Tumingin ako ng oras sa cellphone ko.
2 AM na.
Nakaramdam ako ng gutom kaya't ibinaba ko muna si Cloud sa sahig at ako ay bumaba muna sa kusina para sana tumingin ng makakain.
Wala man lang sa kusina namin na kahit anong luto na.
May lulutuin, pero nakakatamad.
Kaya hinanap ko yung tinapay namin. Isang piraso at isang takip ng loaf bread nalang ang natitira.
Pumunta ako sa pinagtaguan ko nung Cheez Whiz namin, at ang laman nito ay konti pa sa konti. Katiting pa sa katiting. Eh hindi pa nga ata nito kayang umabot sa dulo ng kutsara eh.
Wala na akong nagawa.
Kaya ibinalik ko nalang yung takip.
At ibinalik na din yung tinapay.
May iba pa sigurong dapat makinabang sa tinapay na nakuha ko. Yung iba na hindi naghahanap ng Cheez Whiz para dito.
Isasarado ko na sana yung pintuan nung kusina para sumuko na, pero may nakapukaw ng atensyon ko.
Isang balot ng chicharong baboy na bukas na, pero nakabuhol ito at nasa kalahati pa ang laman nito.
Agad ko itong kinuha at tinanggal ang pagkakabuhol nito.
Kumuha ako ng isa.
Aba't maanta pa 'to sa maanta ha!
Ano 'to? Kasing edad ng nanay ko?
Kinuha ko nalang din at isinarado na yung pinto ng kusina bago ako tuluyang bumalik sa terrace.
Sabi nga dati sa gm ng barkada ko...
Tanggapin ang mga bagay na wala na, at maging masaya sa kung ano pang natitira.
Hindi ko alam kung saan nya nakuha yon at wala na din akong balak alamin. Pero sa tuwing nagtyatyaga ako sa kung anong meron ako, palagi kong naaalala yun.
Binatukan ko yung sarili ko ng maisip ko na ang korni ko.
Dahil sa simpleng tinapay at cheez whiz at chicharon ay nagbalik tanaw pa ako sa gm ng barkada ko.
Pagkarating ko sa terrace ay nakita ko si Cloud na mukhang natutulog na.
Tahimik akong bumalik sa pwesto ko kanina habang dala ang maantang chicharong baboy na nakuha ko sa kusina.
"Cloud.." Tingin ko sakanya. Hindi siya lumingon sa akin, "Tulog ka na ba?" Tinanong ko siya pero hindi pa din niya ako pinansin.
"Bakit kaya yung mga aso di tinuruan magsalita?" Tanong ko sa kawalan habang nakamot ako sa ulo.
Tanging kuliglig lang at ugong ng kaunting hangin ang naririnig ko.
Muli akong pumikit. At sa pagdilat ko, sinimulan kong muli ang pagkukwento.
"Madaming nangyari pagkatapos nun. Nagkagulo-gulo ang lahat. Nung time kasi na yun.. Dapat may kanya-kanya kaming gusto, o mahal. That time, I was supposed to be in love sa isang taong nakalimutan ko na kung paano mahalin. At ganoon din si Rain. Naks! Nag-english pa ako. Natatawa tuloy ako."
"Nung mga oras na yun, dapat mahal ko yung dati kong trip. Si Jai. Pero wala siyang kakambal na ang pangalan ay Joj, ha? At nung mga oras din na iyon, dapat mahal ni Rain yung ex niya." Pagpapalawak ko sa sinabi ko.
"Alam mo ba dati, Cloud. Tinanong ako ni Jai. Kung gaano ko siya kamahal. Hindi ko alam ang isasagot ko noon. Gabi na rin kasi kaya wala ng pumapasok sa isip ko na pwedeng pang-uto sakanya. Pero dahil dakila ako, malamang may sinabi ako, 'Tingin ka sa labas. Bilangin mo yung stars. Ganon.' Iyon ang sinabi ko. Ang sweet ko diba? Hah!"
BINABASA MO ANG
Sky's Teardrops
Short StorySabi ni G. Marcelo Santos III, isang kilalang manunulat, sa kaniyang nobelang Para sa Broken Hearted, "Ang pag-ibig minsan hindi mo makikitang darating pero kapag aalis na, bukas mata mo pang mapagmamasdan." Ito ay kuwento kung paanong ang isang bag...