3. THANK YOU

38 3 0
                                    

3. THANK YOU

Mandy's POV

"Mandy takbo!"

Binilisan ko ang pagtakbo mula sa mga lalaking humahabol sa amin ng lalaki na kasama ko. Hindi ko siya mamukhaan dahil blurry yung mukha niya.

"Pa-paano ka?" Tumigil ako at tumingin sa kanya.

"Ako ng bahala sa kanila basta lumayo ka na dito!"

Riiiiiiing! Riiiiiiiiing!

Nagising ako bigla dahil sa tunog ng alarm clock ko. Nakakainis! Bakit ba ako nag-alarm eh sabado nga pala ngayon. Ang ganda na ng panaginip koooooo.

Nagsuklay muna ako ng buhok bago bumaba para mag-almusal.

"Hi ma! Good morning." Hinalikan ko si mama sa cheeks.

"Morning nak." bumalik si mama sa paglu-luto niya ng almusal. "Ay oo nga pala nak. May nagaantay sayo sa harapan ng bahay. Pogi ah? Boyfriend mo? Hindi ko na lang pinapasok sa bahay kasi sabi niya aantayin ka na lang daw niya muna magising."

Nagulat ako sa sinabi ni mama. Lalaki? Gwapo? Sinong herodes naman ang pupunta ng maaga sa bahay? Sa pagkakaalam ko eh wala naman kaming project or assignment or activities sa school?

Tiningnan ko sa bintana yung sinasabi ni mama na lalaki pero wala naman akong nakita. Tanging kulay dilaw lang na sasakyan yung naka-park sa harapan ng bahay namin.

"Labasin mo na nak. Nandoon siya sa loob ng kotse niya. Mga isang oras kalahati na siya siguro diyan."

Nagulat lalo ako sa sinabi ni mama. Whaaaaat?

"Sino yun ma? Wala naman kaming activity sa school. Hindi mo man lang ba tinanong yung pangalan? Paano pag kidnapper pala yan ma tapos kinuha ako? O kaya yung mga rapist." Natawa si mama sa sinabi ko.

"Ewan ko sayo nak. Labasin mo na at kanina ka pa inaantay. Nakakahiya naman."

Nakita kong pababa si Josef kaya tinawag ko. "Josef! Tanungin mo nga kung sino yung na sa labas ng bahay at anong sadya niya?" napakunot noo lang ito. "please?" pagmamakaawa ko.

"Bahala ka diyan ate. Bisita mo ata yan at tsaka nagugutom na ako." umupo na ito sa may la mesa.

"Patay-gutom ka talaga." nag-make face lang ito.

Nakakainis kasi. Ang aga-aga!

Naghilamos muna ako bago lumabas ng bahay. Konting mouthwash at liptint para kunyari fresh.

Kakatukin ko pa lang sana yung kotse niya ng biglang ibinaba ang bintana nito.

"Alam mo bang ang tagal-tagal ko ng nagaantay dito? Alam mo bang ilang oras na lang male-late na tayo sa rehearsal natin?"

Si Seb.

Wait. What? Male-late? Rehearsal? Wala naman ata kaming activity.

"O anong tinatayo-tayo mo pa diyan? Hindi mo ba na-recieve yung text ng Org?"

Huh? Text ng org

"Look at your phone."

Inopen ko yung phone at meron ngang isang text message.

From: +6392568*****

Hi Good evening! This is Joana, from the Campus organization. I just want to inform you that we have a rehearsal tomorrow, June 29 at the Plaza Sanreal. This is for the candidates of University King and Queen 2019. Thank you!

The Dark meets LightTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon