Chapter 5

431 12 0
                                    


Alexandra's POV.

"Bahala ka dyan. Kunyari ka pa kasi eh, tabihan mo na. O tatalikod pa ako." Narinig kong wika ng isang lalaki.

"Tangina mo. Tumayo ka na nga riyan." Sabi pa ng isa.

Unti-unti kong minulat ang mga mata ko at bumungad saakin ang black and white na wall at puting ceiling. Where I am?

My forehead creased. Nagtaka ako ng makitang hindi naman ito ang dorm ko. Teka--- asan ako? Ano bang nangyari?

Naglalakad ako... may humarang... hinampas ng baseball bat... tas niligtas ako ni brian? Hindi. Brent? Hindi rin eh. Bray... Brayden. Oo tama Brayden... yung lalaking may hikaw na itim at nagsabing walang daw taste ang mga pumupuri saakin. Tapos... binuhat niya ako at....

Bigla akong napaupo ngunit isa iyong pagkakamali dahil nahilo ako at ininda ang masasakit kong katawan. "A-arayyy." Daing ko.

"Ako nga sabi--- shit." Narinig kong tinig sa tagiliran ko. Doon ko lang napansin na may dalawang lalaking nag-tutulakan sa kama. What the! Nagulat siya ng marinig ako.

"Omg! Nasaan ako? Anong ginawa niyo saakin?" Nagpapanic na tanong ko.

"Fvck! Hindi ba't sinabi ko kay Kim na palitan siya ng da---"

"She's so h--" Sabi ng isa na agad namang pinutol ni Brayden.

"Damn you Kris." Pagbabanta nito.


"What should I do?" Nakangising tanong ng nagngangalang Kris.

"Don't fucking look. Dammit. Turn your back." Ani Brayden.

"Okay... okay easy dude." Pang-aasar pa ni Kris.

Napakunot ang noo ko dahil hindi ko maintindihan ang sinasabi nila.

"Na-nasaan ako?" Tanong ko.

"Nasa kama ko." Sagot ni Brayden.

"What the--- paano ako napunta rito? Gosh. May ginawa ba kayong hindi dapat gawin? Anong oras na?" Sunod sunod na tanong ko.

"Dinala kita rito." Kunot noong sagot niya.

"Wala rin kaming ginawang kababalaghan." Wika ng nakatalikod na si Kris.

Dapat ba akong maniwala sa isang yan?

"Anong oras na?" Tanong ko.

"11 pm." Maikling sagot nila habang humihikab. Napahawak ako sa braso ko at nagulat ng may mga benda na ang mga sugat ko. Tanginang Greg yan. Babasagin at sisiraan ko rin yang mukha mo.

"11 pm?!!" Gulat na tanong ko. "What the hell."

"Aalis na ako." Wika ko at tinanggal ang kumot na nakabalot sa katawan ko.

"No. Stay." Brayden coldly stated.

"No. Babalik na ako sa dorm." Pagpupumilit ko.

"Curfew hours na." wika pa ni Brayden.

"Oo nga." Sang-ayon naman ng kasama niya.


"No way... babalik ako sa dorm----ahhhh!" Napaupo rin ako kaagad ng maramdaman ko ang sakit ng katawan ko. Dammit! Hindi ako pwedeng matulog dito.

"O sige bumalik ka sa dorm mo kung kaya mo." Malamig na wika ni Brayden bago nahiga sa kamang kinauupuan ko.

"Dito ka na matulog dear." Sabi pa ng isa. Anong dear? Bakit dear? Anong klaseng endearment yun? Arabo ba siya?

"Dito? Eh saan ako matutulog rito? Dadalawa ang kama!" Reklamo ko.

"Tss. Ang ingay, inaantok na ko." Reklamo ni Brayden. "Dun ka sa sofa."

"Sa sofa?!!!" Hindi makapaniwalang tanong ko.

"Oo sa sofa." Sagot pa niya habang nakapikit. Walangya.

"Masakit na nga ang katawan ko sa sofa mo pa ako papatulugin?" Hindi makapaniwalang tanong ko.

"Ayaw mo?" Walang emosyong tanong niya.

"Ayoko!" Sabi ko.

"Eh di dun ka sa carpet." Sabi pa niya. Ang isa niyang kaibigan ay nakapikit na ngunit bumubungisngis pa. Hell!

"Sa---what?"

"Sa car.pet." mariing wika niya.

"Ikaw nalang dun sa sofa. Dito ko sa kama." Pagpupumilit ko. "O kaya naman tabi nalang kayo ng kaibigan mo."

"Sinong kaibigan? Hindi ko kilala yan." Sabi naman ng lalaking nagtutulog tulugan. Damn. Pahirapan? Mas lalong nadadagdagan ang sakit ng katawan ko. Lintik lang. Hindi ba uso sa kanila ang salitang gentle man?

"Gwapo lang ako pero hindi ako gentleman." Nakapikit na wika ni Brayden. Nagyabang pa.

"Dun ka na sabi sa sofa eh." Nauubos ang pasensyang sabi ko pa.

"Ayoko nga."

"Ano ba---" nagulat ako ng bigla niya akong hilahin. Sa isang mabilis na pangyayari ay nasa ibabaw ko na siya.

"Tanginang damoves mo Brayden." Natatawang sabi ng kaibigan niya.

"Kung ayaw mong matulog sa sofa, o sa carpet, dito ka sa tabi ko." Nakangising wika niya.

"No way. Lumayo ka nga saki---"

"Mag-iingay ka o hahalikan kita." Nanuyo ang lalamunan ko ng ilapit niya ang labi niya saakin. Oh my gosh. Not him. Not this guy.

Nang manahimik ako ay umayos na siya ng pwesto niya at prenteng humiga. "By the way, palitan mo nga yang damit mo. Baka hindi ako makapagpig---"

Napatingin ako sa damit ko at nakita kong punitpunit iyon. Pakshit. Pinunit nga pala kanina ng hinayupak nayon. Halos kita na ang kaluluwa ko. Mabilis kong kinuha ang malaki at kulay puting unan at itinakip iyon.

"Bakit hindi niyo sinabi?!" Galit na sigaw mo. Eh bakit hindi ko rin napansin? Aish.

Hindi siya nagsalita.

"Ayan ang damit sa table. Magpalit ka." Seryosong wika niya.

Dalidaling kinuha ko naman iyon at dala ang unang pumasok sa CR. What the hell! Pervert jerks. Mga lapastangan.










The Notorious (Editing)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon