Collide (One Shot)

174 4 0
                                    

Dedicated to Yam-Yam28. Love na love ko kase yung story nyang What Love Is. Hmm. Update sana. Haha XD

Collide (One Shot)

Written by SkyyLyn

"Molecules must collide to react."

-Collision Theory

"GRRRRR!! Why does it need to be at the first day of classes?! Bakit ngayon pa nawalan ng battery yung alarm clock ko! Nakngpatolang timing yan oo!" Sabi ko habang tumatakbo ng daig pa si flash papunta sa room namin.

7:30 am ang class ko and it's already 7:26! 10mins pa ang tatakbuhin ko sa school grounds papunta sa room ko. Bakit ba kasi ang laki-laki netong school na to?!!

*takbo takbo*

"OHMYGEE! Malapit na ko. Konti nalang. I can do it. Baka late din yung teacher." Sabi ko habang nakayuko at nakatingin sa dinadaanan ko.

Nakayuko ako kasi ayokong makita ng mga nagkaklase na yung itsura ko. Mukha na kong nirape sa itsura ko! Tas ang ingay ko pa kakatakbo. Baka masuspend na ako agad sa first day of class.

*takbo takbo*

"Ouch!"

Nasabi ko nalang habang nakaupo sa daan at hinihilot hilot ang part ng ulo ko na nauntog. Pakshet. Aray lang talaga. Ang lakas ng impact nang pagkakabunggo ko. At ano ba tong nabunggo ko? Napatingin ako sa daan. At nakita kong may lalakeng nakaupo din sa sahig habang hinihimas himas ang pwetan niya.

Badtrip. Dahil sakanya lalo akong natagalan! Magbubunganga palang sana ako pero sinamaan niya ko nang tingin habang tumatayo. At naglakad na palagpas sakin.

Ang nakikita ko nalang ngayon is yung likod niya. What the?!! Isn't he going to help me stand?!

Di naman sa di ko kayang tumayo, pero kase nahihilo talaga ko.

Pero naglakad siya pabalik. Good. At least he's going to help me. It's his fault in the first place by the way. At nahihilo ako. Mauntog ba naman sa abs niya.

Pagkalapit niya, ngingiti na sana ko...

"Tss. Kala mo nasa korean novela ka noh? Yung may clichè na part kung saan magkakabungguan kayo tas tutulungan kang tumayo tas magkakatitigan and then, bibilis ang tibok ng puso mo, o kaya yung tipong it will skip a beat. And boom! Start na ng lovestory niyo." Inilapit niya ang mukha niya sakin. "If I know, sinadya mong banggain ako. Huh! Love story na ako ang kasama mo? In your dreams." Sabay ngiti ng nakakabwisit then walk out.

My jaw dropped. Hinihintay magsink-in ng mabuti ang mga sinabi niya sakin.

What the hell?!

Anong klaseng lalake yun? Bakit ganun kataas ang self confidence?! San niya napulot yung mga sinasabi niya? Ang mga kagaya niya ay di dapat nageexist sa mundo!

Before I can react wala na siya sa harap ko. That's the first time I cursed a person.

Pagkarating ko sa room, late na talaga ako. Tapos na magcheck ng attendance yung prof namin. Pero okay lang daw, wag lang daw mauulit.

But after a few minutes..

"Mr. Gonzales, bakit ang tagal mo sa C.R huh? May ginawa ka bang kababalaghan?" Sabi ng prof namin.

My jaw dropped.. AGAIN.

Why is he here?!!!

Baka mali lang yung napasukan niyang room.

Collide (One shot)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon