Ibinaba ko si Cloud sa sahig atsaka ako lumabas sa ilalim ng mesa habang nakahawak pa din sa ulo ko.
Normal sa akin 'to. Pero bakit sobrang tagal ata nito ngayon?
Unti-unti na akong dumilat at ng makita kong malabo pa din ang paningin ko ay umiling na ako ng madaming beses.
Gaya ng nakagawian, kapag ginagawa ko yun ay bumabalik sa ayos ang paningin ko.
Inubos ko na muna lahat ng beer bago nagsimulang dumada ulit. Nagtira lang ako ng isa para mamaya.
Inubos ko na din muna yung pitong yosi na natira sa bulsa ko. Sinindihan ko atsaka ko hinithitan ang mga ito ng sabay-sabay.
"Ang sabi niya sakin, mag-isip nalang daw muna kami. Kung dapat pa ba kami sa isa't isa o dapat tanggapin nalang na para talaga kami sa iba.." Huminto ako para pigilan ang pagpatak ng mga luha sa mata ko kahit pa tuloy-tuloy na ang pagbagsak ng mga ito, "Ilang buwan na ang nakakalipas magmula noon. Pakiwari ko, nahanap na naming dalawa ang sagot sa pag-iisip na iyon."
Alam niyo ba kung gaano kasakit tanggapin yung katotohanan na masasabi niyo na lang na tapos na ang lahat sainyo dahil tumigil na kayo sa pag-uusap, pagkakamustahan at pagmamahalan?
"Nung lumubog na yung araw noon.. Hindi na ako muli pang umiyak."
"Sinabi ko nalang sa sarili ko na, baka may importanteng bagay lang na dapat niyang unahin." Ngumiti ako habang patuloy ang pagdaloy ng mga luha sa aking mukha, "At, oo. Mas importante pa sa akin."
"Naghintay ako. Naghintay ako nung mga panahon na iyon dahil alam ko na babalik pa siya. At kapag bumalik na siya, bukas kamay ko siyang tatanggapin at sasalubungin."
"Naghintay ako na sumuko nalang yung puso ko. Naghintay ako na masagad na yung pasensya ko. At maubos na yung pagmamahal at pag-asa ko."
"Pero siguro talagang hindi lahat ng bagay na hinihintay mo ay dumadating eh, ano?" Binuksan ko ang huling beer saka ako muling sumampa sa ibabaw ng lamesa.
"Syempre. Hindi dapat nawawalan ng pag-asa. Sabi nga sa tshirt ng mga nakakasalubong ko sa Plaza, never give up, eh."
"May tatlong linggo pa ako para makasama siya. Pero pagkalubog ng araw nung araw na yon. Bigla ko nalang gustong bawiin yung 3 weeks. Nagpasalamat nalang ako sakanya para sa araw na yon. Para sa lahat ng pinagdaanan namin. At binawi ko na. Hindi ko kasi ata kakayanin na makita pang napipilitan siyang sumama sakin mapasaya lang ako."
"Pero, ewan. Biglang nag-iba. Biglang hindi siya pumayag. At sinabi niya sakin na hihintayin daw namin na matapos ang tatlong linggo bago kami tuluyang mag-desisyon kung anong magiging takbo ng buhay naming dalawa.."
"Gusto daw niya kasi akong maging masaya sa birthday ko, eh. Tanga ba talaga siya?" Tumawa ako habang iniinda ang sakit ng ulo ko at ng puso ko, "Ang birthday, dapat happy. Kaya nga happy birthday eh. Tapos maghihiwalay lang kami sa araw na yon? Mas mabuti pang agahan na, tama ba ako, Cloud?" Tingin ko sakanya.
"Sinabi ko sakanya nun na kung sa birthday ko, doon kami maghihiwalay, edi wala nalang akong birthday. Simpleng solusyon. Simpleng solusyon na kahit kailan hindi naman nangyari. Parang tanga lang."
"Ang huling tatlong linggo ng kaligayahan ay mabusisi kong pinlano. Una, para habulin siya. Pangalawa, para maging masaya. Pangatlo, para tuluyan ng makalimutan siya. Pero ang planong iyon ay hanggang plano lang pala."
BINABASA MO ANG
Sky's Teardrops
Short StorySabi ni G. Marcelo Santos III, isang kilalang manunulat, sa kaniyang nobelang Para sa Broken Hearted, "Ang pag-ibig minsan hindi mo makikitang darating pero kapag aalis na, bukas mata mo pang mapagmamasdan." Ito ay kuwento kung paanong ang isang bag...