Nagulat ako nang makita ko si Lisztian. Galit na galit siya at nagwawala. Sinusuntok niya ng paulit- ulit si Gene. Hindi ko maintindihan ang nangyayari pero alam ko na dapat ko na silang awatin.
"Tama na, Lisztian!" Sigaw ko.
"Gago ka! Akala ko ba magkapatid tayo?! Inahas mo ako! Traydor ka!" Patuloy pa rin siya sa pagsuntok. Putok na ang kilay at labi ni Gene pero ang pinagtataka ko ay bakit hindi siya lumalaban.
"Ay! Anong nangyayari dito?! OhEmGee!" Sigaw ni Trina.
Hindi ko siya pinansin. Hinatak ko sa damit si Lisztian, pilit ko siyang inilalayo sa kaibigan niya. Pero walang nangyari, kaya nagdecide akong pagitnaan sila at itulak si Lisztian. "Ano ba?! Sabi kong tama na!" Nang kumalas siya ay dinaluhan ko si Gene. "Okay ka lang?" Tanong ko sa lalaking duguan.
"I-Im fine," bulong ni Gene. Mukhang nahihilo na ito.
"Huwag kang makialam dito, Daniela! Papatayin ko ang tarantadong iyan!" Sigaw ni Lisztian na akmang susugod ulit ng itulak ko siyang muli.
"Ano ba?!" Sigaw ko sa kanya.
Natigilan siya. Pagkatapos ay galit na galit na tiningnan ako. Hinatak niya ako palapit sa kanya. "How dare you?!"
"A-Aray ko! Bitawan mo ako,"
Imbis na bumitaw siya ay mas lalong humigpit ang hawak niya sa akin. "How could you do this to me?!"
"Ano bang sinasabi mo? Let me go!" Pilit akong kumawala sa kanya.
"Bitawan mo siya, asshole!" Pinaghahahampas siya ni Trina.
"Huwag kang makialam dito, babae!" Tinulak niya si Trina papunta kay Gene.
Nanlaki ang mga mata ko. "Lisztian! Ano ba?!"
"Paano mo nagawa ito sa akin? Inalagaan kita, nirespeto. Inilagay kita sa pedestal! Pero tang ina lang! Ang bilis mo namang magmove on! At sa bestfriend ko pa!" Hiyaw niya sa akin, tumutulo ang mga luha.
Naguluhan ako sa narinig ko. Ano bang sinasabi niya? Anong pinagpalit? "Anong sinasabi mo? Anong move on? Anong kinalaman ni Gene dito?"
"Magkakaila ka pa ba, Danny? Huling- huli ko na kayo!"
Ano? Naguguluhan akong tiningnan si Gene na dinadaluhan ni Trina. Doon ko lang napansin na tuwalya lang ang suot niya. Basa ang buhok. Anong nangyayari dito? Pagkatapos ng ilang saglit, nanlaki ang mga mata ko.
"I-It's not what you think, Lisztian,"
"It's not what I think? IT'S NOT WHAT I THINK?! Fuck, Daniela! Huwag mo akong gaguhin!"
Mag-asawang sampal ang dumapo sa pisngi ni Lisztian. Nag-uunahan sa pagpatak ang mga luha ko. Galit na galit ako. Anong karapatan niyang pagsalitaan ako ng ganoon? Wala akong ginagawang masama. Malinis ang kunsensya ko.
Hilam sa luha ang mga mata ko ng titigan ko siya. "Ganyan ba kababa ang tingin mo sa'kin? Na kaya ko agad makalimot?! Na kakalantariin ko kung sino ang pinakamalapit sa akin?! Ang kapal ng mukha mo!" Hiyaw ko sa kanya. Ang sakit- sakit ng puso ko.
Lumanlam ang mata niya. "Danny... Sorry. Nabigla lang naman ako," sinubukan niya akong hawakan.
"Don't touch me!"
"Danny, please naman oh. Hindi ko naman sinadya. Patawarin mo ako, Danny,"
"Hindi por que ginawa mo sa akin ang ganung bagay, gagawa na rin ako ng ganun para gantihan ka. Hindi ako ganun kababa, Lisztian! Akala ko, alam mo iyong bagay na iyon. Pero hindi pala. Nagkamali ako," galit na sabi ko. Kahit ayokong umiyak, hindi ko mapigil ang mga luha ko.
"Danny, hindi naman ganoon iyon,"
"Umalis ka na!"
"Irog ko, patawarin mo na ako,"
"Umalis ka na sabi!" Tinulak ko siya palabas ng pinto.
"Danny, huwag naman ganito. Mahal na mahal kita," umiiyak na ring sabi niya.
Mas lalo akong naiyak. Hanggang kailan ko ba mararamdaman ang sakit? "U-Umalis ka n-na!" Tinulak ko siyang muli. "Alis na! A-Alis..."
"D-Danny.. Huwag mo naman akong itaboy. Mahal na mahal kita. Ikaw ang buhay ko," pakiusap niya.
"P-Please.. Umalis ka na.." Nanghihina akong napaupo sa sahig.
"Danny!" Agad akong dinaluhan ni Trina.
Yumakap ako sa kanya at humahulgol. "P-Paalisin mo na s-siya.. Pa-Paalisin m-mo..!"
"Umalis ka na Lisztian!" Sabi ni Trina sa lalaki.
"No!"
"Umalis ka na. Ayaw kang makita ni Danny,"
"Hindi pwede! Hindi ako aalis! Irog ko, mahal na mahal kita,"
"Lisztian, please. Huwag muna ngayon. Huwag mo munang bigyan ng stress si Danny. Magpalamig muna kayo,"
"But - "
"Please," tigas ang boses ni Trina.
Napasabunot siya sa sarili bago tumalikod at sinuntok ang pader. Malakas iyon. Mabilis siyang lumabas. Hindi ko naman maiwasang huwag tingnan ang pader kung saan dumapo ang kamao ni Lisztian. May dugo iyon, lalo ako naiyak.
"T-Trina... S-Si Li-Lisztian..."
"Umalis na siya, bessie,"
"Na-Nasaktan ang k-kamay niya. K-Kailangan niya ako. Walang gagamot ng sugat niya..,"
"Danny... Tama na,"
"Trina please, kailangan nya ko," pilit akong kumawala sa pagkakahawak niya.
"Danny..."
"Please! Kailangan n-" biglang namanhid ang pisngi ko. Gulat akong napatingin kay Trina. Naluha na rin siya. Napahawak ako sa sinampal niyang parte ng mukha ko.
"Tama na please.. Huwag mong gawin sa sarili mo ito," niyakap niya ako ng mahigpit.
Napahagulgol ako. "Gusto ko nang mamatay!" Hiyaw ko. "Ang sakit - sakit na!"
"Sshh.. Tama na, Danny. Tama na, please?"
"Ayoko na... Napapagod na ako!" Nagpapapadyak ako na parang bata. Wala na akong pakialam sa sasabihin nila. Hindi ko na talaga kaya. Umiyak ako ng parang wala nang bukas. Naghalo na ang sipon, luha at pawis ko, pero wala pa rin akong pakialam. Patagilid akong napahiga sa sahig habang patuloy na naiyak. Bakit ba hindi pa matapos ang lahat?
"DANNY!" Narinig kong tinawag nila ako pero hindi na ako nakasagot dahil unti-unti nang nagdilim ang paligid.
A/N: As promised MrsHemmingStyles, this chapter is for you!
Hart,
MJesseCC.
BINABASA MO ANG
Childhood Sweethearts (A True Love Story) [On- Hiatus]
RomansaPaano ka maniniwala sa 'Happy Ending' kung ang Prinsipe mo ang sumira ng mga pangarap mo?