Chapter 4

502 13 0
                                    

Kinabukasan!!!!

Oo galit talaga. Wala ako sa mood at masama ang gising ko. Samahan mo pa ng late na nga ako, pinagtitinginan at pinagbubulungan pa. Tsh. Sinong hindi maiinis. Nakakafrustrate.

Hindi ko alam kung pinagbubulungan ba nila ako dahil alas nuebe na at late na late na ako sa klase ko o dahil sa nangyaring eskandalo kahapon. Ha!

Malaprinsesang naglakad nalang ako patungo sa klase ko. Wala akong pakealam kung late ako. Masanay na sila. Bawat makikita kong bumubulong at sinasamaan ko ng tingin. Can't they just mind their own business?

Umakyat ako sa second floor at tinahak ang kinaroroonan ng section A. Patapon ako pero matalino ako.

Pagkarating ko ay walang atubiling sinipa ko ang pinto para bumukas. Oh, yeah. That's cool right? Napangisi ako ng mapatingin silang lahat saakin. Lahat. Pati narin ang Proffesor.

Maangas na tinanguan ko siya at dumiretso sa bakanteng upuan. Nagulat naman ang lahat sa ginawa ko. Pft. Pinigilan ko ang pagtawa dahil baka mamaya paglabas ko ay kuyugin nalang ako ng lahat ng estudyante rito. Mahirap na. Isa lang ako marami sila. Pero kaya din kung 1 by 1 ang laban. Kaya-kayang itumba. Ang yabang ko na.

Napaismid nalang ako ng bigla akong taasan ng kilay ng proffesor. "Goodmorning miss." Sarkastikong wika niya.

"Morning." Walang interes na wika ko. Una sa lahat, hindi good ang morning. Kaya morning lang dapat. Nagsalubong ang mga kilay niya at pumamewang.

"Are you the new transferee?" Tanong niya. Napairap ako at nagkibit balikat.

"Obviously." Maarteng wika ko.

"Well, wala palang modo ang bagong transferee." Nakangiting wika niya at isa isang tinitigan ang mga kaklase ko.

Ngumisi lang ako. Hanggang dito pala ay mainit rin ang dugo ng mga proffesor saakin. Siguro nag-usap siya at si Kamote na pagdiskitahan ako. Tss. Baka naman magkapatid sila. Pareho naman silang kulubot ang balat.

"Okay then. Walang-modong transferee. Can you introduce yourself infront? Lagyan mo naman sana kahit kaunting sense." Sarkastikong wika niya. Taas noong tumayo ako at humarap sa buong klase.

"I'm Alexandra." Nakipagtitigan ako sa proffesor bago ngumiti. Dumapo ang tingin ko sa pintuan ng classroom. Napatigil ako sa gulat nang may nakita ako limang lalaking nakasandal roon at nakangising tinititigan ako. What the hell. Kilala ko sila ah. Sila yung maingay sa cafeteria kahapon. At yung lalaking nasa gitna nila ay yung lalaking may itim na hikaw na siyang ngumisi saakin kahapon. Damn! Anong ginagawa nila rito? Wag nilang sabihing---!

Umingay bigla ang classroom dahil nagtilian ang ilang mga haliparot na babae.

"Omg!"

"Waaahh! Akala ko hindi sila papasok."

"Ang gugwapo."

"Brayden!"

"Waaaahhhh"

"Iniinit ako. Parang gusto ko maghubad."

Napatingin ako sa babaeng huling nagsalita. Nakakagat labi ito. Nakakita lang ng gwapo maghuhubad na? Tsk lalakas pala ng appeal nitong mga gagong ito.

Napairap nalang ako at umupo na. "Kadiri." Nasusuyang wika ko. Nabalin naman ang atensyon ng proffesor sa limang maaangas na nakapose sa pinto. Tumaas ang kilay nito.

"Hindi naman kayo masyadong late ano?" Sarkastikong wika niya. Late na nga ako may mas late pa pala. Hanep. Base sa mga pagmumukha nila ay wala naman silang pakialam. Lalo na ang nasa gitna.

The Notorious (Editing)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon