Chapter 6

96 2 0
                                    

Sabado ngayon. Wala akong pasok sa opisina, kaya nagpasya akong igala si Havoc, yung Siberian Husky na bigay regalo sa akin ni Lisztian. Sa lahat ng regalo niya akin, si Havoc ang pinakamahal ko. Para ko na siyang anak. Gray and white ang kulay niya at may full devil mask na lalo pang nakapagpa- enhance sa itsura nitong parang wolf. Mahal na mahal rin siya ni Nanay. Nakakatawa nga minsan na nag- aaway sila ni Tatay dahil namintis lang ang pagkain ni Havoc. Baby siya sa bahay namin.

Suot ang sweat shirt, track pants at running shoes. Sumabak kami ni Havoc sa maagang jogging. Manaka- naka, humihinto kami dahil nariyan ang aso ko iniihian ang mga posteng dinaraanan namin. Sabi ng Vet niya, natural daw iyon, kasi yun ang way ng mga aso sa pagse- set ng boundaries. Huminto kami sa may club house, pumasok ako kami sa loob ng tennis court at isinara ang gate. Dahil may mataas bakod iyon, pwede kong pakawalan si Havoc para makapaglaro. Dali- dali kong inalis ang leash niya at sinimulang makipaghabulan sa aso ko. Dahil may pagkapikon si Havoc, tinatahulan niya ako kapag naiisahan ko siya. Masaya ako dahil kahit papaano ay hindi ko masyadong naaalala ang mga hinanakit ko. Nang mapagod ako ay inilabas ko ang bola ng tennis na baon namin. Inihagis ko iyon kay Havoc at hinayaan muna siyang maglaro. Umupo ako sa bench sa hindi kayaluan at kinuha ang bottled water na dala ko at nilagok ang laman niyon. Inilabas ko rin ang pet water bottle ng aso ko. "Havoc, come here, baby!" Tawag ko sa kanya. Dali- dali naman siyang tumakbo palapit sa akin ng marinig ang pangalan niya at nilundag ako. "Easyyy!!!" Tatawa- tawang awat ko sa kanya habang pinupuno ng laway ang mukha ko. "Sino ang baby ko, ha? Sino ang baby ni mommy? Si Havoc ang baby ni mommy! Baby pa yan diba? Baby ko yan e," kinakausap ko siya na parang bata habang umiinom. Natutuwa ako everytime na kakahol siya na parang sumasagot sa mga tanong ko. "Love yan ni mommy! Love ni mommy si Havoc!" I cooed. Nagulat ako ng biglang tumindig si Havoc at tumakbo. "Havoc!" Tawag ko sa kanya, dali- dali ko siyang sinundan at baka makahanap siya ng lulusutan ay makawala. Mahirap pa namang maghabol ng asong napakatulin tumakbo. Ngunit kumunot ang noo ko ng huminto si Havoc sa harap ng isa ring syberian. Kilala ko ang asong iyon. "Peace?" Lumingon sa akin ang aso at kumawag ang buntot. Si Peace ang girlfriend ni Havoc. Kinabahan ako. Kung andito si Peace, malamang narito rin ang amo nito.

Hihilahin ko na sana palayo si Havoc ng marinig kong magsalita si Lisztian. "Ngayon na nga lang ulit nagkita ang lovers, pipigilan mo pa?" Napalingon ako sa likuran ko. Hindi ko alam kung saan siya dumaan pero wala akong pakialam. Gusto ko ng umalis kaya pilit kong hinila si Havoc. Pero ang siste, ayaw magpatinag ng aso. Patuloy lang sa pagdila at pag- amoy sa nobya niya. "Danny, Irog," tawag niya.

Napabuntong hininga ako. "Ano ba, Lisztian?"

"Pakinggan mo naman ako, please," narinig ko na naman ang pagsusumamo sa boses niya. Nag- iwas ako ng tingin. Hindi ko kasi matagalan na itsura nya. If I looked miserable like what my friends said, Lisztian looked worst. Pumayat siya, maitim ang mga eyebags, halatang ilang araw nang hindi nag- aahit, malamlam at malulungkot ang mga mata. Gustong- gusto kong yakapin siya at hagkan. Sabihing mahal na mahal ko siya, pero nag-uumapaw rin ang sakit na nararamdaman ko.

Huminga ako ng malalim at tumingin sa mga mata niya. "Mag- usap tayo," hindi ko alam kung bakit ko sinabi iyon. Siguro para bigyan siya ng tsansang ipagtanggol ang sarili niya, siguro gusto kong maliwanagan, siguro dahil nandoon parin sa kaloob- looban ko ang paniniwalang mahal niya ako. Ewan ko. Hindi ko alam. Hindi ako siguro. Isa lang kasi ang isinisigaw ng pagkatao ko. 'Kailangan ko ito.'

Umupo kami sa bench. Tahimik kami pareho habang nakatanaw kina Havoc at Peace na naglalaro. "Mahal na mahal kita, Danny," mahinang sabi niya pero dinig na dinig ko iyon. Kasabay ng paglundag ng puso ko ang pagguhit ng sakit ng pagkakamaling ginawa niya.

"Then why?" Tanong ko pero hindi ko siya tiningnan.

"I was drugged," napanganga ako at mabilis siyang nilingon.

Childhood Sweethearts (A True Love Story) [On- Hiatus]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon