Chapter 26: Niña Marie

77 12 3
                                    

Nina's P.O.V.

"Nina Marie? Ba't ka nandito?" gulat na tanong ni Gella,ang secret agent ng ampalaya club.

"Well,bawal ba? Obvious naman diba? I'm helping you to make our project successful. " chill na sagot ko sa kanya sabay ayos sa bangs ko.

"Pero Nin,hindi ka pwdeng makisali sa project na ito. Kami lang mga secret agents ang pwdeng gumawa ng moves, baka magulo mo lang ang lahat."

"Gella, please let me help you. Alam kong ginagawa ko " tumingin ako sa may puno kung saan nandun ang lalaking nagdulot sa akin ng matinding pighati (Si Mr.Heartbreaker) at ang kanyang napupusuan... Sa likuran nila ay nakaupo sa may bench ang lalaking pinaranas sa akin kung paano ma friendzone. Siya si Mr .Paasa, si MIL JOHN CHUA.

Walang kaalam-alam ang buong miyembro ng ampalaya club na si MR. HEARTBREAKER AT MR.PAASA Na tinutukoy ko ay hindi iisa.

Buong akala nila ay parehong si Zeus lang iyon. Ayaw ko kasing ibahagi sa kanila ang sama ng loob ko kay Mil kasi kung tutuusin wala naman talaga siyang kasalanan,kaso parang natapakan yung ego ko.. Ang sweet at caring niya kasi kaya akala ko tuloy gusto niya ako,yun pala may iba siyang gusto.

Muli kong binalik ang atensyon ko kay gella na nasa harapan ko at bingyan ko siya ng sweetest smile ko BAGO nagsalita ulit.

"Gella my dear,Chill lang.. I'm just kidding, I'm here kasi ako ang kinuhang snger ng gagawin nilang MTV. Trabaho lang ang pinunta ko dito at wala ng iba "Pinanliitan ako ng mata ni gella na nagpapahiwatig na hindi siya naniniwala.

"Tsk, Sana nga" nilagpasan niya ako at pumunta na sa van na sinakyan nila kanina upang ikuha si Chila ng makakain. Muli kong binalik ang mga mata ko sa direksiyon nila Chila at Zeus. Ang sweet nilang tingnan ngayon,naka higa si Zeus sa lap niya habang pinagmamasdan siya ng maigi ni Chila.Tsk! Sana sugurin sila ng madaming langgam at kagatin sila dahil sa ubod ng ka-sweetan!At sana din hindi na magising si Zeus AT kidlatin sana sila para maputol na ang kalandian nila! Tsk.

#BITTER!

(See the picture of Nina Marie Dela Cruz at the right side ---->>> )

________________________________________________

Chila's P.O.V

Nakaupo ako ngayon sa ilalim ng puno habang pinagmamasdan ang maamong mukha ni Zeus habang natutulog. Ang tangos pala ng ilong niya,nakakainggit.Ang kinis din ng kutis niya na aakalain mong kutis ng isang babae..

"Hmmff" Umayos ako ng upo ko at tumingin sa ibang side. Nakahiga pa rin si Zeus sa lap ko habang kinakamot ang mga mata niya.

"Chila" lumingon ako at nagkunwaring hindi ko siya masyadong narinig. Tumaas ang left side ng labi niya at tinitigan ako. Gusto ko sanang umiwas ng tingin kaso,parang automatic yung eyes ko na suwayin ang gusto kong gawwin,kaya nakipagtitigan nalang ako kay Zeus.

"Tskk " aray, ang sakit ng ilong ko. Kurutin ba naman niya. Kainis..!

"Ikaw talaga Chila,kunwari ka pa.." pinisil niya ulit ang ilong ko..

"Aray,ano ba ! anong kunwariNG PINAGSASABI MO? " Reklamo ko sa kanya habang hinimas-himas ang maganda kong ilong.

"Tsk,alam ko no.. Kanina mo pa ako pinagnanasaan habang minamasdan akong natutulog.."

"Huh? Hindi ahh.. Tsaka paano--"

"Kasi po nagtulog tulogan lang ako. " tumayo na siya at nag stretching.

Maybe It's Wrong Where stories live. Discover now