Maaga akong nagising kayat maaga akong nakapasok sa klase ko. Kasalukuyan kaming may sarisariling mundo ngayon sa loob ng classroom. Wala kaming teacher dahil free time namin ngayon. Dalawang sunod ng klase ay wala kaming teacher. May meeting daw.
Nakatulala lang ako at nakapalumbaba habang nakaharap sa bintana. Hanggang ngayon ay hindi pa rin maalis sa isip ko ang nangyari kagabi. I was so damn pissed at Brayden. Isama mo na rin ang malanghiyang Greg. Paniguradong hindi makakapasok yon dahil burado na ang mukha. Tangina niya. Bagay lang sa kanya.
Magsama sama silang mga hinayupak sila. Paano ba naman kasi ako makakakilos kung hindi ako kukuha ng impormasyon kay Greg? I knew he knew something. At si Nathan? Paano ko nga kakausapin ang isang yon kung hindi naman nagpapakita. Nakakainis.
"Hi." Nabaling ang atensyon ko sa babaeng lumapit saakin. She looks familiar. "Oh. I just want to say t-thank you " nahihiyang sabi niya habang nakayuko.
"Who are you?" Nagtatakang tanong ko. Napatingin naman siya saakin at nagulat.
"A-ah. Ako yung babaeng tinulungan mo kahapon." Nakangiting wika niya.
"Ah." Sambit ko. Bayani na ba ako non?
"Thank you talaga ah." Nakangiting aniya bago umupo sa bakanteng upuan sa tabi ko. "Kundi dahil sayo ay baka kinalbo na ako nina Vianca at ng mga alipores niya. Bully pa naman yon." Nakangiting wika niya.
I just smiled back, "Its nothing." Bulong ko.
"No. I wanna thank you at gusto ko ring bumawi sayo." Wika niya.
"If you say so." Sagot ko nalang.
"Uhmm, By the way... Dianne. Dianne Elarde." Then she offered her hands. Wala akong nagawa kundi ang tanggapin naman iyon. To be honest, I am not friendly. I'm contented with one friend which is Rein. Because Rein is a real friend. And this girl in front of me is... I dont know. I never trust too much. In the mater of fact bilang lang ang taong pinagkakatiwalaan ko. I once betrayed, at ayoko na ulit mangyari yon. I don't need another friends. I don't need a bunch of friends kung hindi naman sila mapagkakatiwalaan.
"I'm Alexandra."
"Of course I know." Nakangiting sabi niya. "Sikat ka kaya sa school."
Should I be happy? Sikat ako sa school? Damn.
"You know, the first time you stepped in this school nakita na agad kita. Palagi kitang pinagmamasdan. I was scared to come near you or be friend with you dahil nakikita kong wala ka namang pakialam sa mundo. You're beautiful Alexandra, but the first time I saw you furious mas lalo akong natakot sayo. Yung unang araw mo na binugbug mo si Greg nakita ko kung paano ka magalit. But since yesterday na tinulungan mo ako, Im so happy kasi hindi ka lang pala suplada, masungit, at walang pakialam sa mundo. Nakuha ko na kung bakit ka ganon, ayaw mo ng naaagrabyado. And i like it. I wanna be friends with you Alex."
"Is that a compliment? Fan na ba kita?" Sarkastikong wika ko. But she just laughed.
"I guess." Nakangiting sabi niya. "You know, let's go to the cafeteria tutal wala naman tayong klase. Don't worry, my treat." Aniya at hinila ako.
Wala naman akong nagawa kundi ang magpatianod sa kanya.
***
"So bakit ka nagtransfer dito?"
"Uhm. Family problems." Its a half lied. Pakiramdam ko ay isa akong artista na nasa press conference, ang dami niyang tanong.
Marami siyang tinatanong tungkol saakin, pero hindi ko naman iyon sinasagot lahat.