Chapter 8

60 5 1
                                    

Chapter 8: Weird

Charmie's POV

"Okay, Charmie ito ang script mo" - sabi ng director namin sabay bigay ng isang papel sa akin.

"Thank you po,direct" - sabi ko at binigay ang sweetest smile ko hanggang mata.

At nagsimula na kaming mag-acting.

"5....4......3.....2......1.... action" - sabi ni direct.

Sa palabas na ito ako ang kontrabida. At Ito na nga nagsimula na.

"Ang kapal ng mukha mong agawin sa akin si Gabriel" - sabi ko in action. Basta pag may nakita kayong mga ganyang scene ako yon okay. At Liza ang pangalan ko dito at si Chloe Yung bida.

"Wala akong inaagaw sayo Liza"

"Anong wala,inagaw mo sa akin si Gabriel siguro ginamitan mo sya ng gayuma noh"

"Liza ano bang pinagsasabi mo,oo naging kayo ni Gabriel ,pero hindi mo ba tanggap na ayaw na nga sa'yo ni Gabriel, Kung hindi mo tanggap yon wala na akong magagawa"

Syempre hindi mawawala ang sampalan scene. Kaya sinampal ko sya pero mahina lang dahil ayoko makasakit at dahil iyon ang sinabi sa script.

***

Natapos na namin ang pag acting. Kaya umuwi na ako dahil maggagabi narin. At ihahabol ko pa ang pagrereview para hindi bumagsak bukas.

Hindi pa rin mawala sa isip ko yung pinagusapan namin ni Leslie kanina.

Flashback

"Ahhhmmmm..... Bakit nga pala red ang buhok mo at Mata?" - tanong ko kasi ya know Curiosity Kills the Cat talaga ako.

"H-how do you know" - sabi niya na nabigla pa rin.

"I don't know" - sagot ko sa tanong niya.

"May Kapangyarihan ka ba?" - tanong niya na ikinabigla ko.

"H-huh? We all know that power doesn't exist,right?" - sabi ko at ikinapagtaka niya yon.

"H-huh? Panong ,ughh never mind" - sabi niya. Kaya tumango na lang ako. At biglang.....

*siguro hindi pa niya alam na may powers sya*

*Nakakapagtaka naman nakikita nya ang tunay na kulay ng buhok at mata ko,ginamitan ko na ito ng kapangyarihan ko eh*

Mix Magic Academy : The Long Lost Princess (2019 on - going)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon