[4] Pelting Pain

54 1 0
                                    

"Dumating naman si Rain non. Nakalimutan ko na kung anong palusot niya, pero sigurado naman ako na pinaniwalaan ko yun eh. Kasi hindi ko kinwestyon. Sinabi ko sakanya yung tungkol sa sinabi sakin ng barkada ko. Di daw niya alam kung bakit siya pinapipirma dun sa may heart na yun." May isang patak ng luha ang tumulo galing sa mata ko. Agad ko itong pinunasan.

"Kapag naaalala ko yung mukha niya nung oras na yun, para siyang constipated na model ng isang capsule na pampatae. Pero nagtataka ako ngayon kung bakit hindi ko iyon pinansin nun. Kung bakit di ako nagduda nun. Kung bakit ngayon lang nagiging malinaw sakin lahat." Hanggang sa ang isang patak ng luha ay nasundan pa.

"Madalas kaming mag-break. Sa sobrang dami ng pagkakataon na nag-aaway kami sa loob ng isang araw lang ay talagang nakakapagod. Nakakapagod umintindi, magbigay. Nakakapagod mapagod." Huminga ako ng malalim.

"Makapal ang mukha ko kaya aaminin kong kadalasan ako ang nakikipag-break. Para sa akin kasi black at white lang ang parating pagpipilian. Walang gray." Napasinghap ako.

"Aaminin ko naman na hindi ako yung perpektong boyfriend. Na madami din akong pagkukulang. Na napapahirapan ko din siya at nasasaktan ko din siya. Kahit hindi ko sinasadya yun, alam ko hindi naman maiiwasan yun. Nasasaktan din naman ako eh. Pero magkaiba nga lang yung sakit na nararamdaman namin."

"Araw-araw sasabihin ng mga tao na, 'Nandito nanaman 'tong mag-shotang 'to.' sa tuwing makikita nila kami sa kung saan saan ni Rain. Alam ko iniisip pa nga ng mga tao na parang di kami marunong mag-away at wala na atang makakapaghiwalay pa sa amin."

"Nagbago ang lahat nung december na. Ito na yung huling buwan ng taon. Pero bakit yung huling buwan na yun, parang humaba ng humaba, tumagal ng tumagal, hanggang sa sumakit ng sumakit?" Napapikit ako. Ayoko sanang umiyak.

"Syempre nagkabalikan kami. Kami pa ba ni Rain, hah?" Sabi ko habang nakangisi. "Sa totoo lang, nung nag-birthday si Kamagong, kami na ulit ni Rain nun." At bigla kong ikiniskis ang ngipin ko sa taas at sa ibaiba. Ikiniskis ko sila sa isa't isa.

"Nung december. Hindi pumasok sa isip ko na may magugulo. Kampanteng kampate ako kaya't nakakatulog pa ako ng mahimbing nun." Kinagat ko ang ibabang labi ko ng simula na itong manginig.

"Sabado ng tanghali. Natulog ako non dahil sa sobrang katamaran ko. Sa tansa ko, mga bandang alas-4 ng hapon na ako nagising. Natural, mga text ni Rain ang bumungad sakin. Binasa ko ang mga yun ng may tulong laway pa. Sabi niya pumunta siya sa birthday ng anak ng kaibigan ng mommy nya. Ang tanga ko lang, kasi bakit kaya ako naniwalang anak ng kaibigan ng mommy nya? Pakielam naman nya sa anak non?" Napapailing ako kahit may nagbabadya ng pumatak na tubig mula sa mata ko.

"Yung may birthday na yun. Ayoko na sana banggitin pa yung pangalan nya. Pero barkada siya ni Kamagong." Yumuko na ako. "Hindi pumasok sa isip ko noon na magkasama sila ni Kamagong. Ewan ko ba."

Ang sakit. Hindi ko na napigilan ang luha ko.

Hinayaan ko lang silang bumagsak ng bumagsak.

Luha...... Bakit ka ba palaging nagtataksil?

"Hindi ko alam kung bakit eh. Kung bakit sobrang tanga ko para hindi magduda sa bawat kilos niyang pwede ko na sanang mahuli noon pa, kung nag-isip lang sana ako." Umupo ako sa sahig para kunin si Cloud. Niyakap ko siya.

"Ano pa bang iisipin mo sa isang tangang gwapo na katulad ko? Ha?" Tanong ko habang nakatingin kay Cloud. Nagising nanaman siya.

"Nung gabi nung Sabado na yun, Cloud.." Yumuko ako habang nakatakip ang dalawang kamay ko sa mukha ko. "May barkada ako na kinukumbida ako sa birthday nya nung mismong araw din na yun. Sya yung syota ni Kamagong. Yung syota ni Kamagong, kaibigan si Ela."

Sky's TeardropsTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon