13. DANGER

4 1 0
                                    

13. DANGER

Sebastian's POV

"Pakawalan niyo ako dito! Mga duwag!" nalasahan ko ang dugo sa bibig ko at dinura ko iyon. Medyo blurry ang paligid ko dahil sa nawalan ako ng ulirat kanina.

"Boss gising na si Seb. Bugbugin ko ba?" isa sa mga lalaking nasa harapan ko ang nagsalita. May kausap thru phone.

"Okay boss!"

Inikot ko ang paningin ko sa paligid. Nasa isa kaming yacht. Sumilip ako sa bintana na nasa tabi ko at puro tubig lang ang nakikita ko. Walang mga ilaw sa paligid.

Sinabunutan ako ng isa sa mga lalaki doon at pilit pinahaharap sa kanila.

"Ano ang passcode sa Helios vault?"

Nginisian ko lang sila.

"Ayaw mong sabihin?"

Hahampasin na sana ako ng baril ng biglang may tatlong lalaki na pumasok.

"Pakawalan mo ko dito Paul!"

Pilit kong tinatanggal yung sarili mula sa pagkakatali nila sa kamay ko.

"Ibigay mo muna sa amin ang passcode ng Helios o mamamatay ka dito?"

"Wala kang makukuha sakin tarantado!"

Isang malakas na sampal ang natanggap ko mula dito.

"Ibibigay mo o ipapatapon kita sa dagat? Mamili ka ngayon Sebastian!"

Dinuraan ko ito sa mukha. Pinunasan naman nito yung dugo na tumalsik sa mask niya.

"Bitbitin niyo sa labas yan."

Binuhat yung upuan na pinagkakatalian ko. Iniaamba nila akong ihuhulog sa dagat.

"Sige na! Ihulog niyo ako. Hindi ako natatakot mga gunggong!"

Sinabunutan ulit ako ng isa sa mga lalaki doon.

"Sa huling pagkakataon, ano ang passcode sa Helios?"

Hindi na ako nagatubiling sagutin pa siya. Nagpatihulog ako magisa sa dagat.

Hindi ko alam paano ako makakaalis. Pinapaputukan na rin nila ako ng baril. Buti na lang at hindi ako natatamaan.

Papalubog na ako ng papalubog sa ilalim ng dagat ng may bigla akong naramdaman na sumisisid papunta sa akin.

Pagkatapos non, wala na akong naalala.

PNC News report:

Isang pagsabog ang nadinig kaninang mga bandang alas dos ng madaling araw dito sa may Roxas Boulevard. Ayon sa saksi, may mga lalaking naka-itim ang nagpasabog sa mga yateng nandoon. Iniimbestigahan pa ng mga kinauukulan ngayon ang pangyayari. Sa kabilang banda, pinaghahanap ngayon ang anak ng tanyag na Business tycoon na si Luisiano De Guzman. Ayon sa tagapag-salita nang pamilya, huling nakita si Sebastian sa private yacht nila. Sabi pa nila, may balak pumatay sa binata. Tinitingnang anggulo ngayon sa pagsabog ang koneksyon nito kay Sebastian. Naguulat mula sa PNC, ito si Juanito Delgado balik sa inyo.

Nakaharap ako sa tv ngayon at may benda ako sa kanang braso.

Nilingon-lingon ko ang sarili ko sa buong paligid at nasa isa akong bahay.
Pinilit ko ring tumayo mula sa pinagkakahigaan ko.

"Wag mo na piliting tumayo Seb. Makakasama sayo 'yan."

Nilingon ko ang lalaking nagsalita.

"Drake?"

Umupo ako sa sofa mula sa pagkakahiga ko.

"Niligtas kita gago." umupo ito sa tabi ko athumigop ng dala nitong tsaa. "Sinundan ko yung mga lalaking sumusunod sayo mula kagabi sa bar. Hindi mo namalayan yun dahil busy ka sa ibang bagay."

The Dark meets LightTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon