12. LONG TIME NO SEE
Sebastian's POV
Mas lalo kong pinagtibay ang depensa namin. Masyado na talaga akong nagiging kampante kaya lagi kaming nasasalisihan ng mga Cortez. Nahihirapan na rin akong magtiwala. Hindi ko alam sa kanila kung sino ang kakampi o kung sino ang sasaksakin ka na lang patalikod.
Pina-cancel ko lahat ng mga gagawin ko ngayong araw. Balak ko munang mag-relax. Balak kong magpakalayo-layo sa mundong ginagalawan ko ngayon. Ayaw ko munang isipin ang negosyo at ang mga transaksyon. Lalo lang ako maiistress. Kabata-bata ko pa eh baka mag mukha na akong matanda.
Apat lang ang pinagkakatiwalaan ko sa ngayon. Sarili ko, si Jacob, Adrian at si Steve.
Pumunta ako sa The Secret Lounge. Pagmamayari ito ng isa sa myembro ng Jansloth kaya alam kong safe ako dito. Niyaya ko na rin yung tatlo na pumunta at nagsabi namang pupunta sila.
Nauna na akong pumunta doon at pinaayos na yung private room para samin. Gusto ko lang mag chill talaga ngayon.
Maya-maya pa ay nagdadatingan na rin ang mga tao sa club. Ako kasi nag nauna dito. Na sa labas ako ngayon at nagsisigarilyo.
May mga nakakakilala sakin at nagbo-bow naman sila sa harapan ko. Pumasok na ako matapos kong mag-sigarilyo at pumunta na ako sa VIP room. Nagpadala na rin ako ng isang bucket ng beer. Magsisimula na ako. Tagal nilang lahat eh.
Sa kalagitnaan ng pag-inom ko, isang lalaki ang pumasok sa room. Isang lalaking malapit sakin. Isang lalaking matagal ko ng hinahanap.
"Drake?"
"Yow bud!"
Niyakap ako nito at tinapik likod ko. Ako naman ay nagulat sa pagdating nito.
"Wait! Kelan ka pa dito sa Pinas? I mean kelan ka pa nakauwing gago ka?" nagtawanan lang kaming dalawa.
"Matagal-tagal na rin. Ngayon ko lang napagisip-isip na puntahan ka."
Kababata ko si Drake. Sobra ko itong close sa lahat ng tao sa paligid ko. Mas close ko pa siya kaysa sa dalawa kong mga kapatid. Lagi ko 'tong kasama sa lahat ng lakad ko. May nangyari sa nakaraan namin na matagal ko na namang nakalimutan. Kasabay ng pagkamatay ng ex ko ang pagpapatawad ko sa kanya. Alam ko rin namang una't sapul pa lang eh siya naman talaga ang mahal ni Samia. Ayaw ko lang masira ang pagkakaibigan namin at ganoon naman din siya.
"Nga pala bro invited ka sa birthday nung baby ko ah? Punta ka. I'll send you the details. Aasahan kita kupal ka."
Finuck-you ako nito bago tuluyan siyang lumabas. Kasabay naman ng paglabas nito ang pagpasok ng tatlong mas kupal sa kanya.
"Si Drake yun diba?"
Tumango lang ako sa tanong ni Adrian at sinundan niya ito papalabas. Naiwan kaming tatlo at umupo na sila sa tabi ko.
"So anong feeling makita ang long lost bestfriend mo?" pangaasar sakin ni Jacob.
I smirk. "Wag kang issue bro. Okay na kami ni Drake tarantado."
"Ok sabi mo eh." sabay lagok sa beer na iniinom nito.
Masyado na kaming nabo-boringan sa loob kaya pinagdesisyunan na lang namin pumwesto sa Upper Box ng bar. VIP area pa rin naman ito pero makikita mo lahat ng mga nagpa-party doon unlike dito sa room na close talaga.
Nagpakuha ulit kami ng apat na beer. May mga ilan din na taong nandodoon malapit sa amin pero ilag sila na lumapit samin. Ikaw ba naman na kasama mo lahat ng pinakamalalakas sa clan namin eh.
BINABASA MO ANG
The Dark meets Light
ActionPatakbong sumisigaw si Mandy sa kakahuyan, madilim at napaka-sukal. "Sebastian! Tulungan mo ako!" Bitbit-bitbit ang cellphone ay mas binilisan pa niya ang pag-takbo. Hinahabol siya ng mga lalaking naka-itim, mga alagad ni Cortez. Nag-kubli siya sa i...