Entry 10: It's All Coming Back to Me Now

269 3 1
                                    

A/N: Last two UDs na lang.

------

>> Jaera's Magic Words <<

== 4 days after ==

“mommy alis na po ako!” sigaw ko kasi si mommy nasa kwarto nila ako naman nasa hagdan sa ibaba.

“hindi ka na magpapahatid?!” tanong niya

“hindi na po. Kasabay ko po kasi si Jake.” dali-dali siyang bumaba ng hagdan

“boyfriend mo na ba si jake?” tanong niya.

“Hindi po. Kay Jake lang po ako sasabay kasi po diba kapitbahay natin sila. Tsaka sa iisang school lang kami nag-aaral.” Paliwanag ko kay mommy

“oo nga pala.” Napakamot siya ng ulo niya “ingat ka. Nadala mo na ba ung panregalo mo?”

“Opo. Ito oh.” Itinaas ko ung paper bag na hawak ko “bye.”

Lumabas na ako ng bahay. Paglabas ko may nakita akong Hyundai Genesis na nakaparada sa tapat ng gate namin. Si Alex ba may ari nito? Bumalik na ba siya? Bumukas ung pintuan ng kotse. Akala ko si Alex. Si Jake lang pala. Lumapit siya sa akin.

“Maganda ba?” tanong niya

“Ah … oo. Bago mong kotse?”

“Oo. Nakuha ko na kasi ung lisensya ko. Tara na.” pinagbuksan niya ako ng pinto. Sumakay na ako. Siya ung nagmamaneho. Walang nagsasalita sa amin habang nasa kotse. Ang awkward ng moment. Pagdating namin sa school pinagtitinginan kami. Pati ung mga teachers nakatingin. Ang weird! Nakangiti pa sila. Miss ko na talaga si Alexander.

>> Alex’s Magic Words <<

== dalawang araw nakaraan sa Seoul ==

 “Dad, please. Gusto ko ng bumalik sa Philippines” pakikiusap ko sa kanya “Hindi ko na po kaya. Wala naman talaga akong interes sa kumpanya”

“Gustuhin man kitang pabalikin sa Pinas, hindi ko magagawa” sabi niya

“Pwede mo naman gawan ng paraan. Bakit kasi hindi na lang ikaw ang magpatakbo ng kumpanya?” sumbat ko kay daddy

“walang tiwala sakin ang lolo mo. Pero kung aalis ka ulit ng hindi nagpapaalam sa kanya wala na siyang magagawa pa. Kailangan niya ng respetuhin ang desisyon mo.”

“Ibig sabihin po ba nito pwede na akong umalis?”

“oo…. ako na ang bahala. Sundin mo ang sinasabi ng puso mo.” Ngumiti sakin si daddy “tawagan mo na si Krisha at magpareserve ka na ng ticket.”

“sige po.” Niyakap ko si daddy at dumeretso sa kwarto ko. Kinuha ko ung cellphone ko at nag-dial na ng number ni Krisha.

“Hello Krish” sabi ko pagkasagot niya

“Oh, hello Alex. Napatawag ka?”

“May ipapagawa ako sa’yo.”

“Ano yun?”

“Pareserve naman ako ng ticket from Seoul to Manila. I-email or i-fax mo na lang sa akin ung ticket.”

“What?! Babalik ka na dito?”

“Oo. Kailan Christmas Party?”

“The day after tomorrow.”

“Ok. Basta kailangan bukas maka-alis na ako dito sa Seoul ha.”

“Sige … Sige”

“By the way, wag mo sabihin kay Jai ha.”

“sige”

Magic Word: I Love YouTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon