Chapter 1

144 10 6
                                    

Chapter 1 : Simula

Third Person's POV

Isinilang na ng Reyna ng Light Kingdom na si Queen Micassu ang kanyang anak. Matapos ito maisilang ay narinig nila ang iyak ng sanggol.

"Mahal na Reyna, babae po ang inyong anak" sabi ni Nurse Che-Che at ibinigay ang sanggol na anak ni Micassu.

"Ang ganda naman ng anak ko, She look like a goddess like me, I would like to give you the name Twilight Sparkle Hollister Swaine. Twilight dahil kasing ganda mo ang kulay pink na langit ng dapit hapon. At Sparkle dahil sigurado akong maningning ang iyong mga mata gaya ng aming mata ng iyong ama" - sabi ni Queen Micassu at napangiti dahil sa ganda ng pangalan ng kanyang anak at ganda rin nito. Halos kamukhang-kamukha niya ang anak.

Samantalang...

Sa kaharian ng Ice Kingdom isinilang ng kanilang Reyna na si Elise ang kanyang anak. Nakarinig
sila ng isang iyak, iyak ng kanyang anak.

"Kamahalan, lalaki po ang inyong anak" sabi ni Nurse Shane at ibinigay ang sanggol sa Reyna.

"Ang ibibigay kong pangalan sa'yo ay Ice Frost Snow Winters " - sabi naman ni Queen Elise.

Ito na ang simula. Naisilang na ang dalawa na nakalagay sa propesiya, ang magliligtas sa Mystical World. Ang dalawang sanggol na itinakda sa isa't isa.

***

Habang, sa heavenly realm kung saan nakatira ang mga mabubuting nilalang ay nagtipon-tipon lahat ng mga Gods and Goddesses, maging sina Bathalang Isaac na bathala ng kasamaan at kamatayan at Bathalang Mina ang bathala ng kasakiman ay narito dahil inimbitahan sila ni Goddess Almira na siyang pangalawang pinakamalakas sa buong Mystic World. Dahil ang unang pinakamalakas ay si Micassu at tama isa siyang Diyos sa mundo ng Mystic, pero ang tunay niyang pangalan ay Elizabeth Crey Nim Hollister. At nagpanggap siya bilang isang ordinaryong mamamayan sa Mystic, sabagay hindi naman naghihinala ang mga tao sa kanya, dahil ni isa wala pang nakakakita sa kanyang mukha, maliban sa mga Gods and Goddesses.

Habang siya'y nasa bayan ng Nimgal ay bumisita ang prinsepe't prinsesa ng Light Kingdom, para alamin ang kalagayan ng bayan. At doon niya nakilala ang kanyang naging asawa na si Prince Yuan William Swaine na ngayo'y hari na at dahil sila'y nagmamahalan, ginawang Reyna ng Light Kingdom si Micassu.

Umupo na silang lahat sa mga upuang nakapaikot sa malaking lamesa.

"Kaya ko kayo tinipon lahat upang pag-usapan ang tungkol sa mga tagapagligtas. Ang anak na babae ni Goddess Elizabeth na ngayo'y Reyna ng Light Kingdom na nagngangalang Twilight  Sparkle at ang anak na lalaki ni Queen Elise ng Ice Kingdom na si Ice Frost." panimula ni Goddess Almira.

"Just straight to the point, Almira. You wasting my time, already" ani Bathalang Isaac.

"Okay, sorry. Kaya ko kayo tinipon upang pag-usapan ang anak ni Micassu. Siya'y napakalakas na sa sobrang lakas ay walang makakatalo sa kanya, maging ang mga narito. At higit na mas malakas siya sa akin. Itinataglay niya lahat ng kapangyarihan na narito sa mundong ito. Maging ang kapangyarihan niyo Isaac and Mina ay itinataglay niya. In short namana niya ang lahat ng kapangyarihan ng kanyang ina"pagpapatuloy ni Goddess Almira sa kanyang sinabi.

"What?! Masyadong unfair sa aking mga alagad ang ganyan, dapat siyang mamatay!"sabi ni Bathalang Isaac na napatayo na dahil sa galit.

"Huminahon ka, Isaac. Kaya ko kayo pinatawag dito para dyan. Para hindi maging unfair sa alagad ng kasamaan. Gumawa kami ng 2 mission para kay Twilight na ating ipapaalam sa pagsapit ng kanyang ika-18 na kaarawan. At mas nararapat na hindi tungkol sa lakas ng kapangyarihan ang ating gagawing mission mas nararapat kung emotionally"

"Ang unang mission ay dapat ay iyong makuha ang tiwala ng kanyang magiging kaibigan ng buong-buo, iyan ay ginawa ni   Leah na isang Goddess of Trust..."

"....ang pangalawa ay kailangan siyang mahalin ng taong kanyang unang mamahalin, iyan ay ginawa ni Elhma na isang Goddess of Love"

"At isang paalala, may mangyayari sa kanya sa araw ng ika-5 taon niya, inyong abangan ito. At ito'y itinakdang mangyari"

"God Alan, pakiusap iyong isulat ito sa libro ng propesiya, ngunit wag na wag mong babanggitin rito ang mga dapat niya mapagtagumpayang misyon, maaari ka namang magbigay ng clue, dahil si Twilight lamang at tayo ang maaaring makaalam ng mga misyon na iyon, at Goddess Mina at God Isaac, maaari bang hindi niyo ito ipaalam sa inyong nasasakupan?Dahil oras na malaman nila iyon, hindi mo gusto ang mangyayari"

"Nangangako kami" napipilitan na sabi ng dalawang alagad ng Kasamaan

"Now, dismissed" sabi Goddess Almira at biglang naglaho. Ginawa agad ni God Alan ang inutos sa kanya. Agad siyang pumunta sa Heavenly Tower kung saan nakalagay ang isa pang kopya ng propesiya, dalawa ang kopya ng propesiya ang nasa Heavenly Realm ay ang original at ang libro ng propesiya sa mundo ng Mystic ay parang clone lang pero naguugnay ang dalawa, halimbawa kung may magsusulat sa libro ng propesiya sa Heavenly Realm ay lalabas rin ito sa libro ng propesiya 2 sa Mystic World.

Agad nagsulat si God Alan sa libro ng propesiya.

Ang mabait ay maaaring maging masama
Ang makulay ay maaaring maging itim
Ika'y mag-ingat
Siya'y pangalagaan
Mahalin ng totoo't wag saktan
Ang pusong walang kalaban laban
Siya'y pagkatiwalaan
At wag sa iba ibigay

***

Mix Magic Academy : The Long Lost Princess (2019 on - going)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon