Chapter 39: New Character

30 5 0
                                    

Chila's P.O.V.


Kasalukuyang kumakain ang pamilya ko kasama yung secret admirer ko daw. Naka upo siya sa tabi ni Papa at magkaharap kami. Kanina ko pa siya lihim na pinagmamasdan at inuusisa sa aking isipan kung anong klase siyang tao.Until now ay hindi pa rin kasi ako makapaniwala sa nadiskubrehan ko. Ang binatang may matipunong pangangatawan at may dalang lakas na aura ay isang secret admirer ko? Impossible! Eh hindi ko nga siya kilala at napapansin. Ang mas masaklap pa dun, mukang hindi naman siya nag-aaral sa Cupid High kasi based on what I've heard sa mga "brags" ni papa about him,magka-business partner sila ni papa at palagi siyang out of town. Sa mura niyang edad na 18 years old, marami na siyang nalibot na magagandang tanawin sa mundo dahil sa mga business trips niya.

"Nak, dahan-dahan lang sa pagnakaw tingin,baka mahuli ka niya at ipa-pulis ka" napa-ayos naman ako bigla sa inuupuan ko matapos ako bulungan ni Mama sa tenga.. Kanina pa pala ako nakatitig sa lalaking nasa harapan ko, hindi ko na tuloy nagalaw ang pagkain ko.

"Pappy,baka hinahanap na yang si Miko sa kanila,ihatid mo na" nakakapit si mama sa braso ni papa habang may boses ng paglalambing na dala. Ako naman ay nasa gilid ng sofang inu-upuan namin at katabi ko si "Miko" daw na secret admirer ko. Hindi naman ako nagkakaroon ng awkward feelings sa kanya pero sa tuwing andyan siya,hindi ko magawang makapagsalita. 'Ay ewan!'

"Something wrong? " nanginig bigla buong katawan ko nang nagsalita na siya. Kaboses niya kasi talaga si Zeus pero hindi naman sila magkamukha . Naguguluhan tuloy ako at nangangati na ang dila ko na tanungin siya kong sino ba talaga siya..

"Still bothered about my identity?" he asked calmly. Magsasalita na sana ako kaso bigla naman akong naunahang magsalita ni Papa.

"Nak, maiwan muna namin kayo para makapag-usap kayo ng masinsinan." sabay kindat na sabi ni papa sa akin,siniko naman siya ni Mama ng mahina. Nang mapansin niyang hindi ko siya masyadong gets, nagsalita ulit siya sa akin at ipaliwanag na hanggang Jan.3 daw dito sa amin mag-e-stay si MIKO dahil nasa NEW YORK ang parents nito.. Hindi lang iyon,dapat daw maging close kami within those 3 days.. Si papa talaga,mukang may hindi magandang binabalak!

"Golden Chila Watson"

"Pati ba naman whole name ko alam mo din, stalker ka talaga no "

"Secret admirer lang,hindi stalker. Gwapo ako eh " napahinto ako ulit, para kasing everything about him is very familiar. I don't know why.. Nagkita naba kami before? Do I really know him? Bakit parang alam niya lahat-lahat sa akin at ang gaan-gaan ng loob ko sa kanya. Parang naalala ko sa kanya si Zeus.

" Hindi na secret,alam ko na kaya..(Ang hangin din nito ) "

"Oo nga pala,I forgot . Anyway,two minutes to go and it's new year, rooftop tayo? "

***********************************************************************

Arly's P.O.V.

"Leo! Oy best picture tayo dali! " agad akong kumapit na parang bata sa mga braso ni Leo at hinalikan siya sa cheeks . Ang ganda ng captured ko, gosh puwde na talaga akong maging photographer! Napaka 'original' ng emotion namin ni Leo sa picture, medyo namula siya na parang nanlaki ang mata tapos akoo super cute ko! Kyaaahhh!! Hindi lang yun, may fireworks pang background, ma-e-post nga to sa instagram.

"Oy Leo ,tulala ka diyan? Anong problema mo? " umiling-iling lang siya sabay inabot sa akin ang isang new year caard greetings with my favorite bubbly shake.Ang sweet talaga nito,bagay talaga sila ng isa ko pang bestfriend na si Mariel Washington!

"Thank you Leo! I love you talaga! Picture tayo ulit dali! " sa pagkakataon na ito, ako naman ang nagulat. Bigla kasi akong hinablot ni Leo at hinalikan sa Noo,sakto din sa pagka-captured ko. Hindi ko alam pero parang nagiba ako, siguro wala lang to.

"Oy grabe ka ah! Nakaw halik yun!" biro ko sa kanya sabay lagay ng straw sa bubbly shake na bigay niya.

"Sinuklian ko lang ang nakaw halik mo din sa akin " pabalik na biro niya sa akin sabay kurot sa mga malalambot kong pisngi!

"Arghh! Leo talaga! Siguro namis mo si Mariel no kaya mo kinukurot pisngi ko! "

"Hindi ahh, ang kulit nga nun'g bestfriend mo na yon eh. Masyadong pa'cute sa akin." mahina niyang sabi at dumistansya sa akin ng kalahating metro. Nang mapansin kong nababalutan na kami ng katahimikan, nilapitan ko na siya at pi-na-pat ang ulo niya.

"Oy nagtatampo na naman siya.. Sige na nga,hindi na kita tutuksuhin kay Mariel kahit super cute at ang ganda niya at kahit bagay na bagay kayo! "

"Arly naman ! "

"Hheheh oo na po, tatahimik na ako " nagliwanag naman ang mukha niya at bumalik sa dating siglaa ang aura niya..Tinitigan niya ako kaya tinitigan ko din siya tapos pinitik ang ulo niya tsaka tumakbo palayo.

"AHAHAHA Leo naisahan na naman kita! " binelatan ko siya at huminto sa may kalayuan. Alam ko kasing hindi niya ako hahabulin dahil kapag ginawa niya daw iyon,baka madapa lang ako at masugatan

.

"Bumalik ka na nga dito Arly,baka mapano ka" sigaw niya sa akin sa may kalayuan.. Hindi ako sumunod sa kanya at umupo lang sa gilid ng daan. Maya-maya ay may nakita akong isang anino na palapit sa kinaruru-unan ko, siguro si Leo to.

"Leo,best ikaw ba yan ? " tumayo ako mula sa pagkaka-upo at pinagmasdang mabuti ang aninong paparating. Nang masilayan ito ng liwanag ng ilaw, bigla akong nanigas na parang bato.Tiwalas sa inaasahan ko ang nakita ko,hindi si leo kundi ang taong inakala kong wala na sa mundong ito.. Nanaginip ba ako? Bakit parang totoong-totoo siya sa harapan ko? Bakit! ?

********************************************

Mil's P.O.V.

(Bro calling... )

"Hello bro? "

(Bro happy new year,how are you doing?)

"Happy New year din, heto parin--"

(Still crazy to your ultimate crush before? Na mukang love muna ngayon? ) hindi ako naka-imik sa sinabi niya. Tama din naman kasi siya eh tsaka alam niya lahat tungkol sa akin at kay Chila dahil para ko na siyang best friend tsaka hindi magkalayo ang agwat ng mga edad namin. Nakakamis din tong kapatid ko na to.

(Bro,naka-uwi na pala ako ng pinas)

"Oh talaga? Mabuti naman, Saan ka ngayon? Ba't di ka dumiretso sa bahay para may makasama namn ako "

(May inasikaso akong importante Bro,pasensya ka na )

"Sige naiintindihan ko.. Ano ba yang inaasikaso mo?"

(Very important BRO na may kaugnayan sa iyo. Tung------) Hindi ko na narinig ang iba pang sinabi ng Kapatid ko, bigla kasinng nag out of network.Ganito talga kapag sumasapit ang bagong taon. Medyo na intriga tuloy ako sa sinabi niya na 'may kaugnayan daw sa akin '. Ano naman kaya yun? About school kaya? or sa business namin? Sayang naman hindi ko natawagan at nabati sila Mommy at Daddy pati na rin si Chila. Kamusta na kaya siya? Nakakamis talaga siya,,sana bukas pasukan na para matunghayan ko na naman ulit araw-araw ang walang kupas niyang ganda at mas maipadama ko sa kanya kung gaano ko siya kamahal at kagusto noon pa.Bagonf taon na lang kasi,pero heto parin ako, palaging na-To-Torpe sa isang katulad niya samantalang siya naman, masyadong nagpapakamanhid.

A/N : Miko -------------->>>>>> (Pls See the Picture,thanks )

Maybe It's Wrong Donde viven las historias. Descúbrelo ahora