11. BIG BOSS

16 2 4
                                    

11. BIG BOSS

Sebastian's POV

"Sir by 3 pm daw po dadating ang chopper." pumasok ang secretary ko sa office ko at kinuha ang files na gagamitin ko mamaya sa Royal ball sa condo namin sa Makati.

Kasalukuyan kasi akong na sa Batangas ngayon. Isinabay ko sa bakasyon ko ang mga Business plan para sa itinatayong bagong Amusement park.

Ako na ang namamahala sa ilang business ni papa. Pinahawak niya sakin yung The Pearl Orient, itong resort namin sa batangas, limang malls sa Luzon, tatlo sa Visayas , apat sa Mindanao plus yung bagong itatayong Amusement park na itatapat daw sa Disneyland ng Hongkong.

Napakalaking responsibilidad ang binigay sakin idagdag mo pa doon na ako na ang bagong Big Boss ng Dragonareconeksion. Nag-retire na kasi si papa. Nasa America ito sa ngayon. Kay Josef naman ibinigay ni tito Renzeus yung Jonsloth kasama niya dito yung boyfriend niyang si Rokai. Bakante pa rin yung Ornelius dahil wala pa si Mandy. Yeah, my one and only Mandy. It's been 4 years since nung umalis siya at sobrang miss na miss ko na siya. Walang araw at gabi na hindi ko siya iniisip. Wala rin na kasi akong alam sa kanya. Basta ang alam ko lang ay nasa Australlia siya para sa isang misyon. Yun ay ang makapagtapos siya doon at makapag-training ng palihim na hindi napapansin ng mga Cortez.

Apat na taon na ang nangyaring kaguluhan sa university namin at hanggang ngayon ay sariwa pa rin sakin kung pa-paano nabaril si Mandy ng walang laban noon. Kitang-kita ko kasi sa mga mata ko kung pa-paano kamuntik mamatay siya dahil sa gulong iyon. Alam kong malapit na siyang makaganti sa mga gagong Cortez na yun.

Apat na taon na ring hindi nagpaparamdam ang mga Cortez. Hindi na sila nagpaparamdam at nanggugulo sa mga transaksyon namin. Hindi naman ako tanga para magpakampante lang. Alam kong isa sa mga araw na ito, buwan at taon ay babalik at babalik sila at ako mismo ang papatay sa Paul na yun.

"Sir kailangan niyo na pong bumaba. Maga-alas tres na po."

Pinatay ko ang sigarilyo na kanina ko pa hinihithit, inayos ang mga gamit na nagkalat doon kanina bago ako tuluyang bumaba sa opisina ko.

"HAPPY birthday to you! Happy birthday to you! Happy birthday happy birthday, happy birthday to you!"

Sinalubong ako ng mga flash ng camera at ng mga nag-aawitang mga tao. Muntik ko ng makalimutan na 25th birthday ko nga pala.

"Happy birthday Big Boss!"

Itinaas ni Steve ang champagne na hawak nito. Na sa stage ito at siya ang nagsisilbing tagapasimuno ng birthday surprise na'to. Napakaraming tao sa grandhall ng The Pearl Orient.

"Blow the candle! Blow the candle!"

Sabay-sabay silang nagchi-cheer. Pinapaakyat ako sa stage dahil nandoon yung cake na four layers. May picture ko pa 'to sa tuktok. Tangina ang panget ko naman doon.

No choice naman ako. Ayaw ko rin namang maging KJ.

Umakyat na nga ako ng stage at hinipan yunh cake. Sabay-sabay namang nagpalakpakan ang mga taong nandodoon at kasabay non ang pag-play ng isang video sa likuran ko.  Puro stolen pictures ko ito at mga Jejemon pictures ko. May ilang nagvi-video greetings din sakin especially yung papa ko at ilan pang malalapit na family members sakin.

Nagbukas ang screen kung saan nagpe-play ang video at iniluwa doon ang alam kong pasimuno sa lahat. Walang iba kundi ang pinaka-close ko sa lahat ng pinsan ko, si Ethan Jacob Cabañas. Isa itong professional male model at Ambassador din ito ng isang clothing brand. Naghiyawan ang mga tao pagkakita sa kanya.

"Good evening guys!" kumaway ito sa mga tapos kininditan ako. Napailing ako sa gagong ito. Lakas talaga ng trip. "Happy birthday to my gagong cousin! Anyway cous gusto ko lang sabihin sayo na God bless you and May the force be with you!"

The Dark meets LightTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon