This is an interview with Sky Teodosio.
[1] Who are you as a person?
- Syempre, gwapo. Bukod don, ang kahit ano pa tungkol sa akin ay wala ka na don.
[2] Thoughts about Rain Flores.
- Siya... Sa buhay ko ba? Hm, paano ba 'to? Hm.. Hindi ko pa sigurado kung matatawag ko pa din siyang best friend ko. Kahit ex nalang ako para sakanya, sa buhay ko ay never siyang magiging ex. Pero siya yung babaeng pinakamamahal ko. Wag ka na magtanong kung may relasyon kami. Baka ma-pakyu lang kita sa inis. Sa totoo lang, mas gusto ko pa pag tungkol kay Rain ang tanong mong peste ka.
[3] Describe her.
- Kung itatanong niyo sa akin, kung anong itsura niya, o kung ano siya. Ay ganito.. Una sa lahat, si Rain ay isang tao. Hindi siya katulad ni Miho na isang gumiho na nagmula sa painting. O isang alien katulad ni Matteo na binigyan ng isang misyon dito sa mundo. Hindi ko lang sigurado kung may misyon nga si Matteo Do dito sa mundo, ha? Tama lang naman yung tangkad niya kung ikukumpara sa iba, pero para sa akin ay pandak siya. Madami siyang likers sa fb, siguro sapat na yon para matawag siya na peymus? Hindi siya palaging maganda, pero lahat ng oras mahal ko siya. Katulad nga din siguro ako ni Dao Ming Si, simpleng babae lang si San Chai, pero baliw na baliw siya dito. At ganoon ako kay Rain. Pero hindi ko kamukha si Dao Ming Si, ha? Di hamak naman na mas gwapo ako sakanya ng limampung paligo. Siya yung babaeng.. Akalain mo ba namang Sky na nga lang ang pangalan ko ay ginawa pa niyang Kai ang tawag niya sa akin. At siya ang kaisa-isang hindi peste sa buhay ko.
[4] What do you want to say to Rain?
- Hi. Musta? Pogi ko na lalo, no? Ano ba yang mga tanong nito? Wala akong masabi, eh. Text ka nalang pag kailangan mo ako. Buhay pa naman ako eh. Ge, sana maging masaya ka palagi. Mahal na mahal kita hanggang sa kaya ko pa. Yon, ayos na yon.
[5] What do you want to say to yourself?
- Bakit ka ba english ng english sakin? Siguro akala mo hindi ko maiintindihan yung tanong mo. Hah! Noon ka. Ang gwapo mo, Sky! Nakakainis lang. Ok na ba yun?
[6] What do you want to say to the one who's reading this right now?
- Yon! Eto na ang hinihintay ko eh. Shoutout to all my peeps! Binabati ko nga pala lahat ng mga naging kaibigan ko at naging kaklase ko. Ano? Akala niyo wala na akong pag-asa sa buhay? Ha? Buti alam niyo! Hahahahahaha! Ano bang masasabi ko? Well, for all we know, eh gwapo ako. Kaya konting advice lang ng isang gwapong kaibigan, wag kayong masyadong humanga sa kagwapuhan ko at kasexy-han ko kapag nagsasayaw. Baka kasi mainlove kayo sakin eh. Taken na ang puso ko. Yun lang.
----
Title :
Sky's Teardrops
- Sky ang pangalan ng bidang lalaking magkukwento ng karanasan. Rain ang pangalan ng bidang babae na magiging ugat ng lahat ng naging karanasan ni Sky.
- Sky, sa tagalog ay langit. Sky's teardrops, ano ang matatawag natin sa pag-iyak ng langit? Pag-ulan. Ulan, na sa english ay Rain.
- Sky's Teardrops : Rain. Dahil si Rain ang dahilan ng bawat pagpatak ng luha ni Sky. Rain ang matatawag sa pag-iyak ni Sky. Basta iyun na yon.
Chapters :
[1] Dark Skies
- Sa chapter na ito, parang magiging simula pa lang ito ng storya. Bali yung bugso ng damdamin din ay nasa 5-10% pa lang. So, dahil nga simula pa lang ito. Ano ba ang nangyayari pag magsisimula na ang ulan? Dumidilim ang langit. Ibigsabihin warning pa lang siya. Parang first step pa lang muna ito dahil nga sa first chapter ito.
[2] Mist of Ache
- Mist, ang ibigsabihin daw nun sa pagkakaalam ko ay parang wisik-wisik pa lang kung irerefer ko siya sa ulan. Parang shower na mahina. Ache, you know, ache synonyms ng pain, distress, hurt, and many many more. Bali, eto siguro yung tinatawag nating hamog at ambon. Umaabon na ng sakit. Kumbaga, eto mararamdaman mo yung konting kirot sa puso mo. So, as we know, ang hamog at ambon ay parang kapantay lang ng measurement ng tumalsik na laway ng kausap mong madaldal. Hindi pa masyadong nakakabahala. At kung icoconnect ko itong mist na ito sa story ay hanggang 11-25% na ang level ng emotions dito.
[3] Downpour of Distress
- Downpour, umuulan na. Distress, yon, refer to [2]. Umuulan na ng sakit dito. Nasa 26-45% na ang emotion meter.
[4] Pelting Pain
- Pelting, ibigsabihin nun continuous. Tuloy-tuloy na yung pagbuhos ng ulan katulad na din ng emotion. Sa totoong buhay, kapag tuloy-tuloy na yung pag-ulan, inaabangan na nila kung makakagawa ba ito ng chuvaekek para maging isa siyang bagyo. Nasa 46-70% na din ang level ng emotion dito.
[5] Lethal Storm
- Eto na yung last chapter. Siguro nga, yung ibang ulan... Sa tinagal-tagal man nito, ay sa bagyo din ang tuloy. Meaning, binabagyo na ang damdamin ni Sky sa sobrang strong na ng 71-100% na level of emotion. Lethal, synonyms siya ng deadly and such. Nakakamatay in tagalog. Yung iba nga talagang bagyo ay nakakamatay. Isa na siguro sa mga bagyo na yun ay yung naramdaman ni Sky.
Characters :
Kim Jongin as Sky Teodosio - Main/Male. Description for him can be found above. (PS. Not much.)
Han Shunhwa as Rain Flores - Main/Female. Description for her can be found above.
Unknown as Cloud - Shitzu puppy. Owned by his beloved parents, Sky and Rain. But they're not blood related, of course.. Lol. Cloud has been living with Sky for 5 months. Rain gave Cloud to Sky as the last monthsary gift that she gave to him. She followed the name of the dog to Sky. Cloud always serves as the best companion for Sky. Sky always talk to Cloud whenever he's alone and feeling hurt. No, scratch what I've said. He talks to Cloud everytime.
----
Author's note :
Maglalagay ako ng special chapters na nakahanda na, kung maganda ang feedback.
BINABASA MO ANG
Sky's Teardrops
NouvellesSabi ni G. Marcelo Santos III, isang kilalang manunulat, sa kaniyang nobelang Para sa Broken Hearted, "Ang pag-ibig minsan hindi mo makikitang darating pero kapag aalis na, bukas mata mo pang mapagmamasdan." Ito ay kuwento kung paanong ang isang bag...