Ito na po ung next entry.
------
>> Marion’s Magic Words <<
“Oh, gamit mo.” Sabi ni Dane at binato ung bag ko.
“Bakit?!” tanong ko. Ano bang meron?
“Punta tayo kanila Jai. Now na.” sabay na sabi nila Klarysse at Dane
“Ano bang nangyayari?” okay! Cutting classes! Yes!
“Ikukwento namin along the way”
“sige. Kotse ko na gamitin natin.” Sabi ko. Habang bumibiyahe kami papunta sa bahay nila Jai ikinuwento na nga nila Klarysse ang nangyari. Grabe! Di ako makapaniwala na magagawa iyon ni Alex. Kaibigan ko siya pero hindi ko naman kukunsintihin ung ginawa niya.
Pagdating namin sa bahay nila Jai wala sila doon.
“Asan na sila?” tanong ni Klarysse
“Aba malay ko. Kakarating lang natin dito eh.” Pilosopo kasi ako. Barado tuloy siya.
“Tawagan mo nga si Jake!” utos ni Dane habang hinahampas ako sa balikat. “Bilis!”
Maka-utos wags?! Nanay ko ba siya?! Pero ginawa ko pa rin. Pagkatapos kong maka-usap si Jake sinabi ko kanila Krisha na kailangan naming pumunta sa St. Luke’s dahil dinala doon si Jai.
>> Arvie’s Magic Words <<
“dre, alam mo na ung nangyari?” tanong ko kay Alex. “Ui!”
“huh?! bakit?” matamlay niyang sabi
“alam mo na ba ung nangyari kay Jai?!” napalakas konti ung pagsabi ko.
“Mr. Villanueva! Tone down your voice.” Sigaw nung teacher namin sa Geometry “what’s the kerfuffle all about?”
Ang chismoso naman ni sir. “uhmm sir. I was just asking Alex if he already knew what happened to Jai.”
“Oh! I see. Well, Mr. Del Valle just called the principal to inform me that Jaera has been confined to St. Luke’s.” What?!
“What sir?!” naks, worried na si Alex.
“Yes, you’ve heard me right. Wait. You don’t know she’s in the hospital? How come? You’re her boyfriend right?” chismoso nga talaga si sir! Ang daming alam. Bakla kasi itong teacher namin eh.
“What I know sir, is that she’s at home resting because of her asthma.” Iyun lang din ang alam ko eh.
*Riiing! Riiing!*
Lunch time na! Yehey!! Gutom na ako eh. Pero syempre pa-pogi muna, tapat sa salamin sa classroom … at boom! Ampogi ko na.
“Okay class, your dismissed. You may go now. Mr. Villanueva and Mr. Ocampo please stay.” Sabi ni sir.
“dre bakit kaya?” bulong ko kay Alex habang naglalakad papalapit kay sir. Nice talking naman itong si Alex eh. Di man lang sumagot.
“Mr. Ocampo why aren’t you with Jai?” humarap naman sakin si sir “you too Mr. Villanueva. Why did the both of you stayed here and let your other friends go to the hospital to take care of Jai?” ang dami talagang tanong ng teacher na ito. Si Alexander hindi na umiimik. Kita sa mga mata niya ang pag-aalala. Parang asthma lang. Siya rin naman kasi may kasalanan eh. Ay hindi .. hindi pala siya ung may kasalanan. Napilitan lang siya. “Mr. Ocampo and Mr. Villanueva I’m talking to you.” Sabi ni sir.
“Ay sorry po sir. Kasi po … uhmm.” Sasabihin ko pa ba?
♪♫ Sa isang sulyap mo ay nabihag ako … ♫♪ Kinuha ni Alex ung cellphone niya.
BINABASA MO ANG
Magic Word: I Love You
Rastgelebabasahin niya yan .. yun oh. Ge.. subukan mong umatras at ipapasalvage kita. Haha .. joke lang po. alam niyo ba ung feeling na gusto mong ikaw ung gumawa ng sarili mong love story .. at dahil nga gusto ko gumawa ng love story ng buhay ko idinaan ko...