Chapter 4

112 3 1
                                    

Daniela POV

Naggrocery muna ako bago nagdrive pauwi sa bahay. Nagtext kasi si Nanay. Namimiss na daw niya ako. Miss ko na rin naman siya, ang kaso, isa sa mga bagay kung bakit ayaw kong uwi sa amin ay ang kadahilanang lahat ng parte ng lugar na iyon ay ipinapaalala sa akin si Lisztian. Sa sala, sa kusina, sa kwarto hanggang sa CR. Kakalimutan ko na siya kahit mahirap. Mabubuhay ako ng wala siya. Mangangarap ulit ng wala na siya.

Ang lakas ng kabog ng dibdib ko ng mamataan ko ang kotse ng taong iniiwasan ko. Lalo akong kinabahan, baka naunahan na niya akong magsabi kay Nanay at Tatay ng sitwasyon namin. Ayokong madamay sila. Sasabihin ko naman sa kanila pero hindi lang ngayon. Hindi pa ako handa.

Pumasok ako sa bahay, dala- dala ang mga pinamili ko. "Nanay? Andito na po ako," tawag ko sa kanila.

Lumabas si Nanay mula sa kusina. "Oh, Danny. Bakit ngayon ka lang? Hindi pa kayo nagsabay ni Lisztian," tinulungan niya akong magbitbit ng mga bag ng grocery.

"Ah..eh.. Nag- overtime po kasi ako, tapos pinag- grocery ko po kayo ni Tatay," palusot ko. "Saan po sila?"

"Andun sa sala. Nanunuod ng TV," sabi Nanay tapos ay pumasok uli sa kusina. "Bakit namili ka pa para sa amin? Dalawa nalang kami ng Tatay mo dito sa bahay. Okay lang kami. Kung may kailangan e madali namang makatakbo dyan sa tindahan sa labas," hindi ako kumibo. May asawa na kasi si Kuya Tim. Tatlo na ang anak niya. Sa abroad siya nagtatrabaho bilang engineer. May bahay sila di kalayuan sa bahay namin, nandoon ang pamilya niya. Si Ate Elle naman, malapit ring magpakasal. Fil- Mexican ang fiancee niya, doctor din katulad niya. Nasa US siya ngayon. Doon siya nakabase. Nauwi din naman siya pero walang exact time. Minsan nagugulat nalang kami na kumakatok na siya sa pinto. Si Kuya Ian, although hindi pa kasal ay may anak na. Pagnagbakasyon siya galing sa Australia, magpapakasal ba sila ni Ate Mina. Si Ate Issa ay may Swiss na boyfriend. Wala din siya sa bansa kasi katulad ni Ate Elle, pinadala naman siya ng company nila sa abroad. Umuuwi siya kapag kinailangan siya ng boss niya.

Sumunod ako kay Nanay, at umupo sa silya. Inilapag ko ang bag ko at mga groceries sa mesa. "Ano pong ulam natin, 'Nay?"

"Sinigang na ribs. Paborito mo iyong diba?"

Napangiti ako. "Opo, 'Nay. Nilagyan nyo po ba ng maraming kangkong at gabi?"

"Oo,"

Namayani sandali ang katahimikan. Kinuha ko ang celfone ko sa bag at nagtext.

To: +63927-347-****

Anong ginagawa mo dito?

Kahit na kasi binura ko na ang number ni Lisztian ay hindi maikakaila na saulado ko pa rin yun. Hindi ako ipokrita, kaya inaamin ko.

From: +63927-347-****

Mag- usap tayo, pls.

To: +63927-347-****

Wala na taung dapat pag- usapan. Umalis ka na.

From: +63927-347-****

Pakinggan mo ako, Danny. Magpapaliwanag ako. Mahal na mahal kita. Hindi ko kayang mawala ka.

To: +63927-347-****

Sana inisip mo yan dati. Umalis ka na.

"Anak, magkaaway ba kayo ni Lisztian?" Pukaw ni Nanay sa akin.

