Napailing ako sabay hithit ko sa sigarilyong kani-kanina ko lamang sinindihan.
Kanina pa akong umiinom mag-isa dito.
Bakit ba kasi walang willing tumambay dito kasama ako? Naliligo naman ako eh. Hay.
Nararamdaman ko na din ang bahagyang pag-ikot ng mga bagay sa paningin ko.
Pero hindi ko pinapansin... Astig eh.
Ilang sandali pa ay nakita kong ubos na ang sigarilyong hinihithit ko lamang kanina, "Tanginang peste! Ubos nanaman?!" Naisigaw ko dahil sa inis, pang-anim na stick ko na yun para sa oras na ito.
Hindi ko matanggap na ubos nanaman siya kaagad. Nakakatamad pa naman magsindi ng panibago. Peste talaga.
At dahil sa sigaw ko, nagising si Cloud na nasa garden ng bahay namin.
Bumangon ito mula sa pagkakahimbing niya at tumingin sa direksyon ko. Saka pa niya ako tinahulan.
Peste! Pati ba aso ay may pesteng problema sa akin?
Kaya ayon.... Tinahulan ko din sya. Hala, sige! Mag-tahulan galore tayo dito.
Nandito ako ngayon sa terrace namin. May second floor ang bahay namin, kaya mula dito sa kinalalagyan ko, nakikita ko na yung bubong ng mga kapit-bahay naming may kaliitan yung mga bahay.
At yung mga poste sa street namin, ay parang yung ngipin ng kababata kong babae na kalaro ko dati ng patintero sa kalye, KULANG KULANG. O kung ayaw niyo ng description na yun ay gawin nating mas malinaw, kumpara sa isang klase na puro tamad ang nandoon ay iyun yon. Madaming absent.
"Putangina mong peste ka!! Aray ko!! Masakit!! Wag mo na akong saktan!!" Sigaw ko sabay palo sa binti ko. Dahan-dahan kong iniharap sa akin ang palad ko atsaka pa ako ngumiti ng parang demonyo. Inilapit ko ito ng kaunti sa mukha kong gwapo atsaka ako nagsalita habang nakatingin pa din sa palad ko, "Lamok ka lang, si Sky ako." Atsaka ko pinagpag ang kamay ko habang nakangisi.
Napansin ko yung bote ng beer na iniinom ko kanina na may tumutulo ng tubig sa paligid nito..
Unti-unti ng nawawala yung lamig ng beer.
Inabot ko itong muli mula sa pagkakapatong nito sa lamesang maliit. Sa kapatid kong babae itong mesa na ito. Inilabas ko lang 'to dito sa terrace para pagpatungan ko ng paa ko.
Uminom ako sa beer na hawak ko, "Oh, putanginang mga pesteng lamok kayo. Sige, papakin nyo na akong mga peste kayo! Gusto ko yung tipong walang matitirang pesteng dugo sakin, ha." Saad ko, atsaka pa ako sumuntok-suntok sa hangin.
Tumayo ako mula sa pagkakaupo ko sa upuan na kapartner nung lamesang maliit ng kapatid ko. Tumungo ako sa dulo ng terrace atsaka ako kumapit sa bakal. Uminom akong muli.
Tinanaw ko si Cloud na nasa garden. "Hoy, aso!! Hindi ka pa ba kukunin ng amo mo?"
At, ang bastos na aso, ay hindi sumagot. "Ba, buleg! Peste kang bastos ka, ah!" Sigaw ko dito. "Hintayin mo ko dyan!" Dagdag ko pa.
Nagmadali akong bumaba habang dala-dala ang beer na iniinom ko. Pag dating ko sa garden ay agad kong binuhat ang aso paakyat sa terrace. Nang makarating kami dito ay ibinaba ko na ito sa sahig at hinayaang magpaikot-ikot dun.
Inilapit ko yung lamesa sa dulo ng terrace atsaka ko idinikit ang lamesa sa bakal. Sa totoo lang, asensado ako ngayon. Dahil ngayon ay may upuan at lamesa ako. Sa araw-araw ko kasing nandito sa tuwing kakagat ang dilim ay sa sahig lang ako nakapwesto. Mabuti ngayon ay naipuslit ko yung upuan at lamesa ng kapatid ko. Umupo ako sa lamesa.
BINABASA MO ANG
Sky's Teardrops
Historia CortaSabi ni G. Marcelo Santos III, isang kilalang manunulat, sa kaniyang nobelang Para sa Broken Hearted, "Ang pag-ibig minsan hindi mo makikitang darating pero kapag aalis na, bukas mata mo pang mapagmamasdan." Ito ay kuwento kung paanong ang isang bag...