Yey! November na.:)
Kunting push nalang talaga at goodbye high school life na kami. Gra-graduate na kami. Yey!
Ang maganda pa nun ay malapit na ang christmas break namin at ang field trip :D
Exciting!!
Sana pwdeng mag fast forward kaso hindi eh -____-
Ting dong! Ting dong!
(GOOD morning cupid high students and teachers. Please be at the quadrangle right now for an important announcement. Again,please be there at the quadrangle right now for an important announcement. Thank you)
"Ano kaya yun?"
"Baka may ma-e-expell?"
"Wag naman sana. Baka walang pasok bukas"
"Baka may gagawing contest?"
Matapos mag announce ng principal gamit ang speakers ng school ay automatic na nagbulungan ang mga kakklase namin... Hindi lang pala ang mga kaklase namin kasi pati din ang ibang students na nasa ibang section.Paano ko nalaman?
Simple lang.. Ang ingay kasi..
Para tuloy kaming nasa palengke..Nakakasira ng eardrums.
"Section STAR!PLEASE KEEP QUIET !"
Ayun,napikon tuloy si Ms. Masuringkit. Ang ingay ba naman kasi.
"Sige,stand up and form two lines. One for the boys and one line for the girls. Faster!"
Parang mga batang paslit ang mga kakalse namin na pinagalitan kasi napatahimik sila lahat at nagpapanic na bumuo ng two lines. Paano ba naman kasi, mas lalong nanliliit ang mga mata ni MS. Masuringkit at namumula na ito sa galit..
Pagdating namin sa quadrangle,,nakapila na din ang ibang sections doon. Siyempre nasa unahan ang mga freshmen tapos kaming mga Seniors ay nasa huli kasi daw matatangkad kami.
Haler.
Sila lang.. Ako di ako matangkad.. Pang freshmen pa ang height ko -_______- Ang unfair.. Hindi ko makita yung principal,bingi pa naman ako at kailangan kong makipag eye contact sa mga nagsasalita upang makadinig ako ng maigi. -_-
"Okkay.. Since nandito na kayong lahat, gusto ko lang sanang e announce sa inyo na magkakaroon ng fund raising ang school natin . I know bago to sa inyong lahat dahil ngayon lang ito mangyayari. Hindi ito sapilitan para sa mga freshmen hanggang sa mga sophomores pero compulsory ito sa mga juniors at seniors"
"Ay ang unfair"
"Naku,sana hindi boring"
"Tsskk... kainis bat ba kasi compulsory pa? !"
Bakit kaya nagbulong-bulungan na namn ang mga students ng cupd? Ano ang announcement ng principal? ba't mukang big deal sa mga students.
GUsto ko sanang tanungin at e clarify kay chandy ang announcement ng principal kasi ang tanging narinig ko lang ay yung word na SENIORS,JUNIORS AT COMPULSORY LANG. Yung ibang sinasabi ng principal hindi masyadong na absorb ng tenga ko .
Kaso wala pala si Chandy sa likoran ko? Asan kaya yung best friend ko na yun.
-
-
YOU ARE READING
Maybe It's Wrong
Teen Fiction"I think they're right. I should not allow my self to fall deeply in love.Maybe it's wrong... " Mali nga ba ang magmahal ? Mali nga bang magtapat ng tunay na nararamdaman? Mali nga ba? o baka wala lang kayo sa tamang TIMING? .-LaChiclumsyme