1991 (Preschool Year)
"Talaga, Lisztian?" Manghang tanong ko sa batang lalaking nasa harapan ko.
"Yes. I used to play with children at the park too!" Buong pagmamayabang na saad pa nito.
"Kaya ka pala english ng english kasi amerikano ka,"
"Of course not! I'm a pure filipino!" He pouted.
"Magtagalog ka nga!" Hamon ng ko sa bata.
"I dont know how to! But I'm a filipino, I assure you that,"
"Weh?"
"I am!"
"Danny!" Sabay kaming napalingon sa teenager na nasa di kalayuan.
"Ate Elle!" Nakangiting kumaway ako sa ate ko at pagkatapos ay muling hinarap ang batang lalaki. "Hindi ako naniniwala. Kapag marunong ka ng magtagalog, maniniwala ako. Basta, amerikano ka!" Iyon lang at tuluyan na akong tumakbo palayo.
----------
1995 (Primary School Years)
"Kaso ayaw ni Nanay na sumama ako sa field trip," malungkot kong pahayag sa kaharap.
"Bakit daw?" Kunot noong tanong ni Lisztian sa akin. Sabay kaming umuwi ng hapon na iyon. Hindi kami magkaklase pero madalas niya akong hinihintay sa may bleachers kapag uwian na.
"Baka daw mawala ako. Malayo daw 'yung Enchanted Kingdom e. Tsaka kabilin- bilinan ni Tatay, wag daw akong sumama," sa totoo lang kasi, gustong- gusto kong sumama. Sa klase kasi namin, ako lang ang hindi. Hindi naman sa wala kaming pambayad. Head engineer ang tatay ko sa isang construction firm sa Maynila pero, sa Saudi ito nakadestino. Ang nanay ko naman, may katungkulan din sa Bureau of Customs. Hindi kami ganoon kayaman pero hindi rin naman masasabing mahirap kami. Middle class kumbaga. Lima kaming magkakapatid, Si Kuya Tim ay nasa kolehiyo na. Kumukuha siya ng electrical engeering sa university malapit sa lugar namin, gagraduate na siya ngayong taon. Si Ate Elle naman ay fourth year highschool na. Kukuha siya na medesina sa susunod na taon. Si Kuya Ian, third year highschool. First year naman si Ate Issa, at syempre ako.
BINABASA MO ANG
Childhood Sweethearts (A True Love Story) [On- Hiatus]
RomancePaano ka maniniwala sa 'Happy Ending' kung ang Prinsipe mo ang sumira ng mga pangarap mo?