la valentía es ser el único que sabe que tienes miedo
Chapter 1
"Alexis!" Tawag ko. Lumingon naman ito sa gawi ko at nginitian ako bago sumenyas na lumapit.
"Alexandra." Wika niya, "I told you stop calling me Alexis, I'm your kuya. Kuya ang itawag mo saakin." Aniya at inakbayan ako.
"Sorry Alexi--- I mean kuya hehe, I forget sometimes eh." Pagpapacute ko pa.
"By the way, how's your school?" He suddenly asked. I pouted kaya kumunot ang noo niya. "Why?"
"They are bullying me kuya." Nakangusong sumbong ko.
"What?" Kunot-noong tanong niya pa.
"They told me na I'm so small." Wika ko. "Do I really small kuya?"
"Let me see," aniya at sinenyasan akong tumayo. "You're not that small but still... you're small." Nakangiting wika niya.
I pouted kaya natawa siya, "I'm just joking around, lil sis. There's nothing wrong to be small, I'm sure tatangkad ka rin, hindi pa ngayon but surely, you will. Anyway, I thought idol mo 'ko? Bakit hindi mo ako gayahin? Hindi ako nagpapabully." Napatingin naman ako sa kanya.
"Yes kuya, pero kasi----"
"Ssssshh. That's fine with me. Kapag may nambully ulit sayo ay sabihin mo sakin ha? I'm your superhero diba?" Aniya at ginulo ang buhok ko.
"But remember Alex, never let them put you down. Let them see that you're strong even you're small. Let them see that you're brave. In that case, they will never attemp to bully you." Nakangiting wika niya. Tumango tango lang ako habang nakangiti.
"I'll try kuya." Sabi ko.
"Don't try Alex. Do it." Aniya pa. "Not all the time I can protect you. But I promise that I will be on your back to support you... until forever."
"Pinky-swear?" Tanong ko at itinaas pa ang pinky finger ko.
"Pinky-Swear."
~~
Napailing nalang ako at pilit ibinalik ang sarili sa reyalidad. Ilan lamang iyan sa mga alalang tumatak sa utak ko ng sobra. Napailing na lamang ako at ininom ang alak na hawak ko. Napapikit ako ng gumihit ang init niyon sa lalamunan ko. Hindi ko alam kung nakakailang bote na ako ng alak.
"Alex, makinig ka naman oh!" Rein sighed in frustration bago inagaw ang boteng hawak ko. Inirapan ko lang siya bago itinaas ang kamay para tawagin ang waiter.
"Ang akin lang naman Alex, wag mong sayangin ang lahat ng oras mo sa paghahanap ng hustisya para sa kuya mo. Alam ko kung gaano kaimportante sayo si Kuya Alexis. Pero Alex, kahit anong gawin mo, hindi na maibabalik no'n ang kuya mo."
"You have no idea, Rein. You don't understand." Mariing wika ko. "Wala ka sa posisyon ko, kaya hindi mo nararamdaman ang nararamdaman ko. Hindi ikaw ang nawalan, Rein."
"I can't believe you. Can't you remember? Ako ang laging nasa tabi mo sa simula pa lang. Alam ko kung gaano kayo kaclose ng kuya mo at nakita ko rin kung paano ka nagbago simula ng mawala siya."
"I though your a friend? Why are you fucking contradicting me?" asik ko.
"Hindi kita kinokontra, Alex. Ang akin lang, it's been a year. Its been a year na ginugugol mo ang oras mo sa paghahanap ng hustisya sa kuya mo. Why don't you leave it to the police? Sa tingin mo ba natutuwa ang kuya mo diyan sa ginagawa mo? Sa tingin mo ba natutuwa siya na napapabayaan mo na ang pag-aaral mo? Na halos gabi-gabi kang nagpapakalasing? He's been resting now, so please, Alex, leave that to the police." Nakikiusap na wika niya.