Hindi ako pumasok kinabukasan. I called in sick. Totoo naman kasi. I felt sick. Parang unti-unting hinihiwa ang puso ko. Yung tipong dahan-dahan para maramdaman ko lalo yung sakit. Maghapon akong nagkulong sa kwarto. Puro kape lang ang iniinom ko dahil wala akong ganang kumain. Hindi ako umuwi sa bahay namin kagabi. Dumiretso ako sa condo ni Ate Elle sa Taguig. Para hindi mag-alala si Nanay, nagtext ako sa kanya na hindi ako makakauwi at naroroon ako sa BGC. Nagpromise naman ako sa kanya na uuwi ako mamayang gabi. Tumayo ako sa kama at pumasok sa banyo. Pinagmasdan kong mabuti ang itsura ko sa salamin. Magang- maga ang mata ko, ilong at labi. Napabuntong hininga ako. Magtatanong at magtatanong si Nanay kung makikita niya akong ganito. Pero dapat pa rin nilang malaman ni Tatay ang nangyari sa amin ni Lisztian. Ayoko silang iwan sa dilim. Alam kong marami nang tanong si Nanay at hinihintay lamang niya akong magsalita. Malamang nagsabi na rin siya kay Tatay. Napabuntong hininga muli ako. Lumabas ako sa banyo at dumiretso sa kusina. Binuksan ko ang ref at kumuha ng pipino. Sabi ni Hannah, maganda raw ito sa namamagang mata, humiwa ako ng apat na piraso nang mahagip ko ang pamilyar na tupperware sa mesa. Lalagyan ng pagkain ng taong ayaw ko nang maalala. Marahas kong hinablot ang container at tinapon sa trashbin. Bumuntong hininga ako. Maraming beses ko iyon ginagawa nitong araw pero hindi ko mapigilan ang sarili ko. Tinitigan ko ang container. Matagal. Nag-init na naman ang mata ko, tumingala ako para pigilan ang luha. Alam kong para na naman akong tanga, pero pinulot ko ulit yung container sa basurahan. Niyakap ko iyon at tuluyan na akong napaiyak. Nagmahal lang naman ako, wala naman akong niloko o sinirang pamilya. Ginagawa ko naman ng maayos ang trabaho ko, hindi lang ako nagbibigay sa mga charity at mga namamalimos, sumali pa ako sa NGOs na tumutulong dito. Oo nga, minsan nakakasagot ako kay Nanay at Tatay pati na rin sa mga kapatid ko pero hindi naman sapat iyon para mangyari sa akin ito, bakit ako pa? Matagal akong nakatayo sa harap ng trashbin at umiiyak nang marinig ko ang doorbell. Paulit- ulit iyon na parang nagmamadali. Huminga ako ng malalim at inayos ng kaunti ang sarili ko. Nanalangin ako na hindi si Nanay iyon. Sumilip ako sa peephole, kitang kita kong hinampas ni Trina sa braso si Gene.
Bumuntong hininga ako bago binuksan ang pinto."Sinusundan mo ba ako?" Kunut- noong tanong ni Gene sa kaibigan ko.
"Hooyyy... Ang kapal din ng mukha mo eh 'no? Bakit naman kita susundan? Ano ako? Stalker mo?"
"Bakit? Hindi ba?" Ngumisi siya kay Trina.
"Aba't -?! Ang kapal mo talaga!" Akmang hahampasin ulit ni Trina ang lalaki nang mapansin niya ako. "Danny? Oh my god!"
Mukhang hindi lang ako ang nagulantang sa itsura ko.
"H-Hey.."Napalingon si Gene sa akin at lumamlam ang mata. "Are you okay?"
I tried to smile pero it turned to a grimace then I shook my head. Doon na tuluyang nalaglag ang mga luha ko. Hinatak ako palapit ni Gene at niyakap ako. "Sshh.. Tahan na,"
"Tang- ina talaga," narinig kong bulong ni Gene bago niyakap na mas mahigpit. Napahagulgol ako lalo.
Hindi ko alam kung paano kami nakarating sa loob ng unit pero natagpuan ko nalang na nasa kusina na pala kami ng abutan ako ni Trina ng tubig.
"T-thanks," sisigok- sigok kong sabi.
"'Teh, tama na iyan. Huwag mo nang pahirapan ang sarili mo," naluluha na ring hinawakan ni Trina ang balikat ko.
Huminga ako ng malalim. "W-What are you g-guys doing h-here?"
Nagkatinginan silang dalawa. Gene cleared his throat. "Uhm.. I went to your office, sabi ni Hannah, may sakit ka daw. Tapos, nagbakasakali ako sa bahay n'yo. I saw Trina there,"
"Nagpunta din ako sa office n'yo. Sabi nung guard, hindi ka daw pumasok. Hindi ka raw nag- time in. Pumunta ako sa bahay n'yo. Nanay is worried. I told her, na may lakad tayo, tapos nagkasalisi," turan naman ng bestfriend ko.
BINABASA MO ANG
Childhood Sweethearts (A True Love Story) [On- Hiatus]
RomancePaano ka maniniwala sa 'Happy Ending' kung ang Prinsipe mo ang sumira ng mga pangarap mo?