Prologue

69 2 0
                                    

Ang mawalan ng minamahal, ay masakit. Oo, alam ko yun. Normal lang naman yun.

Ang makita ang mahal mo na masaya sa iba, ay masakit. Oo, alam ko yun. Normal lang din naman yun.

Ang masaktan sa mahal mo dahil hindi ka niya magawang mahalin pabalik, ay masakit. Oo, alam ko yun. Normal pa din naman yun.

Sabi kasi nila, ang love daw, kung minsan ay perang ibinayad.

Nagbayad ka ng buo.

Sinuklian ka ng kulang.

Kung minsan nga, wala pang sukli.

Kung minsan nga, sa jeep, nakisuyo lang siya sayo na iabot mo sa driver yung pamasahe niya. Ibigsabihin, pinagkonekta mo lang silang dalawa. Nagpagamit ka lang.

"Alam mo yung nagmamahal ka ng tao tapos iiwanan ka rin naman pala? Yung wala ka ng magagawa kundi ang panoorin syang mawala sa buhay mo." - Dan, Para sa Broken Hearted.

Sabi nila, huwag daw natin sisihin ang tadhana.

Kesyo wrong timing, kesyo maling lugar, kesyo maling tao.

Sino nga ba naman ang nagsabing hawak nito ang lahat? Sino ba ang nagsabing maniwala tayo?

Walang perpektong buhay..

Yung gusto mo, hindi mo makuha.

Yung na sa'yo, hindi mo magamit ng tama.

Yung kaylangan mong magsakripisyo para sa iba, pero hindi pa din sila nagiging masaya.

Ang pinaka masakit pa ay iyong nasa'yo na, pero bigla pang nawala.

Iyong nararamdaman mo talaga yung unti-unti na siyang naglalaho sa piling mo..

We all live with the objective of being happy; our lives are all different and yet the same.

Tanggapin ang mga bagay na wala na, at maging masaya sa kung ano pang natitira..

Hindi mo alam ang mangyayari sa'yo. Hindi mo hawak ang buhay mo o kung paano tatakbo ito.

Pero nasa sa'yo kung paano mo tatanggapin ang bawat darating para sa'yo.

Siguro minsan, ang pinakamasakit ay iyong isipin na kahit gaano pa kalaki ang pagmamahal mo. Hindi non mapipigilan ang isang tao para magmahal ng iba, para iwan ka.

Ito ay kuwento kung paanong ang isang bagay ay nagsisimula sa panaginip..

At magtatapos sa isang panaginip..

Sky's TeardropsTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon