Daniela POV
Malalim na ang gabi pero hindi pa rin ako makatulog. Lahat na yata ng posisyon naikot ko na, dalawin lang ako ng antok. Pero wala pa rin. Hina- hunting pa rin ako ng mga alaala ni Lisztian. Lahat ng nasa kwarto, sinisigaw ang pangalan niya. Yung glow in the darks na ikinabit niya sa kisame years ago, yung ini-regalo niya sa aking bedsheet, kumot at pillow cases tsaka mga stuffed toys na Tazmanian Devil. Pictures naming dalawa na nakadisplay, yung letter jacket niya na nakasabit parin sa loob ng closet ko. Mga spare clothes niya sa drawer ko kapag dito siya natutulog. Everything screams Lisztian. At naiinis na ako. Miss na miss ko na siya. Bakit ba niya nagawa sa akin yun? Tumulo na naman ang mga luha ko. Minahal ko siya. Siya lang e, pero bakit ganun? May nagawa ba akong napakasama para magkaganito ako?
Bumangon ako at binuksan ang laptop ko. Picture na naman niya ang bumungad sa akin. Hindi ko pinansin iyon. Naglog- in agad ako sa Skype. Alam kong online ang taong gustong kausapin ngayon. Tama nga ako. Click ko agad ang video call.
"Hey, baby sis," masayang bungad sa akin ni Ate Issa. Siya ang pinakaclose ko sa lahat ng kapatid ko. Siguro kasi, kami ang magkasunod at huling natira sa bahay ng umalis ang iba kong mga kapatid.
"H-Hey. I miss you," I choked up. I need my sister right now.
Kumunot ang noo niya at pinakatitigan ako. "What's up? You looked miserable,"
Umiling ako. Naiyak na akong tuluyan.
"Nag- away ba kayo ni Nanay? Pinagalitan ka ni Tatay?"
Umiling muli ako.
"Oh, e bakit ganyan ang mukha mo?"
Hindi ako sumagot. Sandaling namayani ang katahimikan sa pagitan namin. "Si Lisztian ba?"
Tumango ako at pinilit na huwag humagulgol. Ayokong magising sina Nanay. Magtatanong at magtatanong yun, panigurado.
"Tell me. Lahat, wala kang ititira," seryosong sabi niya. Alam niyang malaki ang problema ko kapag umiyak na ako. Hindi kasi ako yung taong iyakin. Pwera nalang kung talagang sobrang nasaktan ako.
Inilahad ko ang mga pangyayari. Walang mintis. Kasama ang panaka- nakang paghikbi at pagsinghot ko. Pati sakit, galit, panghihinayang, lahat ng emosyong nararamdaman ko, ibinuhos ko kay Ate Issa. Kung paano ko kinimkim at sinarili lahat ng sakit. Kung paano nadurog lahat ng pangarap ko kasama ang taong mahal ko, kung paano ako namamatay unti- unti. Parang isang malaking blackhole si Lisztian na kung saan, hinihigop niya lahat ng kung anong meron ako. Wala siya itinira. Kaluluwa, pagkatao, lahat. Nanunuot sa kalamnam ko ang lahat ng pagdurusa. Na parang libu- libong kutsilyong itinatarak ng dahan- dahan sa akin puso. Hindi ko alam kung gaano kami katagal nag- uusap ni Ate Issa. Hindi ko nga rin napansin na pati siya ay umiiyak na rin. Nararamdaman kong gusto niya akong yakapin at aluin, pero nakapaimposible para sa amin iyon.
Nang pareho kami kalmado na, nagsalita siya. "Magfile ka ng leave. Pumunta ka muna dito sa akin. Kung hindi ka papayagan ng boss mo, magresign ka. Walong taon ka na sa trabaho mo. Siguro naman, papayagan ka niyang i- consume ang mga leave mo na hindi mo ginamit eversince," may finality sa mga salita niya.
Tumango ako. "I'll try. Alam mo naman na crucial ang posisyon ko sa kompanya,"
"Wala akong pakialam. Magresign ka kung kailangan. Susundin mo ako Daniela, sa ayaw at sa gusto mo. Dahil kung hindi, uuwi ako dyan at kakaladkarin kita,"
Tumango ako. "Pwede bang hintayin mo mung masabi ko kina Nanay at Tatay?"
"Bibigyan kita ng panahon para ayusin lahat. Tapos, ibibili kita ng ticket,"
Napabuntong hininga ako. Siguro, ito ang mas tama kong gawin. Kailangan ko ito. Kailangan kong buuin ang sarili ko. Mabubuhay ako, hindi na para kay Lisztian. Gagawin ko ito para sa mga taong nagmamahal sa akin. Tumango ako. "O-Okay,"
BINABASA MO ANG
Childhood Sweethearts (A True Love Story) [On- Hiatus]
RomancePaano ka maniniwala sa 'Happy Ending' kung ang Prinsipe mo ang sumira ng mga pangarap mo?