Chapter 16 : Freyanigos Flower
Charmie's POV
Natigilan ako ng may marinig akong kaluskos sa loob ng gubat. Ang likod ng academy na ito ay may gubat.
Kaya pumasok ako ron. Ya know curiosity kills the cat talaga.
Pagpasok ko ay naglakad lakad ako. Hanggang sa may nakita akong mahiwagang bulaklak. Sa tingin ko napakaimportante nito. Lumapit ako ron at akmang kukunin ng may magsalita.
"Sino ka?" sabi ng isang boses. Hindi ako nakasagot hanggang sa lumabas ang isang lalaking kulay brown lahat.
"Sino ka?" tanong ko pabalik sa kanya.
"Ako Lang naman ang tagabantay ng bulaklak na iyan" sabi niya.
"Ano ba ang bulaklak na iyan?" tanong ko.
"Freyanigos ang pangalan ng bulaklak na yan.Ang bulaklak na iyan ay maaaring mangbuhay ng isang patay,ang bulaklak na iyan lamang ang ikalawang paraan para ikaw ay mabuhay muli ,ang una ang mythical princess at ikalawa ay ang bulaklak na iyan" sabi niya. Kaya mukhang naging interesado ako sa bulaklak na yan.
"Para makuha ito kailangan mong matalo ang 3 headed dragon na aatake sa'yo" sabi niya at biglang naglaho.
At lumabas naman sa isang kweba ang 3 headed dragon na yon.
"Raaawwwwrrrrrr"
Lumingon naman sa gawi ko ang dragon. At nagpalabas ng apoy sa bunganga. Hala ka,Juice colored patay tayong bata ka. Bwisit kasi yung sakit ko eh. Pwede ko pang ikamatay ngayon. Ni hindi ko nga alam Kung mayroon akong kapangyarihan eh.
"Kaya mo yan princess,basta sabihin mo Lang Kung anong gusto mong gamitin kaya mo gumawa ng isang elemental na balls,swords ,blades and more"
Bulong sa akin. Di ko alam Kung kanino galing yon pero sinunod ko nalang. Hindi ko nga alam kung anong powers ko eh. Pero sinubukan ko,first ay.....
"Water blades" sabi ko. At agad na lumabas Yung mga water blades kaya pinatama ko yon sa 3 headed dragon. Hindi iyon naiwasan ng dragon kaya natamaan ito sa paa. Hayy....buti naman gumana.
Kaya agad na nagbuga ng apoy ang Dragon papunta sa direction ko. Sinubukan ko naman gumawa ng barrier at nagtagumpay naman ako. Ginamitan ko ng Water barrier ang sarili ko.
"Prinsesa,gamitin mo ang lahat ng elemento para matalo mo ang 3 headed dragon na yan" ayan na naman Yung bulong,hindi ko maintindihan Yung sinabi niya. Sinubukan ko na Lang ito.
"Sabihin mo ito ' I Princess Twilight use all my elements to summon a Bow and 3 arrow'" kahit naguguluhan pa ako ay sinunod ko nalang.
"I Princess Twilight use all my elements to summon a Bow and 3 arrow" sabi ko. At agad na lumabas ang bow and 3 arrow sa kamay ko.
Ang balak ko sa ulo patamain ang arrow. Dahil sabi nila sa ulo daw ang puso nito at sa dibdib yung utak.
Bat ko alam nakasulat sa fairytale na sa ulo ang puso ng dragon at sa dibdib ang utak. Kaya susubukan ko,Malay mo totoo.
At pinagsabay sabay ko na ang 3 arrows. At itinama sa ulo ng 3 headed dragon. Pagtama nito biglang umilaw ang ulo nito at nagkaroon ng malakas na pagsabog. Pagkawala ng silaw wala na ang dragon. Napaupo ako sa sahig dahil nanghihina na ako.
Kinuha ko na Ang bulaklak,dahil natalo ko na ang 3 headed dragon na yon,buti na Lang at NASA tabi ko lang ang bulaklak.
Headmistress Azula's POV
Naalarma ang lahat ng may marinig kaming pagsabog sa likod ng academy kaya pinatawag ko ang mga royalties na pumunta rito.
Tok!!!Tok!!!Tok!!!!
At pumasok na sila.
"H.M may narinig po kaming pagsabog mula sa likod na academy" sabi ni Raze.
"Royalties maghanda kayo dahil pupunta tayo sa likod ng academy,baka sumalakay na naman dito ang mga Usicus" sabi ko. Tumango naman sila.
Kaya agad kaming pumunta sa likod ng academy.
"Royalties pumasok tayo sa gubat na yan,mukhang diyan nanggagaling ang pagsabog" sabi ko. Kaya pumasok na agad kami sa gubat. Hanggang sa may nakita kaming babae na hawak hawak ang bulaklak ng Freyanigos.
Ang Freyanigos na bulaklak ay pinakamalakas na bulaklak sa buong mystical world. Kaya nitong makabuhay ng isang patay. Tumutubo ang bulaklak na Freyanigos bawat 10 taon. Hindi namin makuha ang bulaklak na ito,dahil may kakalabanin kang 3 headed dragon or monsters or goblins and more. Kaya halos lahat takot kuhain ang bulaklak na iyan.
Ang pinakamalakas diyan na makakalaban mo ay ang 3 headed dragon. Sabi nila tanging makakatalo sa dragon na iyon ay ang mystical princess,dahil maaari niyang pagsama-samahin ang kapangyarihan niya para mapatay ito o kaya ang mga royalties na pagsama-samahin nila ang kapangyarihan nila. Posible kayang BUHAY pa ang prinsesa o nandirito na sya sa magic world?
Kaya bakas sa mukha namin na gulat dahil nakuha ng babaeng iyan ang bulaklak. Sinubukan niyang tumayo,nakatayo naman sya pero halatang nanghihina sya dahil nanginginig ang paa niya,kaya napaupo sya ulit.
Mukha namang napansin niya kami kaya humarap sya sa amin. Hindi imposible pa'no niya natalo ang 3 headed dragon ng mag-isa lang.
"Charmie?Anong ginagawa mo dito?" tanong ko. Binigay niya sa Amin ang bulaklak.
"Iyan itago niyo yang bulaklak na iyan,baka sakaling kailanganin" sabi niya bago mawalan ng malay.
"Ice,dalhin niyo sya sa clinic" utos ko kaya nagteleport na sya sa clinic.
***
Oh,ayan alam na niya ang powers niya.Vote-Comment
![](https://img.wattpad.com/cover/175986615-288-k294842.jpg)
BINABASA MO ANG
Mix Magic Academy : The Long Lost Princess (2019 on - going)
FantasiIsang tagong paaralan kung saan itinuturo ang iba't ibang paraan ng paggamit ng kapangyarihan.Tanging mga may special abilities Lang ang may pwedeng pumasok. Welcome to MIX MAGIC ACADEMY!