Chila's P.O.V.
Nangpaalam na ako kay Mama at nangakong uuwi ako bago mag 6 pm dahil dadating daw si Lola at Lolo galing sa probinsya. Madali kasing magtampo si Lola kapag pagdating niya sa bahay ay hindi ka niya maaabutan,ang gusto niya,bago siya dumating dapat naka settle na ang lahat.Dumiretso na ako sa park kung saan kami magkikita ni Chandy. Inilapag ko ang dala kong picnic cloth sa damuhan at nilapag ko na dun ang mga dala kong pagkain,chocolate milk,at siyempre ang TISSUE. Aware na kasi ako na kapag sa park gustong makipagkita ni CHANDY,ibig sabhin talaga nun ay may malaki siyang problema na kailangan niyang ipalabas sa pamamagitan ng PAG-IYAK!.
"Arly naman,naka 50 selfie ka na,tapos--- "
"Aissh ang dami mong satsat ,halika nga picture pa tayo dali " napalingon naman ako sa dalawang bagets na kanina pa nag-iingay sa tapat ko. Masyado kasing vain yung girl at mukang napapagod na sa ka-se-selfie yung boy. Ang cute nilang tingnan,mag tsyota kaya tong dalawang to? O magkaibigan lang?
"Ang vain mo talaga Arly,maswerte ka may gwapo kang bestfriend" sinuntok ng mahina ng girl yung kasama niyang boy sa may tiyan! Nagtawanan pa silang dalawa ppero tumigil din sa kulitan nila nang mapansin ata nila na kanina pa ako nakatingin.
"Ate Chila? " si Arly Theorem pala yung girl na bagets. Kaya pala familiar kasi siya ang kapatid ni Zeus. Tumakbo na parang bata si Arly sa akin at yinakap ako ng mahigpit.
"Oh emm Ate ang ganda mo pa rin like me,best picturan mo kami dali "inabot niya yung iphone 6 niya sa kasama niya at napose kami. Ang vain pala talaga nitong si Arly, almost 20 shots ang pictures namin at may balak pa sana siyang dagdagan yun kung hindi lang dumating si Chandria na namamaga ang mata.
"Ate Chila,who is she ? She looks so ssad,what happened " binulong sa akin yun ni Arly ng napakalakas kaaya siniko siya ng bestfriend niya at sinaway. Aalis na sana sila kaso pinigilan sila ni Chandria at sinabihang sumabay na lang sa picnic namin.
As expected,nag-iyakan kaming tatlo dahil nadala kami sa emosyon ni Chandria. Tanging si Leo nga lang yung hindi nakarelate sa amin eh,siya lang kasi yung boy na nandito.
"Ano na, *sobs* *Hek* --nakunan mo ng video yung iyakan portion namin best? *Sobs* " tumango lang si Leo,nautusan kasi siya ni Arly na kunan ng video ang mga sharing namin kasi para daw hindi niya makalimutan.Ang cool talaga ng dalawang bagets na ito,akalain mo yon,pwde palang maging mag bestfriend lang ang babae at lalaki.. Sana nga lang walang na friendzone sa isa sa kanila. According to READER'S DIGEST kasi, if may magkakaibigan na lalaki o babae at nagtagal sila, isa lang ang ibig sabihin nun. Its either they have a mutual understanding or may isa sa kanila na umaasa.
"Ang sad naman po ng love story niyo,diba best nakakaiyak"
"Tsk ewan ko sayo arly,halika nga,pupunasan ko yang mga luha mo. Lalo kang pumapangit eh,nakakahiya. " inilapit ni Leo si Arly sa kanya at pinahiran ang mga luha nito. Kung hindi ko lang talaga alam na magkaibigan sila,siguro iisipin kong mag-tsyota sila. Ang sweet eh,nahiya tuloy sa kanila ang mga dala kong chocolates at cakes.
"Chilat,ano na ang gagawin ko? Naguguluhan na ako" patuloy pa rin sa pag-iyak si Chandy.. Naku pag ganito talaganf sitwasyon,hindi ko alam ang gagawin.. Naihiya tuloy ako kay Chandy kasi pag ako ang may problema,kino-comfort niya ako tapos pag siya naman ang may problema hindi ko siya nako-comfort ng maayos.. Wala kasi yun sa vocabulary ko.
"Ahhmm Chandy ,ikaw lang ang makakasagot sa tanong mo.. Ang mapapayo ko lang,mas nakakabuti sigurong kausapin mo siya sa personal para naman pareho kayong malinawan." tumigil muna ako sandali at huminga ng malalim. Hindi kasi ako sanay sa mga ganitong eksena, hindi kasi ako magaling mag advice tungkol sa love kasi nga wALA akong experience.. Binabase ko nga lang sa mga libro at mga obseravtions ko ang mga kadalasang pinapayo ko eh.
" Based kasi sa mga nababasa kong pyschological facts,kapag ang dalawang magkasintahan daw na matagal na nagsama at bigla bigla nalang magkakaroon ng hindi mabuting break-up,malaki talaga ang posibilidad na may isa sa kanila ang hindi maka move on.. Chandy,talk to him para naman malinawan ka na at maka move on na ng tuluyan."
"Pero Chilat.. Natatakot ako, paano kung ako pala yung may kulang? Paano kung ako pala talaga ang may kasalaanan kung bakit kami nagkahiwalay? Paano kung masyado lang talaga ako naging close minded noon? Paano kung ganun? Paano din kung sabihin niya sa akin na mahal na niya ako? Naguguluhan na ako chila.." yinakap ko na lang si Chandy ng mahigpit at hindi na ako umimik pa,nag breakdown na kasi siya.
"Chila,ang hirap! Peste kasi yang pag-ibig na yan eh!! Nakamove on na sana ako eh kaso-- *sobs * Kaso *pahid sa mga luha* ,bigla ko pang nalaman na mali pala yung mga iniisip ko. Hindi pala totoong pinagpalit niya ako,kapatid lang pala niya si Nichole! " iyak lang siya ng hiyak na may samang paghikbi . Kanina pa nga ubos ang mga tissue na dinala ko eh kaya sa damit ko pa tuloy nakipahid si Chandy,hays..
Ganun ba talaga kapag nagmahal ka? Masasaktan at masasaktan ka kahit na ginawa mo na ang lahat/.. Masakit ba talagang magmahal? Ilang days,months or years ba talaga ang aabutin bago makapag move on? Sa tingin ko kasi hindi madali yun..
Grave talaga ang pag-ibig, kaya nga ako natatakot na pumasok sa mga ganyan eh.. Natatakot akong masaktan at maiwan. Ayaw kong magsakripisyo. Ayaw kung maging luhaan o kaya maging bitter kapag niloko.. Nakakatakot talaga.
Pambihira naman kasi si Cupid eh, papalya palya sa trabaho niya! Bakit kaya dapat pang masaktan bago mahanap ang true love mo?
"Ate chandy,stop crying na po, naiiyak na ulit ako"
"Hayaan mo nga sila Arly,hindi madali ang masaktan dahil sa pagmamahal.Mahirap yun lalo na pag hindi alam ng mahal mo na mahal mo siya."
"Ang lalim naman ng thoughts mo Leo,di ko carry, pa hug na nga lang" yinakap ni Arly si Leo ng mahigpit kaya namula tuloy si Leo. Feeling ko may something si Leo towards to Arly.. Kawawa talagang bata na to,mukang na friiendzone ata..
"Alam ko na po! " nasa gitna kami ng katahimikan ng biglang tumayo si Arly at humarap sa amin ng may dalang ngiti sa mga labi.
"I have a briilliant idea na po kung paano kayo matutulungan" napakunot naman ang mga noo naming lahat at hinihintay lang ang mga susunod na sasabihin ni Arly.
"We will investigate na lang po! Since nahihiya kayong makipag-usap sa ex niyo,kami nalang po ang gagawa ng paraan! "
"Paano naman?" sabay sabay naming tanong sa kanya.
"Magiging stalker po ako for a while or gagawa ako ng bonggang traps para makapag-usap kayo ng one on one.. Pero siympre dapat may twist ang mga traps ko para hindi halata at para romantic.. Ayeee kinikilig tuloy ako habang vini-visulalize ang lahat ng plano ko! Ang cute ko talaga"
"Baka papalpak ka na naman best "
"Aissh ,ang galing ko kaya sa mga ganyan! Tsyaka tutulungan mo naman ako best Leo diba? At pati kayo ate chila diba? DIba? "napatango na lamang kami ni Leo sa kanya.. May something kasi kay ARLY na magdadahilan upang hindi ka makatanggi sa kanya.. Maybe because of her charm. She's so cute and lovely!
"Kailan naman yan sisimulan? Baka *sobs* Baka hindi yan magiging effective.. Paano kung papalpak? Paano kung ayaw niya akong kausapin? PA--"
"Chill lang po ate chandria.. Hinga po kayo ng malalim. Inhale ,exhale " sinunod naman ni Chandy ang payo ni arly kaya kumalma na siya.
"Teka,before I forget,ano nga po pala ang name ng ex niyo? Para naman masimulan ko na ang investigation ko later "
"Rhendel Ursabia,yan ang name niya."
"Rhendel Ursabia po? " tumango naman si Chandria sa kanya. Biglang nag smirk si Arly at tiningnan ng nakakaloka si Leo kaya napatingin na din kami.
"Mukang mapapadali pala ang pag solve natin sa problema niyo eh "
"Huh? Bakit ?' sabay kaming nagtanong ni Chandy sa kanya samantalang si Leo ay napailing-iling lamang at nakapagbuntong hininga.
"Rhendel Ursabia is Leo's best cousin! "
YOU ARE READING
Maybe It's Wrong
Teen Fiction"I think they're right. I should not allow my self to fall deeply in love.Maybe it's wrong... " Mali nga ba ang magmahal ? Mali nga bang magtapat ng tunay na nararamdaman? Mali nga ba? o baka wala lang kayo sa tamang TIMING? .-LaChiclumsyme