A/N: Last chapter na ito .. =)
-------
“♫♪ Ikaw lang ang nais kong makasama wala
Wala na ‘kong gusto pang balikan.
Kahit ako’y papiliin ikaw ay umasang
Gusto kong makapiling ♪♫” siya na ung tumapos ng kanta. Hindi na kasi ako makagalaw sa dahil sa pagka-bigla. Nagsipag-tayuan ung mga audience at pumalakpak. Umakyat na sa stage ung lalaki, lumapit sa akin at lumuhod sa harapan ko. Kahit naka-cap siya sure akong si Alex ito.
“Jai, I’m so sorry” tinanggal niya ung cap at tumingin sa mga mata ko “sorry kung bigla kitang iniwan”. Umalis ako ng stage. Lumabas ako ng theater at tumakbo ng tumakbo. Pumunta ako sa clubhouse ng drums and lyre. Siguro naman hindi niya ako masusundan dito. At hindi din siya makakapasok kasi ni-lock ko ung pinto.
>> Alex’s Magic Words <<
Sinurpresa ko si Jai sa kanilang intermission number. Kasabwat ko ang lahat ng miyembro ng Future Splash at ang mga teachers. Pero hindi ata ikinatuwa ni Jai ang surpresa ko. Tumakbo siya papalabas ng theatre at iniwan ako at ang iba pang miyembro ng banda sa stage.
“Thank you for that wonderful performance Future Splash. Now let us all welcome the director of this school for his opening remarks.” Umalis na kami ng stage. Nagpalakpakan ulit ung mga tao.
“Vien…” sabi ko “Masama ba ung ginawa ko?”
“Ung ginawa mo sa kanya kanina hindi masama. Pero ung pagmumukha mo sa kanyang t@nga araw-araw masama.” Prangkahang sagot ni Vien.
“Oo nga dre. Kung alam mo lang talaga.” dagdag ni Jake “Tuwing may gimik ang barkada lagi siyang na-o-OP. Kami nagsasaya siya naman malungkot.”
“Tapos ung sinabi mo sa kanya sa Seoul masyado niyang dinibdib.” Sabi pa ni Krisha
“Kawawa kaya siya dito.” Sabi naman ni Lois
“Asan na ba siya?” tanong ko kay Lois
“Baka nasa clubhouse ng Drums and Lyre. May susi siya sa clubhouse na yun eh. Diba siya ung president ng organization na yun.” oo nga pala.
“Tara puntahan natin.” Pagya-yaya ko sa kanila. Naglakad na kami papunta sa clubhouse.
“Jai?” sabi ni Krisha habang kumakatok sa pintuan ng clubhouse “jai.”
“jai?” di parin siya sumasagot. “jai naman please kausapin mo ako.”
Biglang bumukas ung pinto. Pumasok kami. Umupo siya doon sa mini stage.
“Guys, pwede niyo ba kaming iwan? Mag-uusap lang kami saglit ni Alex.” Biglang nagsalita si jai.
“Sige. Isasarado na rin namin ung pinto.” Sagot ni Arvie. Iniwan nila kami sa loob ng clubhouse. Walang nagsasalita sa amin. Ang awkward ng paligid.
“Diba may sasabihin ka?” cold niyang sinabi “Bakit ayaw mo pang magsalita? Go lang. Makikinig ako.”
“Uhmm … Eh … a-ano” paputol-putol kong sinabi
“Sige, ayaw mong magsalita. Ako na lang.” sabi niya sa akin “Umupo ka diyan sa sofa”
Umupo ako. Tumingin ako sa paligid. May tatlong malalaking sofa, isang mini ref, may dining set din at microwave. Actually lahat ng clubhouse per organization may ganoon pero ung clubhouse lang nila ang may mini stage. Kumbaga sa kanila ang pinaka-malaki.
“Alam mo ba kung gaano kahirap mag-tiwala?” tanong niya. “Alam mo ba kung gaano kasakit ang umasa?”
“Jai … let me explain first.” Sabi ko sa kanya
“No .. hear me out first.” Napagtaasan niya ako ng boses. Nabigla ako sa pagtaas ng boses niya “Ay sorry.”
“Ok lang. Sige magsalita ka na.” sabi ko. Naiintindihan ko naman siya eh. Masama ang loob niya.
“Actually, I’m neither mad nor angry to you. It’s just that I’m disappointed at you. I know you explained it to me on the letter. But it’s just ….. Arghhh!” sabi niya na lang.
“Are you finished?” tanong ko “Can I explain myself now?”
“Ok … I can’t even continue what I want to say.” Pinilit niyang ngumiti.
“Please don’t fake a smile. It doesn’t look nice on you.” She just pouted “Haisxzt! Ito na… kasi nga kaya ako umalis …”
“I already knew that.” Bakit ba nag-i-English itong babaeng ito? Ang weird.
“Osige .. hindi alam ni lolo na pumunta ako dito” nabigla siya sa sinabi ko “si daddy na daw ang bahalang mag-explain.”
“Eh kung hindi alam ng lolo mo may chance na pabalikin ka niya Seoul.” Napangiti ako sa sinabi niya. “Why are you smiling? Your weird Alex.”
“Kahit pabalikin niya ako sa Seoul wala na siyang magagawa pa.” lumapit ako sa kanya “alam mo kung bakit?”
“bakit?” niyakap ko siya mula sa likod “tumigil ka nga Alex! Sisipain kita!”
“Edi sipain mo. Akala ko ba gusto mong malaman kung bakit.” Pang-aasar kong sinabi.
“Gusto ko ngang malaman. Pero hindi ko sinabing yakapin mo ako.” pilit niyang tinatanggal ung kamay ko na nakayakap sa kanya.
“Kasi…” nilapit ko ung bibig ko sa may tenga niya at bumulong “nandito kasi ung babaeng namumukod tanging prinsesa ng buhay ko. Ung lagi kong namimiss, ung lagi kong aalagaan.” Niyakap ko siya ng mas mahigpit “Nan nuhrul unjaena yungwonhee saranghalgoya”
Bumitaw ako mula sa pagkakayakap sa kanya at hinarap siya sakin. Nag-ba-blush siya pero umiiyak. “Bakit ka umiiyak?” tanong ko sa kanya habang pinupunasan ang mga luha na nasa pisngi niya. Umiling lang siya. Hinawakan ko ang kanan niyang kamay at lumuhod. “Jaera Mae Reyes, would you please be my girlfriend?” yumuko siya.
“Tumayo ka nga diyan. Para ka namang timang eh. Yes, I want to be your girlfriend …. Again” Ngumiti siya at itinayo ako. Lumabas na kami ng clubhouse pero hindi mag-ka-holding hands. Ayaw namin ng PDA eh. Dumiretso na kami ng classroom at nakita namin ang barkada na nag-aantay. Ang saya ng araw na ito. Nag-exchange gifts kami at games. Wala naman kasing age limit ang paglalaro diba? Umuwi na muna kami sa bahay nila Jade pagkatapos ng party. Naglatag kami ng kumot sa sala nila at natulog kasama ang barkada.
BINABASA MO ANG
Magic Word: I Love You
Randombabasahin niya yan .. yun oh. Ge.. subukan mong umatras at ipapasalvage kita. Haha .. joke lang po. alam niyo ba ung feeling na gusto mong ikaw ung gumawa ng sarili mong love story .. at dahil nga gusto ko gumawa ng love story ng buhay ko idinaan ko...