14. SEBASTIAN, RUN!

10 1 0
                                    

14. SEBASTIAN, RUN!

Sebastian's POV

Nagulantang kaming lahat sa pagkamatay ng Presidente. Pero sa kabilang banda, nagpapasalamat pa rin kaming lahat sa kanya dahil sa ibinigay nitong mahalagang impormasyon.

Itinago ko ang Presidential Diary sa isang safety vault kung saan hindi ito mabubuksan at makikita ninoman. Kahit ng tatlo. Ako at si Drake lang nakakaalam ng tungkol dito.

Hindi pa rin kami safe sa mga Cortez lalo na't alam nilang may kumuha sa Presidente kanina. Alam kong gagawa at gagawa ng paraan ang mga 'yon para makilala kung sino yung mga kanina.

Nagkakagulo pa rin sa buong palasyo dahil sa nangyari sa Presidente. Makikita mo sa kahit saang balita, puro patungkol sa Presidente ang balita. May mga haka-haka pa nga ang idinadawit ang Dragonareconecsion sa usapin sa pagkamatay ng Presidente.

"Ano na kaya mga sunod na hakbang ng mga Cortez?" si Ethan. "bigla na kasing nanahimik sa system ng Helios. Wala ng nagbabalak pasukin 'to."

"Magandang balita yan pero dapat pa rin tayong naka-blue alert. Na-contact niyo na ba sila Sef?"

Umiling lang si Adrian bilang tugon sa tanong ko.

Nagpaalam muna ako sa apat at pumasok sa kwarto. Muli kong inilabas sa vault ang diary at sinimulan ko itong buklatin.

1978, April 19

Ngayong araw kami nakapag-tapos ng pag-aaral para sa paga-abogasya sa Unibersidad ng Pilipinas. Kaming tatlong magkakaibigan na si Luisiano, ako at ang nakakabata nitong kapatid na si Juanito ay nakatanggap din ng mataas na parangal para sa akademya.

1984, December 11

Itinatag ni Juanito De Guzman ang Dragonareconcion, isang samahan ng mga pinakamayayamang kalalakihan sa kamaynilaan. Layunin ng samahan na pagtibayin ang relasyon sa pagpapalitan ng kaalaman patungkol sa Business.

Itinago ko sa ilalim ng unan ko yung diary ng biglang may kumatok sa pinto.

"Seb! Kailangan mo 'tong makita. Bilisan mo."

Dali-dali akong lumabas ng kwarto. Kitang-kita ko sa mga mata ko, sa balitang pinapanood nila na nasusunog ang buong planta namin sa Batangas. Isa ito sa pinakamalaking planta namin ng Tobacco. Sa ilalim nito ay ang pagawaan naman ng mga drugs.

"Ihanda niyo na yung kotse. Punta tayong Batangas ngayon na."

Bumalik ako sa kwarto at iniayos sa malaking travel bag doon lahat ng gamit ko. Isiningit ko din sa bag yung diary. Tsaka ko na lang tatapusin yun. Mas mahalaga 'tong pupuntahan namin.

Sabay-sabay kaming sumakay sa elevator at dali-daling pumunta sa parking area. Dalawang sasakyan ang ginamit namin. Sasakyan ni Ethan at ni Steven. Sa sasakyan ako ni Steven sumakay.

Pinadiretso ko na muna sa The Pearl Orient para gamitin na nalang namin yung chopper na nandoon. Pina-contact ko na rin kay Drake yung ilang myembro ng Helios. Hanggang ngayon ay 'di pa rin kasi makausap sila Sef.

"Ano na bang nangyayari sa Jansloth at sa Ornelius ngayon? Bakit kung kailangan natin sila eh hindi natin sila ma-contact?"

"Nung last week nag-down system nila. Kanina tumawag sakin si Keizer para sabihing hanggang ngayon eh gumagawa pa sila ng solusyon para hindi tuluyang makuha ng mga Cortez ang pamamahala doon."

Si Keizer ang isa sa tauhan ng Ornelius. Isa din ito sa pinagkakatiwalaan ko.

NAKARATING na kami sa private resort namin sa Batangas. Hindi naman kalayuan dito yung mismong planta namin. May mga sumalubong sakin ng mga tauhan namin at nag-bow.

The Dark meets LightTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon