Entry 9: 'Coz i Know There's No Life After You

239 2 0
                                    

A/N: salamat sa mga nag-antay .. two UDs po ata ngaun.

-------

(Now Playing: Life After You)

Ang saya talaga mag soundtrip kapag Naglalakad papuntang school. Okay. Kinakausap ko na naman ang sarili ko.

♪♫ Ten miles from town and I just broke down

Spittin’ out smoke on the side of the road

I’m out here alone just tryin’ to get home

To tell you I was wrong but you already know ♫♪

“Pwede sumabay?”

“Ay baklang halimaw!” tiningnan ko kung sino ung nagsalita “Jake! Mukhang timang lang?”

“Sorry naman, di sinasadya.” Nalungkot na naman ako bigla. Para tuloy akong baliw.

“Bakit?” tanong ni jake

“Nagpunta kasi kami kahapon sa Seoul para sa isang business deal” pagpapaliwanag ko.

♪♫ Believe me I won’t stop at nothin’

To see you so I’ve started running ♫♪

“Tapos ..?”

“Hindi ko inaasahang siya ung makikita ko”

“Sinong siya?”

“Si Alex” Nanlaki ung mga mata niya sa sinabi ko O_O. Nasa school na pala kami.

== sa classroom habang nagkaklase ==

“Miss Reyes. Please listen to the discussion.” Ay baklang kalabaw! “Please focus on the lesson Jade. You’re Staring outside the window again. You really have changed ….. A LOT.” Tama bang ipahiya ako? Naku naman itong si ma’am. Pero I admit, I really have changed A LOT. Pagkatapos kong maoperahan para na akong isang living dead. Well, para hindi na ako kagalitan ulit nakinig na ako sa discussion. I want to bring back my old self. Nag-recite ako, nag notes at gumawa na ng mga seatwork. Pinuri tuloy ako ng mga guro namin kasi daw bumabalik na ako sa dati.

*riiing! riiing!*

Hooray! At last! Lunch na. Pero hindi ako gutom eh. Matutulog na lang ako. Yumuko na ako sa table ko.

“Jai!” ay baklang halimaw. Napatingin ako sa taong nakatayo sa harap ko.

“Bakit?!” sigaw ko.

“Di ka kakain?” si Jake lang pala.

“Hindi. Di ako Gutom eh.” Sabi ko. Yumuko na ako ulit.

“Yun nga ba talaga ang dahilan?” echusero? Pero may point siya “tara, sabay tayo. Ililibre kita.” Pumunta kami sa skyline para mag-lunch. Habang kumakain kami, hindi ko maiwasang hindi maalala si Alex. Ikaw ba naman ang lagi siyang kasabay mag-lunch dati tapos ngayon hindi na.

(Music Will Stop Here)

== Tuesday ==

Sabay ulit kami ni Jake nag-lunch. Kasama kasi nila Krisha, Vien at Lois ang kanilang mga karelasyon. Buti pa sila. Hinatid naman nila ako sa bahay nung uwian.

== Wednesday – Friday ==

Ganun parin. Pero miss ko na talaga siya eh. Nagkausap kami sa phone pero saglit lang.

== Saturday ==

Girls make-over day ngayon. Nagpa-salon at spa kami nung umaga. Nung gabi nagsama-sama kaming magkakabarkada sa Bonifacio High Street. Kahit papaano nakalimutan ko siya saglit.

== Sunday ==

Nagpunta kami ni daddy sa Seoul. Si mommy naman sa Italy para i-close ung business deal namin sa kumpanya nila Alex. Malungkot ako habang isinasagawa ung deal. Sinubukan ko siyang kausapin pero sabi niya ‘don’t involve personal things in this deal’. Ang hirap naman ng ganito. Tinanggap ng lolo niya ung deal basta daw hindi na ako magpapakita at makikipag-usap pa kay Alex.

== After 2 months ==

Ang bilis ng panahon. Dalawang linggo na lang at pasko na. Mamimili kami mamaya para sa exchange gift namin sa school.

*Ding dong! Ding dong!* Lumabas na ako ng bahay namin.

“Ano? Tara na?” sabi ni Krisha at Vien paglabas ko.

“Sige. Kanino tayo sasabay?” tanong ko.

“May sarili silang dala na sasakyan.” Sabi ni Krisha “ako sasabay kay Arvie. Si Lois naman at si Dezza nauna na sa MOA”

“Ako kay Steve sasabay. Kaya naman kay Jake ka sasabay” sabi ni Vien

“Osige. Pero asan na ba sila?” tanong ko.

“Nandun oh.” Tinuro nila ung mga sasakyan na nakaparada sa dulo ng kalsada. Ang gaganda ng mga kotse nila.

“Tara na.” sabi ko. Sinarado ko muna ung gate at umalis na kami.

== Sa Mall of Asia ==

“Sino ba ka-exchange gift mo?”tanong ko kay Jake habang Naglalakad kami papunta sa French Baker

“Secret” tumingin siya sa akin “dapat may thrill”

“Psh” yun na lang ang Nasabi ko. Nauna na kasi sila Vien sa restaurant para um-order na. Nagpasama pa kasi ako kay Jake sa Watsons.

“Jai!” sigaw ni Vien. Lagi na lang sumisigaw ito.

“Kailangan sumigaw? Nakita na naman namin kayo eh.” papilosopong sagot ni Jake. Umupo na kami.

“bakit ang tagal niyo?” sabi ni Lois

“Eh kasi …” hindi niya na pinagpatuloy pa ung sasabihin ni Jake

“ito nga pala si Dezza. Girlfriend ko.” at inakbayang niya si dezza

“Paulit-ulit? Kakapakilala mo lang sa kanya sa amin dalawang araw na ang nakakalipas.”

“At least nga proud siya” tumingin si Vien kay Steve at umiwas ulit ng tingin “di katulad ng iba diyan”

Niyakap ni Steve si Vien mula likod “bakit? Sa tingin mo ba yayakapin kita sa harap nila kung hindi ako proud na girlfriend kita?”

“tama na nga yan. Masyado ng PDA” Singit ko ng dumating na ung order namin. Umalis na mula sa pagkakayakap si Steve kay Vien.

Kumain kami ng madami. As in madami. Habang kumakain, pinagkukwentuhan namin ung mga bibilhin naming panregalo. At dahil nga ako ung nagyaya na kumain sa French Baker ako ang nagbayad ng mga kinain namin. Joke lang po, si Jake talaga ung nagbayad. Ayaw niyang Pumayag na ako ang magbabayad eh. Pagkatapos naming kumain namili na kami ng panregalo para sa exchange gift at pasko. 7:30 pm na kami natapos sa pamimili pero hindi pa kami umuwi agad. Naghapunan kami sa Shylin at gumimik saglit sa Seaside Boulevard. Uminom sila pero ako nag iced tea lang, sinabihan ko rin sila na hanggang dalawang bote lang ng SML ang iinumin dahil magdadrive pa pauwi. 11:39 pm na kami nakauwi.

Magic Word: I Love YouTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon