Chapter 2

83 1 0
                                    

Chapter 2: Propesy

Third Person's Point of View

"Mahal na Reynang Micassu, ang libro ng propesiya ay umiilaw" sigaw ng isa sa mga kawal. Nawa'y nakita nilang umilaw ito sa Mystic Tower. Sa tower na ito nakalagay ang pangalawang libro ng propesy. At nagbibigay pansin ito sa buong Mystic World dahil sa pagilaw nito. Dahil ang tower na ito ay nakatayo sa kalagitnaan mismo ng Mystic World kaya lahat ay mapapansin ito.

'May nais na namang ipahiwatig sila Almira' sabi ni Micassu sa kanyang isipan.

"Mahal, dito ka lang muna, ako na muna ang bahala na tumingin sa nakasulat sa propesiya, magpahinga ka na lang muna" sabi ni King Yuan sa minamahal. Tumango naman si Micassu.

Nagteleport naman si Yuan sa tuktok ng tore ng Mystic Tower.

Gaya ng inaasahan nandun na lahat ng Hari at Reyna ng bawat kaharian maliban sa Reyna ng Dark Queen ng Usicus Kingdom at Queen Elise na ngayo'y nagpapahinga, galing sa panganganak.

Lumapit lahat ng Hari at Reyna at itinapat nila ang kamay sa libro, bigla naman to bumukas. At may lumabas na mga letra. Ang nakasulat ay.

Ang mabait ay maaaring maging masama
Ang makulay ay maaaring maging itim
Ika'y mag-ingat
Siya'y pangalagaan
Mahalin ng totoo't wag saktan
Ang pusong walang kalaban laban
Siya'y pagkatiwalaan
At wag sa iba ibigay

"Anong ibig sabihin nito?" napakibit- balikat naman sila.

"Maaari ito'y maaaring mangyari sa hinaharap" suhestiyon ni Queen Lea na Reyna ng Fire Kingdom sa kanila. Nagsitanguan sila bilang pagsang-ayon sa sinabi ni Lea.

"Dahil hindi pa naman natin alam iyan sa ngayon, bumalik muna tayo sa kanya-kanyang kaharian" ani King Harold (papa ni Ice). Sumang-ayon naman ang lahat at nagsibalik sa kanya-kanyang kaharian.

Agad namang sinabi ni Yuan at Harold ang kanilang nabasa sa libro ng propesiya sa kanilang asawa na nagpapahinga.

Pinagsawalang bahala muna nila ito dahil hindi pa nila alam ang ibig nitong sabihin.

~~ Makalipas ang 5 taon ~~~

""Happy birthday to you,happy birthday to you,happy birthday,happy birthday to you" sabay sabay na kanta nila.

"Happy birthday Twilight and Ice!" sabi nila ng sabay sabay.

Halos lahat ng hari,reyna at prinsesa ay narito upang ipagdiwang ang kaarawan ng dalawa.

"Tara laro tayo" sabi ni Leslie.

Masayang naglalaro ang magkakaibigang sina Twilight,Ice,Raze,Leslie,Janella, Luis ng tagu-taguan pero taya si Twilight.

"Tagu-taguan maliwanag ang buwan, pagbilang kong tatlo nakatago na kayo,isa... dalawa....tatlo" - sabi ni Twilight at nagsimula ng maghanap.

Pero, may babaeng nakaagaw ng kanyang pansin. Lumapit siya sa babae para tanungin kung anong ginagawa nito sa kanilang hardin. Pero paglapit niya ay bigla na lang tinakpan ang kaniyang ilong at mayroon itong halamang gamot na nakakapagpatulog pag ito'y iyong naamoy. Kaya agad nawalan ng malay ang prinsesa na ikinangisi ng babae.

"*evil laugh* makukuha ka na rin namin,twilight. Ang prinsesang tatalo sa mga sinasakupan niya, kapag siya'y nabigo sa kanyang misyon." - sabi nito. Itatakas na sana niya si Prinsesa Twilight ng dumating ang mama ni Twilight na si Queen Micassu at sinaksak ang babae. At agad naman itong naging abo. Kaya bumagsak sa lupa si Prinsesa Twilight na wala pa ring malay.

Ipinaalam ng Reyna sa iba pang Hari at Reyna ito,kaya nangamba sila.

"Masyadong delikado na para kay Twilight ang manirahan dito kasama natin,katulad na lang kanina muntik na syang kuhanin kung hindi dumating si Micassu" - sabi ni King Harold ( Tatay ni Ice )

"Lalo na't sya ang may hawak ng pinakamalakas na kapangyarihan sa lahat,at ang hinahanap ng mga Usicus na kapangyarihan na pili lang sa ating ipinapanganak na may ganitong kapangyarihan at isa na rito ang inyong anak,at sinabi rin sa propesiya na isa siya sa itinakda na makakatalo sa mga kalaban, kasama ang isa pang itinakda na si Ice Frost Snow Winters " - mahabang saad ni King Roberto ( Tatay ni Leslie ). Alam na nila.... Alam na nila na si Twilight ang pinakamalakas sa kanilang mundo o kahit sa mundo ng mga patay. At alam na rin nilang isang sobrang makapangyarihang Goddess si Micassu. Pero, hindi pa rin nila alam na maaaring si Twilight rin ang tatalo sa kanila pag hindi nito napagtagumpayan ang misyon. At lalong wala pa sila ni isang maintindihan sa nakasulat sa propesiya.

"Ito ang plano,ako ang magdadala kay Twilight sa mortal world,habang ang isa pang itinakda ang pagtutuunan natin ng pansin which is si Ice " - sabi ni Reyna Micassu.

At pumayag naman ang lahat rito. Pero bago iyon may inilagay na kwintas si Queen Micassu sa kanya,at singsing naman ang Kay Queen Elise,at hikaw Kay Queen Lea ( Nanay ni Leslie ).

Kaya gumawa na ng portal ang Reyna sa mortal world at naglakad lakad habang si Princess Twilight ay nakahawak sa kanyang kamay. And yes, nagising na siya.

"Mama,saan po ba tayo pupunta?" - tanong ni Twilight. Hindi sumagot ang Reyna dahil wala ito sa sarili.

Hanggang sa may babaeng lumapit sa kanila.

***

Mix Magic Academy : The Long Lost Princess (2019 on - going)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon