis.
"Hey! di ko pa nakuha yung phone number mo.Wa---ouch! wait " sabi niya habang hirap lumakad dahil siguro sa lakas ng sipa ko.
"Lagot ka talaga sa akin pag nagkita--ouch- tayo ulit! " medyo napahinto ako sa banta niya. Siyempre isang hamak na transferred student lang ako, samantalang siya parang sikat sa buong campus. Paano na lang kong ipapa-bully niya ako?
Aissh. Bahala na nga lang si batman.
Itutuloy...
YOU ARE READING
Maybe It's Wrong
Teen Fiction"I think they're right. I should not allow my self to fall deeply in love.Maybe it's wrong... " Mali nga ba ang magmahal ? Mali nga bang magtapat ng tunay na nararamdaman? Mali nga ba? o baka wala lang kayo sa tamang TIMING? .-LaChiclumsyme