Chapter 7

78 1 0
                                    

"Danny, sure ka na ba?" Tanong ni Gene. Nakaupo ako sa backseat ng kotse ko. Siya ang nagda-drive. Nasa passenger seat naman si Trina. Isang oras pagkatapos tawagan ng bestfriend ko si Gene, dumating ang lalaki. Ayon dito, kasama niya si Lisztian at ang babaeng nagngangalang Camille, yung 'babae', noong tumawag si Trina. Agad din niyang sinabi kay Lisztian ang plano ko. Noong una ay ayaw pumayag nito, pero dahil galit na galit si Trina, at nagdedemand na iyon ang gusto ko, pumayag ito. Pinuntahan kami ni Gene, ay nagpresintang magdrive.

"Bakit ba paulit- ulit ka, Gene? Kailangan ito ni Danny, para matapos na!" Singhal ni Trina. Hindi maikakaila na hindi sila magkasundo ni Gene at lalo na si Lisztian. Pero, she act civilized around them for my sake. But this time, hindi na niya pinigilan ang disgusto niya.

"Ano ba Trina? Bakit ba HB ka? Sagot ka ng sagot dyan!"

"Kung hindi dahil sa kaibigan mo, hinding- hindi iiyak si Danny!"

"Si Lisztian ang awayin mo, huwag ako!"

"Diba kaututang dila mo ang gagong yun? Kaya sa totoo lang, hindi ako naniniwala na hindi mo alam!"

"Wag mo nga akong pagbintangan! Oo, magkaibigan kami, pero hindi ako pari para pagkumpisalan niya lagi!"

"Hooyyy! If i know -"

"Guys, please!" Putol ko sa pag- aaway nila. "Pwede bang wag muna kayong mag- away? Kahit ngayon lang?" Pareho silang hindi nakasagot. Tahimik na kami hanggang sa makarating sa isang condo sa Taguig. "What are we doing here, Gene?" Tanong ko sa kanya ng magpark kami.

Inialis niya ang seatbelt na suot at humarap sa akin. "Nandito sila,"

"Dito? Sa Condo? Kaninong condo ito?" Kunot noong tanong ni Trina.

"Kay Camille," mahinang sagot ni Gene.

"Oh em gee! Bakit siya naandito?! Nagsasama na sila? Siguro matagal na talaga nilang niloloko ang bestfriend ko noh?! Shit, Danny! Ibo- Vhong Navarro ko na talaga iyang si Lisztian!" Galit na talaga ng bestfriend ko.

"Manahimik ka nga dyan Trina! Nasakit na ang tenga ko sa'yo. Tsaka pwede ba, tumigil ka na sa mga imaginations mo? Tamang hinala ka e,"

"Bakit alam ni Lisztian ang unit ng babaeng yon? At kasama ka pa!"

"Sinamahan ko si Lisztian na harapin si Camille! May isa pa kaming kasama na nagturo ng condo niya no,"

"Wag ka nang magpalusot!"

"Guys, guys. Tara na please? Huwag na nating patagalin to," nanginginig na sabi ko.

Malamlam ang matang tumingin sila sa akin saka tumango. Sabay- sabay kaming lumabas sa kotse at tinungo ang unit na pakay namin.

Habang lulan ng elevator, nanlalamig ako. Hindi ko alam kung anong madaratnan namin. Kung makakaya ko bang makita silang dalawa sa iisang kwarto. Kung kaya ko ba silang harapin.

"Danny, okay ka lang?" Si Gene ang nagtanong.

"Pwede pa tayong magback out, 'Teh," hinawakan ni Trina ang kamay ko. "Nanlalamig ka,"

Huminga ako ng malalim. "I'm fine. Basta, dito lang kayo,"

"Hindi ka namin iiwan, Danny,"

Naglakad kami sa hallway papunta sa unit sa bandang dulo. Gene buzzed. After a minute, bumukas ang pinto at bumungad ang isang babae. Isang magandang babae. Matangkad siya, maputi, matangos ang ilong at malalantik ang mga pilik. May naramdaman akong panibugho. Pero pinili kong maging kalmado.

"I assume, you are Daniela?" Mataray na tanong niya sa akin. Marahan akong tumango. She smirked at me. "I'm Camille Drew. Come inside,"

Pumasok kami, nakita naming natakayo si Lisztian sa gitna ng living room, agad siyang napalingon ng maramdaman niyang dumating na kami.

"T*** ina ka!" Agad na sinugod siya ni Trina at sinuntok ang ilong. Natumba si Lisztian sa sofa at kitang- kita kong umagos ang dugo mula doon.

"Trina!" Nagulat ako.

"God, woman!" Dali- dali namang inawat ni Gene ang bestfriend ko.

"Bitch!" Isang malakas na sampal ang ibinigay ni Camille kay Trina. "How dare you hurt my man!"

Natulala ako. Man? 'Her' man? I swallowed the lump in my throat.

"Your man? E kung hindi ka pala talaga saksakan ng landi? Ikakasal na iyang gagong yan kay Danny! Ang kapal ng mga mukha ninyo!"

"Tama na Trina!" Si Gene ay patuloy ba inaawat ang bestfriend ko.

"Please guys. Can we talk like, right now? Para matapos na?" Mahinang sabi ko sa kanila. Hindi ko na kasi kinakaya ang sitwasyon namin.

"Argh!" Hinarap ni Trina si Gene and kicked his shin.

"F***!" Napaupo si Gene sa sofa at hinimas ang nasaktang lunod. "What's that for?!"

"That's fo that slut! Dahil buntis siya, hindi ko siya pwedeng saktan. Ikaw, Gene, ang magiging weeping man niya,"

"What?!" Shock na tanong ni Gene.

"Hey, hey, bitch! My place, my rules!" Singhal ni Camille kay Trina.

Sumimangot si Trina pero hindi na sumagot.

"Sit down," utos ni Camille.

Sumunod ako at umupo sa sofa. Pinagitnaan ako nina Trina at Gene. Umalis si Camille ngunit sandali lang dahil bumalik ulit ito may dalang tuwalya, palangganitang may tubig at ice pack. Tumabi ito kay Lisztian at sinubukang linisin ang dumudugong ilong ng lalaki. Key word: sinubukan, kasi umiwas si Lisztian pero kinuha nito ang tuwalya at ice pack. Sumimangot ang babae.

Matagal na namayani ang katahimikan. Kahit kasi ako, hindi ko rin alam kung paano sisimulan ang lahat. Halu- halo ang nararamdaman ko. Napakurap ako ng biglang magsalita ang babae. "If your main objective of coming here is to persuade me in killing 'our' baby, then you better go home. Papakasalan ako ni Lisztian," matapang na sabi ni Camille.

Kasal? Nanlamig ako.

"Shit ka!" Sigaw ni Trina. Hinawakan ko ang kamay niya.

"At ano ang gusto niyo? Magkakaanak na kami!" Tumayo ang babae kaya napatingin ako sa kanyang baby bump.

Napabuntong hininga ako. Ayokong umiyak.

"Walang kasalang mangyayari sa ating dalawa Camille," matigas na sabi ni Lisztian.

"What?!" Hindi makapaniwalang saad ng babae.

"Hindi ko ginusto 'yan. Wala akong dapat panagutan,"

"This is your baby, for crying out loud!"

"How can you prove that?! You've been sleeping around!" Tumaas na rin ang boses ni Lisztian. Sumasakit na ang ulo at lalamunan ko sa pagpipigil ng mga luha ko.

"Okay ka lang, Danny?" Bulong ni Gene sa akin. Umiling ako.

"F**ck you!" Narinig naming minura ni Camille si Lisztian.

"You already did," sarcastic na sabi nito sa kanya.

"Walang hiya ka!" Isang malakas na sampal ang pinakawalan nito. "Sana hindi mo ako pinakialaman!"

Sa mga salitang iyon, muling nadurog ang puso ko. Napakagat ako sa labi ko. Oo nga, sabi ko sa sarili ko. Hindi niya dapat pinakialaman si Camille. Kailangan kong gawin ang tama kahit masakit.

"You drugged me!"

"That's not true!"

"He will marry you, Camille," bigla kong sabi. Napatingin silang lahat sa akin. Ang mga ekspresyon nila ay pare- pareho. Na parang bang iniisip nilang nasisiraan na ako ng bait.

Siguro nga.

Childhood Sweethearts (A True Love Story) [On- Hiatus]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon