Chapter 2

143 4 0
                                    

Present Time

Danny POV

"Sabihin mo sa kanya," payo ni Jason sa akin. Tiga- Marketing Department siya. At ang pinaka- close friend ko office. Magkaharap kami ngayon sa cafeteria, nagbe- breaktime.

"Natatakot ako. Baka magalit siya. Tsaka wala naman akong intensyong masama. Hindi ini- expect na mangyayari ito," tinusok ko ang pancake na nasa harap ko pero hindi iyon kinain.

"Magagalit talaga 'yun. Ang tagal naman na kasi Danny. Biruin mo, last year pa!"

"I didnt know na hahantong dito! Akala ko talaga, friends lang,"

"Friends? Danny, from what I heard from you, nung una kayong magkita, sinabi na niya na may feelings pa rin siya. Ano bang hindi mo alam? Super friend, indenial ka!"

Nagu- guilty ako. Pakiramdam ko kasi niloloko ko si Lisztian. Last October, habang nasa bookstore, I bumped into an acquiantance. Si Greg, kaklase ko siya nung highschool. Niligawan niya ako noon. Pero hindi ko siya pinansin, kasi kay Gene at Lisztian lang ang atensyon ko.

Tinanong niya ako kung anong ginagawa ko doon. Sabi ko sa kanya, hinihintay ko si Lisztian kasi date night namin. Nasa Davao ang fiancee ko dahil may tinatayong condo ang company nila doon. Every weekend, umuuwi siya sa Manila para magkita kami.

Inalok akong magcoffee ni Greg, para daw makipag- catch up. Habang hindi pa raw dumarating si Lisztian. Greg was a good friend in highschool, so syempre pumayag ako. Nagkwentuhan kami. Nurse na siya. Kauuwi niya lang galing Italy kasi doon siya nagtrabaho. And he's planning to stay na for good. Nang magtext si Lisztian na dumating na siya, nagpalitan kami ng celphone number to keep in touch. Inihatid pa nga niya ako kung saan nandoon si Lisztian. Niyakap niya ako bago umalis. Nakita iyon ng fiancee ko at hindi niya nagustuhan. Nagpaliwanag ako, pero ang sabi niya lang, layuan ko raw si Greg. Nag- away kami kasi gumana na naman ang pagkaseloso niya. Ikakasal na kami for Pete's sake! Pagkatapos noon, hindi na namin pinag- usapan ang nangyari. Pinagpasyahan nalang naming kumain at saka umuwi dahil nasira na ang gabi namin.

Ngsimula kaming magtext- text ni Greg. Noong una, okay naman. Pero, tumino sa utak ko yung message niya na "You've turned into a nice lady, Danny. And its good. Akala ko, nakamoved on na ako sa'yo. Pero hindi pa e. Alam mo ba na ikaw ang first love ko?" Hindi ko alam kung anong mararamdaman ko. Pero ginawa ko ang tama, I turned him down. Mahal ko si Lisztian. Ikakasal

na kami. Pero naging persistent si Greg, nitong nakaraan, pinuntahan pa niya ako sa office. Wala daw siyang pakialam kahit maging other man siya. Napanganga ako. What? Hindi ko maintindihan. Hindi ako maganda, wala akong maipagmamalaki. Bakit ako?

"Okay, sasabihin ko na. Natatakot ako superfriend,"

"Wala tayong magagawa. Andyan na yan. Aminin mo man o hindi, may fault ka din. In- entertain mo e,"

After a few hours..

Date night namin. Friday. Sa dating gawi kami. Sa favorite restaurant namin sa may baywalk. Hindi ko alam kung nararamdaman ni Lisztian na balisa ako. Hindi kasi siya nagsasalita. Usually kasi, nagku- kwentuhan kami ng kung anu- ano sa kotse pa lang. Pero iba itong gabi na ito. Panaka- naka siyang nagtatanong tungkol sa wedding preparations, sinasagot ko naman siya. Pagkatapos nun, tahimik ulit. Nang nai-serve ang pagkain namin, nagsalita ako.

"Lisztian, I have to tell you something," mahinang saad ko. Nakita kong natigilan siya. Dahan- dahan siyang tumingin sa akin at inilapag ang kubyertos na hawak.

Pinunasan niya ang bibig. "Okay. Pagkatapos mo, ako rin may sasabihin,"

Kahit na nagtataka, ipinagsawalang bahala ko muna iyon. Kailangan kong sabihin sa kanya ang nangyari. Ilang gabi na rin akong hindi pinapatulog ng konsensya ko. Sinimulan ko ang pagkukumpisal ko. Lahat sinabi ko, wala akong itinira. All the time, nakatingin lang siya sa akin. Wala akong expression na mabasa sa mukha nia. Titig na titig siya sa akin.

Nang matapos ako, nagsalita siya. "Tapos ka na?"

"G- Galit ka ba?" Natatakot ako. Mahal ko si Lisztian. Tatanggapin ko kung magagalit siya sa akin. Kasalanan ko naman.

"May sasabihin rin ako. Promise me, makikinig ka sa akin ng mabuti, okay? Na hahayaan mo muna akong magpaliwanag," seryosong sabi niya habang titig na titig sa akin.

Kinabahan ako. Kakaiba ang nararamdaman ko. Kung anu- anong senaryo ang tumatakbo sa isip ko pero pilit kong pinakalma ang sarili ko. "O- Okay?"

Bumuntong hininga siya bago nagsimula. Noong una'y nakaka- catch up ako sa mga sinasabi niya pero ng lumaon ay naguluhan na ako. Hanggang sa hindi ko na makaya pa ang mga sinasabi niya. Para akong nabingi. Halos wala na akong mahagilap na salita. Wala ng pumapasok sa akin. Wala na akong maintidihan dahil ang patuloy lang na umaalingawngaw sa utak ko ay ang mga salitang: DAVAO. BEER. INUMAN. HILO. BLACK OUT. CAMILLE. BUNTIS. Pinakamatindi ang huling salita. Parang binuhasan ako ng malamig na tubig. Dinig na dinig ko ang pagkabasag ng puso ko sa milyong- milyong piraso, kung posible man iyon. Para akong sinasaksak ng libo- libong kutsilyo sa dibdib. Nanginginig ang buo kong katawan.

"Pero believe me, hindi -"

"Ilang buwan?" Mahinang tanong ko. Hindi ko alam kung saan ko kinuha ang lakas para itanong iyon.

"Irog, please. Pakinggan -" pilit niyang hinawakan ang kamay ko pero winaksi ko iyon.

"Ilang buwan?" Gigil na inulit ko ulit ang tanong ko. Gusto kong magwala. Gusto kong manakit.

Nasapo niya ang ulo. Narinig ko siyang humikbi ng mahina. "T- Tatlo,"

Tatlo. Umalingawngaw ang katagang iyon sa tenga ko. Tatlong buwan? Then it hit me. In seven months, he will be a father to a child that's not mine.

Wala na. Umalpas na ang luhang kanina ko pa pinipigil. Nag- uunahang pumatak sa pisngi ko. Unti- unting nabasag ang mga pangarap na meron ako kasama siya. Hindi ko na kinaya, tumayo ako. Alerto siya, agad na hinawakan ang braso ko. "Irog, let me explain,"

Marahas kong pinalis ang braso niya. Pero hindi siya tuminag. "Let go of me. Wala kang dapat ipaliwanag,"

"You promise me na makikinig ka sa akin!" Tumaas ang boses niya. Bakas ang kadesperaduhan. Napatingin sa amin ang iba pang kumakain.

"What I heard is enough, Lisztian. Niloko mo ako," hinatak kong muli ang braso ko. This time, bumitaw siya. Isa- isa kong hinubad ang couple ring at engagement ring na ibinigay niya sa akin at ibinato iyon sa mukha niya. "Mamatay ka na!"

Tumakbo ako palabas ng restaurant, pero maagap si Lisztian. Inabutan niya ako sa labas. "Irog, -"

"T*** ina, Lisztian! Paano mo ginawa ito sakin?! Dahil ba hindi ko maibigay sa iyo, hinanap mo sa iba?! Are you that horny na hindi ka na makahintay hanggang sa maikasal tayo?!" Bulyaw ko sa kanya. Hindi ko na itinago ang sakit at galit na nararamdaman ko. I felt betrayed.

"Hindi ko naman sinasadya. Hindi ko alam ang nangyari!" Pilit niyang paliwanag.

"Hindi mo alam? That's bullshit!"

"Mahal na mahal kita, Danny," sabi ni Lisztian at pilit akong niyayakap.

Itinulak ko siya. "Mahal? Lecheng pagmamahal yan! Ganyan na ba yan ngayon? Gaguhan?!" Pumara ako ng taxi.

"Danny, mahal kita," umiiyak na siya. Pilit pa rin niya akong hinahawakan. "Huwag mo kong iwan,"

"Ang kapal ng mukha mo! Wag mo akong hawakan! Nandidiri ako sa iyo!" Humihingal na sabi ko.

Lumuhod siya at niyakap ang mga binti ko. "Danny, don't do this to me," humahagulgol na pakiusap niya.

"Pinapalaya na kita, Lisztian,"

"NO! Please, Danny, no. Wag mo namang gawin sa akin ito, oh. Mahal na mahal kita,"

"Winasak mo ako. Wala na. Kaya simula ngayon, ayoko ng makita iyang pagmumukha mo. Wag ka ng pupunta sa bahay namin. Wag mo akong lalapitan at hahawakan man. Tapos na tayo, Lisztian. Minahal kita. Ngayon, mas mamahalin ko na ang sarili ko. Goodbye," marahas kong inalis siya mula sa pagkakayap sa mga binti ko.

"Danny, please! Patawarin mo ako! Please! Mahal kita! Parang awa mo na, dont leave me," pilit pa rin niya ang hinabol.

"Goodbye, Lisztian. Huli na ito," iyon lang at sumakay na ako ng taxi. Pilit niyang binubuksan ang pinto ng sasakyan pero ini- lock ko iyon. Sinabi ko ang destinasyon sa driver at umalis na kami. Habang daan ay ibinuhos ko ang mga luha ko.

Childhood Sweethearts (A True Love Story) [On- Hiatus]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon