Epilogue

42 2 0
                                    

Napadilat ako dahil sa ingay ng busina ng mga sasakyan nagdaraan sa harap ng bahay namin..

Umaga na pala. Nakatulog pala ako.

Nakahiga ako ngayon sa sahig ng terrace namin.

Hinanap ko si Cloud pero wala na siya. Dumungaw ako sa garden at dun ko siya nakita.

Bakit ganoon? Parang walang nangyari.

Nakaramdam ako ng uhaw. At nakita ko ang nag-iisang bote ng beer sa tabi ko.

Tumungga ako dito at nalasap ng dila ko ang isang patak ng alak na nagmula sa boteng hawak ko.

Muli akong tumungga sa bote. Pero kahit ilang beses kong tinapik ang pwetan ng bote, at kahit gaano pa kalakas ang tapik ko.. Wala nang lumalabas mula dito.

Bumangon ako at nagtungo na sa kwarto ko.

Pero bago iyon, tumingin akong muli sa kabuoan ng terrace. Wala ang silya at upuan na ipinuslit ko lang sa kapatid ko. Wala ang mga nagkalat na basyo ng beer at upos ng sigarilyo. Wala din si Cloud.

Nag-tuloy na ako sa kwarto at bumungad sakin ang orasan kung saan sinasabing alas-quatro na ng hapon.

Hindi na pala umaga, hapon na pala.

Agad akong nagtungo sa banyo atsaka naligo. Pumunta ako sa kwarto para magbihis ng matapos ako. Isang simpleng t-shirt na kulay itim ang suot ko. Naka-short ako na checkered. At may cap na kulay pula.

Nagpahinga muna ako saglit sa kwarto. At bumaba ako ganap na 6 PM para kumain ng hapunan.

Matapos nun, umalis na ako.

Pagkarating ko sa lugar na yun, nababalot na ng kadiliman ang buong kalangitan. May mga ilaw na parang nasa disco, pero open ang lugar na ito kaya't madadama mo ang malamig na hangin na dumadampi sa balat mo. Marami na ring tao kahit 7 PM pa magsisimula ang patimpalak.

Sa sobrang dami, ni wala na nga akong mapwestuhan. Kaya't umakyat ako sa malaking puno.

Nagsimula na. Isa-isa ng naglabasan ang mga kandidata.

Tahimik lang akong pinagmamasdan si Rain habang rumarampa sa entablado at magiliw na ipinakikilala ang sarili niya.

Habang pinagmamasdan ko siya mula sa malayong kinatatayuan ko sa malayong kinatatayuan niya. Damang-dama ko ang layo sa pagitan naming dalawa. Hindi ko mapigilang maramdaman at maunawaan ang sarili ko kung bakit lubusan ang pagmamahal ko para sakanya. Habang pinanonood ko siya ay walang ibang nangyari sa mga mata ko kundi maglabas ng mainit na likido. Likido na patunay ng pagmamahal ko sakanya at nagrerepresenta ng mga alaala naming hinihiling kong maulit pa.

Yumuko ako para takpan ang mukha kong puno ng luha. Natapos ang patimpalak. Hindi siya ang nag-uwi ng korona. Pero pinatunayan niya sakin na hawak pa rin niya ang puso ko.

Umuwi ako pagkatapos kong bumili ng beer at BBQ na dala ko hanggang sa pag-uwi ko.

Umakyat ako sa terrace ng dala ko na din si Cloud.

Tahimik ang paligid. Nababalot ng katahimikan ang buong paligid.

Hanggang sa ang katahimikang ito ay binasag na ng may sumabog sa kalangitan.

Isang fireworks display.

Ang ganda. Kinulayan nila ang madilim na kalangitan.

"Cloud.." Tawag ko sa asong kanina pa nagpapaikot-ikot dito. Hindi ko siya nililingon pero alam kong hindi pa din siya tumitigil sa pag-ikot. "Namimiss mo na ba yung amo mo?" Tanong ko sakanya atsaka ako muling uminom.

"Kasi ako..... Miss na miss ko na siya." Habang nakatingin ako sa fireworks. "Ay!! Hindi pala..." Pagbawi ko sa sinabi ko kanina na miss na miss ko na siya.

"Cloud.. Miss na miss na miss na miss ko na si Rain." Napasinghap ako. "Sobrang sobrang sobrang miss.." Dugtong ko.

"Gusto mo bang ikwento ko sa'yo yung storya namin ng amo mo?" Tuon ko kay Cloud.

Pumikit ako habang dinadama ko yung simoy ng hangin. Dumilat ako atsaka muling tumitig sa kawalan, "At dahil hindi ka sumagot, Cloud... Sige... Ikukwento ko."

"Magmula pa noon. Wala akong ibang ginawa kundi tanungin lang ang sarili ko.. Kung saan ba ako nagkulang. O kung saan ba ako sumobra.." Nagsimula na akong uminom, "Kung ano bang pagkakamali ko. Kung anong nagawa ko. Kung anong nangyari. Kung bakit hindi siya napunta sa akin." Tumawa ako ng bahagya, at saka pa nagkaroon ng mistulang racing sa mga mata ko dahil sa pagpapaunahang makababa ng mga luha ko.

"Badtrip lang kasi hanggang ngayon, wala pa ding sagot yun." Atsaka pa ako ngumiti ng mapait.

Tumingala ako habang umiiling dahil sa pagbabakasakali na sa ganoong paraan ay mapigilan ko ang patuloy na pag-agos ng mga luha ko.

Wala akong nagawa, kaya't itinakip ko ang dalawang kamay ko sa mukha ko atsaka pa muling nagsalita, "Alam mo ba yung pakiramdam na wala ka talagang balita sakanya? Yung hindi mo alam kung nagka-amnesia ba siya o nag-migrate na sa ibang bansa?"

"Parang ilusyon lang o panaginip. Parang nanaginip lang ako. Parang napanaginipan ko lang talaga ang lahat, at kanina.. Nagising ako."

Hindi ko na napigilan ang paghagulgol habang yakap yakap ang asong binigay sa akin ni Rain, "Cloud, ako ang daddy mo, diba? Love mo ba si daddy? Kasi, love ka ni daddy. Yun nga lang, mas love ni daddy si mommy." Sabay tawa ko pa, "Ngayong iniwan ka na sakin ng mommy mo.. Ayaw din kitang iwan." Napatingin sa akin si Cloud na parang pilit na iniintindi ang mga sinasabi ko, "May cancer si daddy sa baga, eh." Lumakas pa lalo ang hagulgol ko, "Pasensya na at pabaya ako. Ngayon ko lang sinabi dahil ayaw kong tanggapin na kahit ako ay mawawala sa'yo, Cloud. Matagal ko nang alam 'to. Matagal nang alam ng pamilya ko. Ginagawa nila lahat para ilayo ako sa mga bawal sa akin, pero dahil matigas ang ulo ko. Malamang wala silang nagawa."

"Kung nakakapagsalita ka lang sana para pigilan ako at kung nandito lang sana si Rain para alagaan ako, siguro matagal-tagal pa ang itatakbo ng buhay ko."

"Pinili ko ang mamuhay sa sakit na ito dahil sumusuko na ako sa buhay ko. Alam kong wala ng pag-asa. Kung sana ba ay ganon kadali magpagamot pero hindi, eh."

"Isa pa, ito ay palantadaan ng buhay. Na kahit ibinigay mo ang lahat, minsan sakit pa din ang makukuha mo sa bandang huli. Double meaning." Tumawa ako.

"Hanggang ngayon palaisipan pa din sa akin ang lahat, Cloud.." Tumigil ako saglit para lumingon sakanya, "Hindi pa din ako sigurado sa lahat. Kung dumating ba talaga siya sa buhay ko. Kung nagkakilala ba talaga kami. Kung naging kami ba talaga at sumaya kami. Kasi parang hindi totoo lahat."

"Siguro nga, kahit galingan mo pa sa isang laban, walang kasiguraduhan ang pagkapanalo mo."

Sky's TeardropsTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon