"Are you out of your mind?!" Hindi makapaniwalang tanong ni Trina sa akin.
"I will not marry her, Daniela!" Lisztian yelled.
Hindi ko sila pinansin. "Lisztian will marry you Camille," inulit ko ulit, this time tinitigan ko ang babae sa harapan ko. Kitang-kita ko na mula sa pagkagulat, unti-unting rumehistro sa mata niya ang relief, kasabay ang kislap ng tagumpay mula dito. Napapikit ako. Bumilang ng tatlo bago muling dumilat at tumayo. "Let's go, Trina," I whispered.
"Danny," may pakiusap sa tono ng bestfriend ko. Umiling ako.
"Irog ko," pilit na hinawakan ni Lisztian ang mga kamay ko pero iniiwas ko iyon.
"Gene, sasabay ka ba sa amin?" Lumingon ako kay Gene, malungkot ang mga mata niya. May awa doon. Hindi ko kayang makita ang awang iyon kaya hindi ko na hinintay pa ang sagot nila, mabilis kong tinahak ang daan palabas.
"Danny!" Narinig kong tinawag nila ako pero tumakbo ako. Sakto namang bumukas ang elevator sa floor na iyon. Pumasok ako at isinara iyon. Pero bago tuluyang puminid ang pinto ay nakita kong lumabas din ng unit si Gene at Lisztian, kasunod si Trina. "Danny!" Tawag ulit nila. Hindi ko sila hinintay. Nasa akin naman ang susi ng kotse ko. Makakauwi akong mag-isa. Nanghihina akong napaupo sa sahig ng elevator.
----------
Lisztian POV
"Tang-ina!" Narinig kong nagmura si Gene ng hindi niya inabutang nakabukas ang elevator.
Hindi ko na hinintay pang bumukas ulit iyon, dumiretso ako sa stairs. Wala akong pakialam kung nasa 25th floor man ako. Kailangan kong maabutan si Danny. Tanga ako, oo. Ano ba namang laban ko sa elevator? Pero kailangan ko siyang makausap. Mahal ko si Danny. Kailangan ko siya. Siya ang buhay ko.
Alam kong kasunod ko sina Gene at Trina, pero wala akong pakialam. Nasa 20th floor na kami nang bigla akong pigilan ni Gene. "Bitawan mo ako, pare. Kailangan kong maabutan si Danny!" Desperadong sabi ko at ipinagpatuloy paglalakad. Pero hindi natinag si Gene. Iniharap niya ako tapos ay binigyan ako ng isang suntok sa mukha. Dahil sa hindi ko inaasahan ang suntok na iyon, napabalandra ako sa pader. "What the hell, man?!"
Kinuwelyuhan niya ako. "You son of a bitch!" Binigyan niya muli ako ng isa pang suntok.
Lumaban ako. Nagpalitan kami ng kamao. Naririnig kong sumisigaw si Trina at inaawat kami pero hindi ko siya pinansin. Ganun din si Gene.
"You promised me that you will never hurt, Daniela! Pinaubaya ko siya sa iyo!" Sigaw ng bestfriend ko sa pagitan ng buno namin. Totoo naman e. Nagpaubaya siya. Nagkagusto rin siya kay Danny nung highschool. Aware kami na mas malaki ang tsansa niya sa puso ng mahal ko dahil gusto rin siya nito. Pero nagmakaawa ako. Hiniling ko na ipaubaya nalang niya si Daniela sa akin. Dahil mas nauna akong umibig at mas pinahalagan niya ang pagkakaibigan namin, binitawan niya ang chance with Danny and pursue another girl, si She. 'Yung cheerleader. Pero hindi sila nagtagal.
"Mahal ko siya!" Hiyaw ko pabalik kasabay ng isang suntok na tumama sa pisngi niya.
"Mahal?! Gago ka! Umiiyak siya ngayon dahil sa'yo at sa letseng problema mo!" Isang suntok na nakapagpaputok sa labi ko. Napasalampak ako sa sahig. Dehado ako. Mas malaki ang katawan ni Gene sa akin dahil panatiko siya ng thai-boxing. Putok ang kilay, labi at umaagos ang pulang likido sa ilong ko. In- short: duguan na ako pero siya, pasa lang sa gilid ng bibig ang natamo. Tang-ina, ang weak ko talaga.
"Kaibigan kita Lisztian. Hell, magkapatid na ang turingan natin! Ayusin mo ito kung talagang mahal mo si Daniela. Dahil kung hindi, brother or not, mapapatay talaga kita," bago umalis ibinato pa nito sa mukha ko ang panyo.
"Tara na, Trina," yakag ni Gene sa bestfriend ni Danny.
"Okay lang ba siya?" Tanong ng babae.
"Masamang damo ang gagong iyan. He'll survive," Gene spat.
"Pero -"
"Diba sabi mo ibo-Vhong Navarro mo siya? Ako na nga ang gumawa kaya dapat masaya ka na. So please, shut up. We need to find, Danny," hinatak papunta ni Gene si Trina sa saktong nakabukas na elevator.
----------
Danny POV
Hindi ko alam kung paano ako nakarating sa parking lot. Lumapit ako sa kotse ko, inilabas ko ang susi at pilit na ipinapasok iyon sa lock. Nanginginig ang kamay ko. Nakailang attempt na ako pero wala pa rin. Gusto ko ng umuwi pero bakit parang ayaw makisama ng pagkakataon? Pagod na ako, nasasaktan. At gusto ko nang makita si Nanay. Alam kong kahit papaano, gagaan ang loob ko kapag niyakap ko sila ni Tatay. Pero nakakainis, hindi ko magawang mabuksan ang pinto ng kotse. "Argh!" Sigaw ko sa sobrang frustration. Binato ko sa semento ang susi ko at hindi ko na pinigilan pa ang paghagulgol. Bakit kailangang ako pa ang makaranas ng ganito? Hindi nga ako sobrang bait na tao pero wala naman akong inargabyado sa buhay ko. Bakit ako pa? Nagmahal lang ako. Anong masama dun? Napasalampak ako sa semento habang nakasandig sa pinto ng kotse ko at patuloy na umiyak.
Nagulat nalang ako nang may mga kamay na humawak sa mga braso ko, hinila iyon pataas at niyakap ako ng mahigpit. "I'm sorry, Danny. Kasalanan ko kung bakit ka nasasaktan ngayon," boses iyon ni Gene. Hindi ko maintindihan ang sinasabi niya pero niyakap ko na rin siya. "G-Gene...a-ang sa-sakit e..."
"Sshhh, baby. Tama na," hinalikan niya ako sa noo at muling niyakap. "Tang ina talaga 'yang Lisztian na 'yan. Mapapatay ko talaga siya!" May galit sa boses niya.
"Sabi ko naman kasi sa iyo, huwag na tayong tumuloy," hinahagod ni Trina ang likod ko.
"Kailangan ko ito, Trina. Kailangan ko na siyang pakawalan,"
"Tama na, baby. Everything will be alright," hinalikan muli ni Gene ang buhok ko.
"Uwi na tayo, Danny," aya ni Trina. I nodded, pinulot ng kaibigan ko ang susi sa semento at ini-unlock ang pinto. "I'll drive," sabi pa niya.
Inalalayan ako ni Gene papasok sa kotse at tumabi sa akin sa backseat.
----------
Lisztian POV
Masakit ang katawan ko pero kailangan kong makausap si Daniela. Hindi ko siya kayang mawala. Tumayo ako at tinungo ang elevator. Nang makarating ako sa lobby, susuray-suray akong lumabas at nagpalinga-linga. Wala sila. Naglakad ako patungong parking lot, at nadurog ng sobra ang puso ko sa nasaksihan ko. Yakap-yakap ni Gene ang mahal ko. Hinalikan pa nito sa noo si Daniela. Hindi ko marinig pero alam ko na may sinasabi ang kaibigan ko kay Danny dahil bumubuka ang bibig nito. Ang sakit isipin na hindi ko na nga kayang patahanin at aluin ang pinakamamahal ko, umiiyak pa siya dahil sa akin. Napakawalang kwenta ko talagang tao. Nangako ako na hindi siya sasaktan pero, ako rin mismo ang dahilan ng balde-baldeng luha niya.
Nang inaakay paalis ni Gene at Trina si Danny, ay wala na akong nagawa. Ano pa bang gagawin ko? Nasasaktan siya dahil sa akin, mas lalo siyang iiyak kung ipipilit ko ang sarili ko sa kanya ngayon. Kailangan niya ng space. Iyon ang dapat. Ang tanong lang, kakayanin ko kaya ang mawalay sa kanya kahit sandali?
Tang 'nang buhay ito.
BINABASA MO ANG
Childhood Sweethearts (A True Love Story) [On- Hiatus]
RomancePaano ka maniniwala sa 'Happy Ending' kung ang Prinsipe mo ang sumira ng mga pangarap mo?