"P-Po? Hindi po," pagsisungaling ko.

"Sa lahat ng kapatid mo, ikaw ang nasubaybayan ko ang lovelife. Kaya hindi mo pwedeng ikaila kapag may alitan kayo. Hanggang ngayon, hindi pa rin kayo nagbabago. Sa text pa rin kayo nag- aaway," napatungo ako. Tama kasi si Nanay. Madalas kasi sa bahay lang kami noon tumatambay ni Lisztian nung mga estudyante palang kami. Mahigpit kasi ang mga kapatid ko. Gusto nilang nakikita ang ginagawa namin. Kaya kapag date day namin, ang couple activities na pwede sana naming gawin sa amusement park or mall, nauuwi sa pagtulong niya sa paglilinis ng bahay namin, paglalaba, pagpapaligo sa aso, at kung anu- ano pang gawaing bahay. Nasubaybayan talaga kami ni Nanay. Kaya pati ang habit naming magbangayan sa text ay alam niya.

"Konting tampuhan lang po, 'Nay,"

"Pag- usapan niyo iyan, Anak. Katulad ng palagi kong sinasabi sa inyo, hindi maganda ang sama ng loob na nagtatagal,"

"Opo, 'Nay,"

"Tawagin mo na ang Tatay mo at si Lisztian. Kakain na tayo,"

Tumayo ako at pumasok sa sala. Alam kong nakatingin sa akin si Lisztian. Ramdam na ramdam ko. Agad akong tumabi kay Tatay para safe. Nanonood siya pelikula ni Lito Lapid sa cable. "Tatay, lumang- luma na iyan e. Tingnan nyo, ang labo- labo na po, o,"

"Bakit ba pati pinapanood ko ay pinapakialaman mo, Daniela? Tsaka mas okay pa nga ang palabas noong araw. E ngayon, anong ipinapalabas? Si Edward Kaleng?"

"Cullen po 'Tay. Kayo ha? Kilala n'yo si Edward! Ang panget kaya nun!"

"Nakita ko lang minsan 'yan sa cable. Hindi ko pinanood yon!" Natawa ako sa pagiging defensive ni Tatay.

"Tatay, may bago na po akong crush," sabi ko.

Napataas ang kilay niya sa akin. "Ipagpapalit mo na si Lisztian?"

"Opo, 'Tay," desidido kong sabi. Dinig kong nahigit ni Lisztian ang hininga niya. Wala akong pakialam sa kanya.

"Aba, mabuti naman at natauhan ka na. Mabawi na ang pera ko sa account nyo na gagamitin sa kasal ninyo,"

"Opo, 'Tay. Super pogi siya at mayaman. Kapatid ng prinsipe," excited kong kwento.

"Ano?" Kunot noong tanong ni Tatay.

Inilabas ko ang celfone ko at ipinakita sa kanya ang litrato ng isang lalaki. "Tatay, iyan po si Bash. Mabait po iyan. Kahit na po bastardo siya ng hari, magaling siya,"

"Hindi kita maintindihan, Daniela. Saan mo na nakilala ang lalaking iyan?"

"Sa TV po," agad kong sagot.

Kinutusan ako ni Tatay. "E pinaglololoko mo pala ako e!"

"Aray, 'Tay!" Natatawang hinimas ko ang nasaktang ulo.

"Ano ba, 'Nato? Kakain na. Patayin mo na nga iyang TV na iyan! Maghapon ka ng nakatunganga dyan! Hindi pa ba namumuti ang mga mata mo?!" Dinig namin ang malakas na talak ni Nanay mula sa kusina.

"Tara na, 'Tay. Magagalit ang Mafia Boss," humahagikgik na sabi ko. Tumayo na kami at nagtungo sa kusina. Nilingon ko si Lisztian. "Kakain na,"

Nakita kong ngumiti siya at sumunod sa amin.

Childhood Sweethearts (A True Love Story) [On- Hiatus]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon