Sa mga nagbasa po ng story na ito maraming salamat.
By the ways malapit na po itong mag-end ... Short story lang po kasi ito.
Mga 5 chapters na lang po ata... sana po magustuhan niyo ung UD.
----------
>> Alex’s Magic Words <<
“Jai, magpa-opera ka na naman please” sabi ko kay Jai
“Natatakot nga ako.” sabi niya “baka pagka-tapos kong magpa-opera wala ka na sa tabi ko.” Naging awkward na ung moment. Limang minuto kaming tahimik.
Nakaka-ilang naman itong tahimik na ito. Mag-sasalita na nga lang ako. “Jai, promise ko sayo walang mangyayaring masama sayo. I’m always here for you” hinawakan ko ung kamay niya.
“promise?” malungkot niyang sabi
“promise” nag-pinky swear kami
“aalis muna ako ha.” Huminga ako ng malalim “babalik din ako”
“okay” mahina niyang sabi
“bye” sabi ko. Lumabas na ako ng kwarto. Gusto kong maiyak. Alam kong nagsinungaling na naman ako. Paano ba naman kasi hindi siya papayag pag hindi ako nagsinungaling.
Pumasok na ako ng elevator para makababa na sa lobby. “Ang bobo-bobo mo talaga Alex!” sigaw ko. Buti na lang at mag-isa lang ako dito sa elevator. “Ano na naman ba ung ginawa mo?! Lalo mo lang papasamain ang loob niya!” baliw na talaga ako. Pati sarili ko Kinakausap. Bigla na lang may tumulong luha mula sa mga mata ko. Para naman akong bakla nito. Pinunasan ko na kaagad ito kasi nasa lobby na.
Pagdating ko sa ground floor naka-salubong ko sila Marion. Tinanong nila ako at sa bawat tanong nila tango lang ako ng tango. Napuno na sa inis si Klarysse kaya naman sinigawan niya ako. Napagtaasan ko tuloy siya ng boses. Pagkatapos ng insidenteng iyon umalis na ako.
“Pare!!” may sumigaw. Medyo familiar ung boses pero di pa rin ako tumigil sa paglalakad. “Ui pare antay naman! …. Ui Alex!!” Lumingon na ako doon sa sumisigaw. Si Arvie lang pala. Lumapit na siya sa akin. “Alex, ang bilis mo namang maglakad.” Sabi niya sa akin habang hinihingal.
“Bakit? Sinabi ko bang sundan mo ako?”
“Hindi”
“Yun naman pala eh. Sige na mauna na ako. Mag-iimpake pa ako eh.” nagsimula na ulit ako mag-lakad.
“Wait! Teka! Saglit!” sigaw na naman niya. Ang kulit naman ng lahi ng lalaking ito.
“Bakit na naman ba?!” may inis kong sinabi
“Tama ba ung narinig ko? mag-iimpake ka?”
“Ay hindi. Mali ung narinig mo. Sabi ko kasi ikaw ung mag-iimpake.” Papilosopo kong sinabi
“Bakit? Saan ka pupunta?” Kaasar naman! Ang kulit!
“Pupunta ako sa Seoul. Okay?!”
“Kailan alis mo?”
“Bukas ng 12:30 ng madaling araw.”
“Bukas?! Agad-agad?!” sigaw niya
“Oo. Bukas. Parang awa mo na. Wag ka ngang Sisigaw.”
“Eh paano na si Jai?”
“Magpapakita ako ulit sa kanya mamaya bago siya operahan.”
“Ah. Ganun ba. Sama na ako sa’yo.”
“Bahala ka.”
Bumaba na kami sa basement parking. Dahil nga may kanya-kanya kaming dalang kotse hiwalay kaming pumunta sa condo unit ko.
== sa condo ko habang nag-iimpake ==
“pare bakit ang dami mong dala-dalang damit?”
“eh madami gusto ko.”
“ilang araw ka ba doon?”
“di ko alam”
“babalik ka pa ba?”
Matagal bago ako nakasagot “siguro hindi na.”
“seryoso ka? Nagbibiro ka lang diba? hindi mo iiwanan si Jade at ung barkada.” Paputol-putol niyang sinabi
“seryoso ako.” lumabas ako ng kwarto ko.
“manang pagawa naman po ng meryenda.” Sabi ko kay manang na nasa kusina
“ano gusto mo?”
“kahit ano po. Bahala ka na po.”
Pagkatapos ng 15 minuto naluto na ung meryenda.
“Alex ito na ung meryenda.” Nilapag na ni manang sa lamesa ung pagkain
“Hmmm!” sabi ko habang inaamoy ung tuna pasta
“Arvie kain na tayo. Manang ikaw rin po.” Sabi ko habang nag-lalagay ng pasta sa plato ko. Umupo na si manang. Kumuha na rin sila ng pagkain.
“Dre, parang kaparehas lang ng recipe ni Jai.” Sabi ni Arvie kahit may laman na ung bibig. Walang manners.
“Si jai kasi nagturo ng recipe kay manang.”
“ah ganun ba.”
“teka anong oras na?
"Quarter to seven bakit?”
“9:00 siya ooperahan. Manang aalis na kami ha. Salamat sa meryenda slash hapunan.”
“teka. Dalhan mo na rin sila. Ito oh.” Inabot sa akin ni manang ung Tupperware na may lamang pasta. Kinuha ko na ung mga maleta ko sa kwarto. Hinatid na kami ni manang sa pinto.
“Manang mamimiss po kita.” Niyakap ko siya “papadalhan na lang po kita ng pera para sa visa, passport and ticket mo.”
Napaiyak si manang “Ako rin mamimiss kita. Tawag ka lang kapag may ipapagawa ka sakin dito.” Umalis na ako sa pagkakayakap kay manang.
“bye manang.”
“bye Alex. Mag-ingat ka. Ikamusta mo na lang ako sa papa at mama mo ha.” Tumango lang ako at nag-wave. Umalis na kami ni Arvie. Kotse niya na ung ginamit namin.
--------
Grabe ang iksi ng UD. Pagpasensyahan na po.
Busy po talaga eh. lapit na siyang matapos ... may season2 po ata ...
support support lang guys ...
BINABASA MO ANG
Magic Word: I Love You
Randombabasahin niya yan .. yun oh. Ge.. subukan mong umatras at ipapasalvage kita. Haha .. joke lang po. alam niyo ba ung feeling na gusto mong ikaw ung gumawa ng sarili mong love story .. at dahil nga gusto ko gumawa ng love story ng buhay ko idinaan ko...