Chapter 8

350 12 1
                                    

Katulad ng sinabi ko, tuloy ang plano. Gabi na at hinihintay ko na lang ang oras na wala ng estudyante sa labas.

Nakatayo ako sa harap ng salamin habang inaayos ang aking sarili. I'm wearing a black fitted jeans, black leather jacket and black cup. Pinusod ko pataas ang mahaba kong buhok at tinakpan iyon ng sumbrero. Pagkatapos kong ayusin ang sarili ko ay may kinuha akong kung anong itim na bagay.

It was one of my kuya's tool. Isa ito sa mga bagay na iniwan niya saakin. Tanging ako at siya lamang ang nakakaalam ng bagay na ito. Even my dad, he doesn't know this. Ipinangako ko kay kuya na hindi ko ito gagamitin sa mga bagay na bastabasta lang.

I'll just gonna use it as my protector.

Ilang minuto ang nakalipas. Napatingin ako sa wrist watch ko at 10:35 PM na. Muli kong sinulyapan ang hawak ko bago itinago iyon sa loob ng jacket ko. Maliit lang naman ito kaya hindi halata. Pagkatapos ay inayos ko ang cap ko bago lumabas ng room ko.

Nagmasid muna ako sa paligid kung mayroon pa bang tao, at ng makita kong wala na ay dalidali akong tumakbo. Nakahinga ako ng maluwag ng tuluyan na akong makalabas. Tinakbo ko ang likuran ng boy's dormitory.

"Sa second floor. Room 113." Muling pumasok sa isip ko ang sinabi ng lalaking pinagtanungan ko kanina.

Nang may matanaw akong balcony sa second floor ay agad na inakyat ko iyon. Ito nga mismo ang room nina Greg. Dumaan ako sa puno. Ng nasa itaas na ako ng puno ay tinanaw ko kung may mapapasukan ba ako. Napangiti nalang ako ng makita kong bukas ang glass door. Nakapatay na ang ilaw.

Mabilis na tumawid ako. Dahandahan akong humakbang at binuksan ang glass door. Dahil madilim, pinakiramdaman ko muna ang paligid. Tahimik na ito. Baka tulog na. Kinuha ko ang maliit na flashlight sa loob ng jacket ko at sinindi iyon.

I frowned ng wala akong makitang tao sa kwarto. Nasaan kaya sila? Tatlong bakanteng kama iyon. Napailing nalang ako at binuksan ang pinto palabas ng room. Tama naman ang pinasok ko dahil nakalagay sa pinto ang room 113. Nagmasid ulit ako kung may pakalatkalat pang tao sa hallway ng wala akong makita at naglakad ako at tinanaw siya sa bawat pasimano ng dormitory.

"Where the hell are you Greg?" Inis na bulong ko sa sarili.

Agad akong napatago sa isang sulok ng makarinig ng boses ng mga lalaki na tila papalapit sa kinaroonan ko.

"She was so damn noisy, but yeah, I admit she's good in bed."

"Georgina is also a good one, agressive. How I like that."

"I think we should invite them tommorow night."

"Game ako diyan. We could even exchange players."

What the hell are they talking about? Those damn bastards! They are such a whore. I hate that. Nang maramdaman kong dadaan na sila sa harap ko ay agad na dinukot ko ang baril bago humara sa dinadaanan nila. I knew it.

"Long time no see Greg." Maangas na sabi ko habang nakatutok sa kanya ang baril ko. Kusang napahinto sila tatlo sa paglalakad at hindi makapaniwalang nakatingin saakin. I remember those two guys beside greg, sila yung dalawang gagong pumalo saakin ng baseball bat. I'll make you pay for these. Akala niyo ba ay ganun ganun nalang yon? The hell.

"What.... are you doing here?" Kita ko ang kaba sa ekspresyon ng mukha ni Greg. Damn you.

"I'm here to make things fair." Nakangising wika ko. Kita ko kung paano silang tatlo napalunok ng sunodsunod.

"Are you scared of me?" Nakangising tanong ko sa kanilang tatlo.

Nakita ko ang planong pang-aagaw ng lalaking katabi ni Greg sa baril ko. Ngunit bago pa man niya mahawakan ito ay itinutok ko na agad sa kanya. Pagkatapos ay isa isa ko silang tinutukan. Parepareho silang napatigil at hindi na muling nakakilos.

The Notorious (Editing)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon