Kinabukasan
Mahimbing ang tulog ko at ramdam ko pa rin ang bigat ng katawan ko. May naaamoy rin akong panlalaking pabango sa tabi ko. Nakakaramdam ako ng kiliti sa leeg ko at parang may humihinga roon. Kahit mabigat pa ang talukap ng mata ko ay pinilit ko itong buksan. Hindi ko alam kung bakit ang bigat ng pakiramdam ko. Feeling ko ay may dumadagan na mabibigat sa katawan ko.
Nag-iinat na sana ako ng mapatingin ako sa katabi ko. Oh my gosh. Bakit ang lapit lapit ng mukha siya saakin? Bakit nakabaon sa leeg ko? Bullshit! Kaya pala nabigat ang katawan ko dahil nakayakap siya saakin at nakapatong pa ang isang hita niya sa hita ko.
"AHHHHHHHHH!" Malakas na sigaw ko.
"What the fvck? Ang ingay mo natutulog pa ko." Nakapikit na sabi ni Brayden. Sandali akong natigilan dahil ang husky pa ng boses niya. Is he... is he trying to seduce me? Nanliit ang mga mata ko habang tinititigan siya.
Ah ganun ah. Bibitiwan mo ko o bibitiwan mo ko?
Napatingin ako sa katabi naming kama at tulog mantika naman ang nagngangalang Kris. Muli kong binalingan ng tingin si Brayden. Mahimbing talaga ang tulog huh? Sige, gigisingin kita.
Hinaplos ko ng mga daliri ko ang perpektong mukha ni Brayden. From forehead to nose... face and to chin. I was tempted to touch his pinkish lips but I stopped my self. Mahirap na. Sa totoo lang ay sobrang gwapo niya. Lalo na sa malapitan. I admired him--- ngayon lang. He was so damn hot and goodlooking. I can't help to stare at his closed eyes. Ang haba ng pilik mata.
Pero syempre, magkamatayan na, hindi ko aaminin na gwapo siya. Deep inside ko nalang yon.
Nakita ko ang namumuong ngisi sa mga labi niya. Nakapikit ang mga mata niya ngunit may nanunuksong ngiti sa labi niya. Alam ko ang iniisip mo.
"PAAAKKKKKKK!" Oo sinampal ko siya. Gagong to. Nagising naman siya kaagad.
"Ano bang problema mo?" Sigaw niya sa tabi ng leeg ko. Nagdulot yon ng kiliti ngunit hindi ko pinahalata.
"Ikaw! Bakit ka nakayakap sakin? Huh? Ilayo mo nga yang mukha mo sakin." Sigaw ko. Bumitaw naman agad siya sa pagkakayakap at lumayo ng kaunti saakin. Halos matalon na nga ako kagabi dito sa kama wag ko lang siyang makatabi at wag lang niya akong mahawakan.
"Akala ko unan." Nakangising bulong niya.
"Leche ka!" Tumayo ako at binalibag sa kanya ang isang unan. Bwisit.
Padabog kong kinuha ang mga gamit ko sa lamesa.
"Saan ka pupunta?" Nagtatakang tanong niya.
"Lalayas na. Hindi ko na masikmura ang kwarto ng mga demonyo!" Mataray na wika ko.
"Hindi ka ba nahihiyang makita ka nilang galing sa dorm ng mga lalaki? Hindi ka ba natatakot na baka kuyugin ka ng mga lalaki paglabas mo ng kwartong ito? Baka nakakalimutan mo, boy's dormitory ito. Paglabas mo diyan ay maraming nakabalandrang mga lalaki." Mahabang sabi niya. Napairap naman ako.
"Una sa lahat, wala akong pakealam. Pangalawa, hindi ako natatakot. Pangatlo, hindi ako tanga para makalimutang nasa boy's dormitory ako. At panghuli, wala akong pakealam sa mga nakabalandra diyan. Lalabas ako ng walang pakialam sa paligid. Wala akong interes sa mga demonyo. Saka isa pa, pakialam mo ba?" Taas kilay na sabi ko.
"Supalpal ang Brayden." Singit ni Kris. Gising na pala ang isang unggoy na ito.
"Manahimik ka!" Sabay naming sigaw sa kanya.
"Oh. Okay... okay, chill." Wika niya at itinaas pa ang dalawang kamay bago nagtalukbong ng kumot.
"Ang ingay mo. Sige, lumayas ka na." Inaantok na sabi niya, "kung gusto mo dito ka ulit matulog mamaya. Masarap kang maging unan, Juliet. Pft." Nakangising wika niya.