[3] Downpour of Distress

45 1 0
                                    

Malapit na mag 3 AM.

Pero katulad ng naka-gawian ko, ganitong oras na pero kahit 0.01% ng antok ay hindi pa ako nakakaramdam.

Uminom nalang akong muli, "Cloud... Sorry." Tumingin sya sa akin bigla.

Pati ba naman aso ay nagulat sa sorry ko?

Ako yung tipong kahit ano pang nagawa ko sa'yo ay hindi mo maririnig sa akin ang salitang yan.

Kadalasan naman ay wala akong pakielam sa ibang tao at bagay.

Si Rain lang naman ang kaisa-isang nasa mundo na gusto kong pakielaman eh.

"Di ka nanaman makatulog ng maayos dahil ang ingay ko nanaman. Hayaan mo, makakaraos din tayo." Sabi ko.

"Tapos nagpasukan na. Halos gabi-gabi rin akong umiyak. Hindi ako nakakatulog kapag hindi namumugto ang mata ko eh." Sabi ko bilang pagpapatuloy sa naudlot kong kwento.

"Tapos nung pasukan na. Hindi ko siya magawang tignan ng sobrang tagal. Nasasaktan pa din ako kapag nakikita ko siya. Pero wala naman akong nagawa nun, Cloud. Kailangan kong magsakripisyong hindi siya tignan para di ako masaktan. Kahit pa wala akong ibang ginusto kundi titigan lang siya, at pagmasdan ang mukha niyang para sakin iyon na ang pinaka maganda."

"Kapag nakikita kong malapit na siyang dumaan sa akin, tatakbo na ako at magtatago na sa kung saan. Pagmamasdan siya mula sa malayo. Sa ganong paraan ako nabuhay nung mga oras na yun."

Uminom ako, "May nakita pa nga ako isang beses nun eh. May lalaking nag-aabang sa labas ng classroom nila. Hindi pa kasi uwian noon. Pero ayoko na sa classroom namin kaya't lumabas na ako. Kasama ko ang ilan sa mga barkada ko. Nung nakita ko yung lalaki na yun, kinutuban na talaga ako. Kaya't mula sa malayong kinatatayuan ko, ay pinanood ko yung lalaking yun. Hindi naman siya gwapo, sa totoo lang ay mas maitim pa siya kaysa sa bulok na mansanas. Mula noon ay pinangalan ko na syang 'Kamagong.' Dahil iyon ang kakulay niya. At, tama nga ang kutob ko. Hindi nagtagal ay lumabas na si Rain ng classroom nila at sinalubong ang lalaki ng may malaking ngiti sakanyang labi."

Isa-isang nagsipatakan ang mga luha ko, "Tumalikod ako noon at naglakad papunta sa may gate ng school namin. Kung saan walang tao, dahil hindi pa uwian. Tinakpan ko ang bibig ko habang nakayuko para pigilan ang pag-iyak nung oras na yon. Ngunit di ko magawa. Pilit kumawala ang mga hikbi ko noon. Pilit ko rin naman itong nilabanan. Sinabi pa sa akin ng isang barkada ko, 'Ganyan ka ba kabakla pre? Iiyak ka dito? Sige kung bakla ka, umiyak ka dito. Patunayan mo samin.' Sa narinig kong yun, dun ko na hindi nalabanan ang mga luha ko."

Tatalikuran ko nalang ang lahat ng ito.

Iyan ang sinabi ko sa sarili ko.

"Ilang beses akong nagmakaawa noon sakanya na kunin na sa akin yung scrapbook na regalo ko sakanya. Kasi ba naman, pakiramdam ko iyong nalang yung natitirang dahilan kung bakit hindi matahimik yung kaluluwa ko eh. Kung bakit nasasaktan pa din ako. Iyun kasi yung parang naging simbolo ng kung gaano ko siya kamahal, at patunay na lahat ay makakayanan kong gawin kahit pa yung mga pinakaimposibleng bagay."

Tumawa muna ako, "Lalo pa't alam ko na nung panahon na yun ang tungkol dun sa bago niya. Ayokong binabanggit ang pangalan nun, dahil hanggang sa ngayon ay kumukulo pa rin ang dugo ko sa taong iyon. Itago nalang natin siya sa pangalang 'JB'. Short for Juan Betamax. Dahil Juan ang pangalan niya at kasing itim ng betamax ang budhi niya. Nakakadiri."

Sumubo ako ng dalawang chicharon at habang ngumunguya ay nagsalita ako, "Unti unti ko na din sigurong natanggap. Kaya't unti unti na rin akong nakabangon, sa wakas." Nilunok ko na matapos ang mabusisi kong pag-ngata sa chicharon. At saka pa ako sumubo ng dalawa pa ulit na chicharon.

Sky's TeardropsTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon