1. HIS DARK SIDE
Welcome to my world.
I am Cosmo Yohan De Guzman, your Gobernador.
"Bilisan niyo na ang kilos. Mamaya dadarating na rin si boss! Malilintikan na naman kayo makikita niyo!"
Kanya-kanyang nagsikilos ang mga tauhan namin sa aming secret laboratory. Pamilya namin ang isa sa pinakamalaking supplier ng drugs sa buong Luzon. Hawak rin namin ang ilang gangs at iba't-ibang dirty business sa buong Pilipinas.
"Gobernador.."
Ibinaba ko ang hawak kong alak sabay lingon sa isang lalaki na nasa harapan ng pinto ng office ko.
"Wala pa rin ba si kuya? Darating na maya-maya yung mga puti na bumili ng party drugs."
"Yun nga po ang pinunta ko dito. Tumawag po si Superior Devon kanina para sabihin sa inyo na kayo na lang daw po ang makipagkita sa mga puti. May transaksyon daw po kasi sila ng papa ninyo sa bahay ng Presidente ngayon."
"Ok. Ipahanda mo na yung mga sasakyan. Mamaya pababa na ako."
Lumabas na si Alejo, isa sa katiwala ng aking papa. Bago ako lumabas ay inubos ko muna ang alak na laman ng baso ko at kinuha ang isang revolver sa lamesa ko.
Sa pagbaba ko, sinalubong ako ng mga 'di tatayang 25 na mga lalaki na lahat ay nakaitim. Oo nga pala, isa sa policy ng aming pamilya ay kailangan lahat itim. Kapag nagiba ka ng damit.. Patay ka!
"Gobernador dito po ang sasakyan niyo."
Binuksan ng isa sa lalaki ang pinto ng sasakyan at nakita ko doon ang isa sa pinakamalapit na tao sakin na isa sa leader ng gang namin na Dragonareconeksion.
"Steve!"
"Gobernador.." Yumuko sakin ito
Kinutusan ko ito pabalik. "Don't be so formal. Tayo lang dito. Para namang 'di kita bestfriend siraulo."
BINABASA MO ANG
The Dark meets Light
ActionPatakbong sumisigaw si Mandy sa kakahuyan, madilim at napaka-sukal. "Sebastian! Tulungan mo ako!" Bitbit-bitbit ang cellphone ay mas binilisan pa niya ang pag-takbo. Hinahabol siya ng mga lalaking naka-itim, mga alagad ni Cortez. Nag-kubli siya sa i...