Chapter 7

630 15 7
                                    

Kinabukasan

"Omg, I'm so excited."

"I'm gonna wear my best outfit."

"Yah. Ano raw ba ang theme?"

"Red daw."

"Uh. I'll call my mom, kailangan ay mapatahian na niya ako."

"That will gonna be fun."

"I'll asked Brayden if he wants me to be his date."

"Omg. Dapat ay hot din ang partner ko."

"Shocks. Si Kris ang sakin."

Ano ba ang nangyayari sa kanila? Ano bang nakain nila at ang iingay nila? Geez. What are they talking about?

Ang gulo gulo sa paligid. Ano bang meron?

"Tss. Gumilid kayo, dadaan ako." Inis na sabi ko sa mga nagkukumpulang babae sa daan. Ano ba! Dito pa kasi magtsitsismisan sa daan. Di na nahiya. Mga leche.

Nagsilihisan naman sila at binigyan ako ng daan. Good then.

Aakyat sana ako ng hagdan papuntang second floor ng makarinig na naman ako ng sigawan. Dahan dahan akong umakyat at nasalubong ko ang dalawang babaeng nagsisigawan. Nagkibit balikat naman ako. Mukhang magandang panoorin ito. I love watching catfights.

"Bulag ka ba? Huh?" Supladang sigaw ng isang babae sa babaeng kaharap niya. Makapal ang makeup nito at naka tube fitted dress. Hindi ba't bawal ang hindi mag-uniform?

"Hindi ko nga sabi sinasadya." Sigaw rin ng isang babaeng konti nalang ay iiyak na. Maganda ito at walang kung ano anong kolorete sa katawan lalo na sa mukha.

"Anong hindi sinasadya? Tignan mo nga ang ginawa mo sa damit ko? You ruined my dress!" Sigaw ng babaeng makapal ang harina sa mukha. Napatingin ako sa damit niya at mukhang natapunan siya ng pinta na dala ng kawawang babae.

"Nagsorry na nga ako, ano pa bang kailangan mo?" Sagot naman ng kawawang babae.

"Maibabalik ba ng sorry mo itong ginawa mo sa damit ko? Ha?!"

"Wala akong magagawa. Hindi ko naman sinasadya." Said the poor girl.

"Anong walang magagawa. You have to pay for this. Hindi sapat ang sorry mo."

"Nagsorry na ako, wala akong magagawa." Ani ng kawawang babae bago tumalikod. Nagulat naman siya ng marahas siyang hinila sa braso ng babaeng nababalot ng harina. Harina dahil natatabunan na ng makakapal na makeup ang mukha niya. Akmang sasampalin niya ang kawawang babae ng mabilis na lumapit ako sa kanya at pinigilan ang braso niya.

Naiwan sa ere ang braso niya habang hawak hawak ko. "Don't ever try to hurt her." Seryosong wika ko bago hinigpitan ang magkakahawak sa braso niya.

"A-ahhh! Bitawan mo nga ako. You bitch." Sabi niya habang sinusubukang tanggalin ang pagkakahawak ko. "Sino ka ba ha? B-bakit ka ba nangingialam? Kaano ano mo ba ang bruhang yan?" Sunod sunod na tanong niya.

"Wala." Maikling sagot ko.

"Wala naman bakit ka nangi--- AHHHHH!" Hindi niya naituloy ang sasabihin niya ng sinampal ko na siya.

Aray. Ang tigas ng mukha. Ang sakit ng palad ko. "Tigas ah." Maangas na sabi ko habang nakatingin sa palad ko.

"H-how dare y-you." Maiyak-iyak na wika niya.

"Kung hindi mo ako kilala, magpapakilala ako. Ako si Alexandra, ang babaeng transferee na nananapak ng mga panget." Nakangising wika ko. Sinamaan niya ako ng tingin at akmang sasampalin. Binigyan ko siya ng kamataymatay na tingin kaya napatigil siya. Hanggang tingin ka lang pala eh.

The Notorious (Editing)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon